Chapter Ten

5.5K 110 6
                                    

Chapter 10

Model


"Rania, pakiabot naman iyong mga gamit para sa project natin." Utos ni Mico habang abala siya sa pag-aayos ng ilang parte ng aming proyekto.


Pawang nakaupo kami sa lapag ng classroom habang abalang inaayos ang mga projects namin.


Tumayo ako at kinuha mula sa table ang mga gamit.


Dahil hindi ko kagrupo si Eden, wala akong kausap maliban kay Mico. My classmates are not that friendly. Dahil sa palagi akong umuuwi kaagad noon ay hindi ko sila nakakasalamuha kung walang kailangan.


Nasa kabilang banda si Eden at mukhang hindi naman tumutulong sa kagrupo dahil abala ito sa pagtitig sa kanyang phone.


"Rania!"


Nag-angat ako ng tingin sa pagtawag sa akin.


Eden signed me to look outside. Nandoon si Gunner sa labas ng classroom namin at may dalang paperbag at dalawang box ng pizza.


Kumaway sa akin si Eden. Nang lumapit ako ay lumawak ang ngiti ni Gunner. Iniabot niya sa akin ang paperbag at kay Eden naman ang pizza.


"Eden texted me that you're busy. So I bought food so you won't starve." Ngiti niya.


Rinig ko ang bulong bulungan sa loob ng silid habang si Eden naman ay gumagawa ng ilang kakaibang tunog sa aming tabi. Sinipat ko siya bago humarap kay Gunner.


"You don't have to. Pero salamat na rin." I smiled.


Sandali lang doon si Gunner dahil sa may business meeting daw ito. Ngunit kahit na wala na siya doon ay hindi pa rin lumilipas ang pag-uusisa ng mga kaklase ko. Kung hindi sila kay Eden magtatanong ay ako naman ang kukulitin nila.


"Ang g'wapo naman ng manliligaw ni Raniella!"


"Mukha pang mayaman!"


"Saan kayo nagkakilala?"


Paulit ulit ang mga nagiging tanong nila at nananahimik lamang kapag si Eden na ang sumasagot sa kanila. They are fishing out answers from me.


Hindi agad nakalimot ang mga kaklase ko. Paulit ulit nilang tinatanong ang tungkol kay Gunner na paulit ulit ko ring tinatanggihan.


Pagkatapos ng gawain ay dumiretso ako sa condo para buksan ang padalang gamit ni Mommy. Nagtagal ako doon ng ilan oras at kung hindi tumunog ang phone ay hindi ko mapapansing pasado alas otso na.


Rahoul's name is flashing on my screen.


Nagdalawang isip pa ako sa pagtanggap ng tawag.


"Where are you?" His voice is laced with something I can't name.

Chained to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon