Chapter Eleven

5.5K 107 6
                                    

Chapter 11

Concern


"Okay ka lang ba talaga, Rania?" tanong ni Eden sa pang-ilang beses na.


Kanina pa kami abala sa shooting para sa modeling ng isang branded jeans. Inaayusan ang mukha ko para sa panglimang damit ngayong araw. Kanina pa ako hindi makapagfocus dahil sa masama ang pakiramdam ko.


Sa tingin ko ay dahil ito sa pagpupuyat ko ng ilang gabi na. kailangan na kasing matapos ang papers namin sa school at dumadagdag pa sa pagkakaabala ko ang pictorials dahil sunod sunod daw ang gustong kumuha sa akin para sa women's apparel simula noong lumabas ang una kong picture suot ang isang black swimsuit.


S'yempre mahaba habang kumbinsihan pa ang nangyari sa amin ni Eden. Siya kasi ang nagpupush sa akin na ituloy itong modeling, manager ko raw siya, ganoon. Hinayaan ko nalang siya.


Tumango ako at uminom ulit sa aking tumbler ng tubig.


"Pwede ko namang kausapin si Eliphaz para ipagpabukas na muna ito, baka kulang ka sa pahinga." Nag-aalalang saad ni Eden.


I only smiled at her weakly. Nagtuloy kami sa pagkuha ng pictures at halos alas tres na ng hapon natapos.


"Great job, Rania! I'll treat you two for dinner! Antayin niyo ko sa waiting area, may kakausapin lang ako." Si Eliphaz.


"Gusto mo na bang magpahinga?" tanong ulit ni Eden.


Hindi naman na ako nahihilo kagaya ng kanina kaya sa palagay ko ay ayos lang namang sumama kami sa dinner para hindi magmaktol si Eli.


Sa kotse na rin kami ni Eliphaz sumakay. Nagcommute lang kasi kami kanina ni Eden papunta dito sa studio kaya pumayag na rin kami.


Dinala niya kami sa isang Japanese restaurant.


"We have a client in Hong kong. That is for next week, weekend naman kaya sana okay ang schedule niyo?"


Inaantay na namin ang order namin ng magsalita si Eliphaz tungkol sa client sa Hongkong.


"Talaga?!" excited na sabi ni Eden.


"Don't worry 'bout the accommodation and plane tickets, it's on me".


"Yey!" tumango naman ako at naexcite din sa naisip.


Actually, simula noong umalis si Grace noon ay never na akong lumabas ng bansa. Kahit kapag nagtatampo na si Mommy sa tuwing hindi ako dumadalaw ay wala silang magawa kasi hindi nila ako mapilit na magtravel.


Pinag-usapan na namin ang sched sa pagpunta sa Hongkong kaya hindi namin namalayan ang oras. But then, I was never this disappointed. Dati ay mahuli lang ako saglit sa oras ng uwi ko ay sobra sobra na ang text at missed calls ni Rahoul. Ngayon ni isa ay wala man lang.

Chained to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon