Chapter 12
Forget
I was so glad that he's there for me. Iyon nga lang alam kong daratign din ang oras na aalis siya at mapupunta sa babaeng karapat dapat talaga sa kanya.
I can still clearly remember my time with him at the hospital.
"Ayos lang ako." Pang sampong beses ko na atang pulit ulit na sinabi.
Paalis na dapat si Rahoul para pumasok pero ilang beses na siyang nagpabalik balik at paulit ulit na nagtatanong kung ayos lang ba ako.
"Hindi nalang ako papasok. I want to stay here." Ulit niya rin sa sinasabi.
"No need, Rao. For sure Grace is also waiting for you to go home."
Dadaan pa kasi siya sa bahay para magpalit ng damit.
He sighed before running his hand on his hair, frustrated.
Kaya sa huli ay late na siyang pumasok. Ilang beses pa akong nagpumilit na darating naman si Eden para samahan ako.
Before lunch, Eliphaz came. May dala siyang mga prutas pero mas madami ang dala dala niyang strawberries.
"Kaya pala mas interesado ka sa strawberries noong una tayong nagmeet."
Napatawa ako habang kinakain ang strawberry.
"Isa pa, 'di ka kasi g'wapo kaya 'di ka niya pansin." Halakhak ni Eden.
Eli glared at her.
"Did the father knows about the baby?" Eli asked curiously.
"Napakachismoso talaga ng lalaking 'to!" Si Eden.
"Hindi. I think it's better not to tell."
"Pero para sa akin, that's unfair. What if he wanted the child?"
I sighed. "May girlfriend siya, Eliphaz."
Natahimik si Eli sa nalaman.
"What a bastard." Angil niya.
Natawa nalang ako sa kanya. Kala mo naman siya 'tong nabuntis eh!
"Ikaw nalang umako, Eli! 'di ba gan'to kay Rania type mo?" Sabat ni Eden.
Halos mabilaukan si Eliphaz sa pahayag ni Eden.
"I can but it will depend on Raniella. Okay lang sakin magkaroon ng instant child. I'm getting old!" Nagkamot pa siya sa ulo at parang seryoso sa naiisip.
BINABASA MO ANG
Chained to You
RomancePaano kung ang taong mahal mo ay hindi para sayo? Are you willing to let him go? Paano kung pareho kayong nakatali sa isang kasunduan? Are you willing to spend your whole life with him?