"It's started in a one common situation. She met this guy, and that is the most memorable experience for her childhood days."
"Ayos ka lang ba... Miss?" Tanong nito na naging sanhi ng pag iyak at hikbi ko. "Teka, may masakit ba?" Humihingal din ito gaya ko dahil sa ginawang pag takbo.Hindi na ako pupunta sa lugar na iyon, hindi ko to pwedeng sabihin kila Papa at Sean baka mag alala at pagalitan lang ako.
"S-salamat!" Niyakap ko ito, hindi ko alam kung paano ito pasalamatan. Papano na lang kung wala sya doon? Ano na lang ang mangyayare sa akin? Siguradong isa na naman iyon sa magiging bangungot ko.
"Tumahan ka na lang, baka sabihin pa ng iba pinaiyak pa kita." Iritadong tugon nito ngunit hindi 'yon naging hadlang para tigilan ko 'to.
"Being best friends without a gender discrimination."
Tumingin ito sa'kin at napailing. "Umuwi kana," inayos nito ang anti-radiation nyang salamin sa mata at muling nag salita. "Ayokong mahulog ulit sa kama ng pang isan-daang beses."Aba't! Di naman ako ganon kalikot matulog! Napaka pasmado ng bibig ng nilalang na 'to.
"Huwag mo kong sisihin dahil natural na sayong mahulog sa kama t'wing umaga! Ako pa sinisi mo, halos dalawampung porsyento ng espasyo ng kama mo lang ang sakop ko." Tuloy-tuloy kong banat dito at uminom agad ng gatas na naka patong sa bed side table ng kuwarto n'ya.
"Sira na 'yang memorya mo, Elle." Panunuya nito sa katulad kong mabait.
Tumayo ako at itinaas ang long sleeve ng pantulog ko at tumakbo sa likod nito at inilagay sa tapat ng leeg nito ang kaliwang kamay para masakal s'ya at bawian ng buhay kabaklaan.
"Shit, Elle! Stop!"
"Even her protector is not as straight as the other men, and literally falling for his same gender.."
"Elle.." Tawag nito pero binawi ko ang braso ko mula sa mainit nitong palad. "Pinsan ko si Denice."Napatingin ako dito at ikinunot ang noo.
"Ano?" Tanong ko para ulitin nito. Baka kasi nagkakamali lang ako ng dinig o imahinasyon ko na lang ang gumagawa ng paraan para mawala tong pakiramdam na 'to.
"Huwag mo ng isipin na ipinag papalit kita sa iba," seryoso ito ngunit halatang masaya "Dahil hindi iyon mang yayare, tandaan mo."
Umakbay ito sa'kin at dinala ako sa malalaking hakbang nito habang tumatawa. Buti ay hindi ako gaanong maliit para mag mukhang pandak pag ka-tabi s'ya.
"Hindi ko iniisip 'yon!" Deklara ko dito habang naka tingin ng inis dito.
"She secretly desired for this man, without a glimpse of hesitation of getting hurt.
She chooses to be around when he's hurt by someone else, and by that, she can't evade the pain seeing him crying for someone."
"Elle, anong ginagawa mo?" Madiing saad nito habang nakikita ko ang pag galaw ng panga nitong nag tatagis at naka tingin sa'kin.Lumikot ako sa pagkaka-upo sa hita n'ya habang nakatitig sa mata nito na mas lulalim ang pag kaka kulay tsokolate. Iginala ko sa dibdib nito ang hintuturo at ginalugad ang tapat ng maliit at bilog sa dibdib n'ya, iniikot ko ang daliri don at napakagat sa labi sa paglalaro.
"Elle." Pagbabanta n'ya ang tono na iyon pero may mabibigat na paghingang nakakunot ang noo sa akin.
Sa kabilang banda, ramdam ko na parehas kami ng nararamdaman. This is awkward. Pero si Trevour naman 'to kaya wala akong dapat ipag-alala.
BINABASA MO ANG
HE'S MINE [COMPLETED]
RomanceMasaya si Axielle nang maging kaibigan niya si Trevour. Masyado din siyang napalapit sa baklang ito, kahit pa nga ay madalas na mas kilos dalaga pa ito kaysa sa kan'ya. Sa paglipas ng panahon ay mas lumalim ang kanilang pagkakaibigan na hindi na din...