𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 29

790 15 0
                                    

NAGISING AKO sa mga pag katok sa pintuan ng apartment ko. Teka, anong oras na ba? Hindi naman ako na puyat ka gabi kaya siguradong hindi pa ako huli sa oras ng pag pasok. Bumangon ako at tiningnan ang alarm clock na nag sasaad na ala syete pa lang ng umaga at napa tingin sa pinto ng kuwarto kong naka bukas ang pinto kaya rinig ang mga katok sa pintuan ng apartment ko.

Tinungo ko ang labas ng kuwarto at dumiretso sa pintuan para buksan iyon habang humihikab.

"Sino ba 'yan?" Tanong ko pero agad kong isinarado ang pinto ng makitang si Trevour ito, at ngiting ngiti sa akin.

Tumakbo agad ako sa CR at tiningnan ang sarili, oh my, may muta pa ako at magulo ang buhok. Lumipas kasi ang nangyare sa amin sa hospital, pag ka raan ng dalawang araw naka labas ma ako't kahapon lang naka uwi dito. Hindi ko na sasabihin na s'ya ang nag asikaso sa akin kahit sabihin kong umuwi na s'ya at mag pahinga.

"Ikaw ang pahinga ko, Elle. Kaya dito lang ako."

Napa kagat ako sa labi para pigilang mapa ngiti, ka gabi pa ako na babaliw. Si Trevour, may gusto sa akin. Akala ko na nanaginip ako dahil sobrang imposibleng mag ka gusto s'ya sa'kin. Nag madali akong mag ayos kahit konti bago binuksan muli ang pintuan.

Nakita ko na naman ang ngiti nito sa harap ko. Nag tatakha na 'ko, baka may tama na si Trevour o na siraan lang ng ulo?

"Wala bang expiration date yang nakaka inis mong ngiti?" Tanong ko dito habang naka kunot ang noo.

"Wala, mukha ba akong timang?" Sabi pa nito habang hindi na aalis ang ngiti sa mga labi nito.

Pinigilan kong matawa at batukan 'to, baka sabihin lakas tama ako sa ngiti n'ya, eh. "Hindi naman," tumingin ako sa ibang direksyon. "Abnormal lang."

"Hindi ko nga maintindihan, pag alam kong makikita kita hindi ko mapigilan." Litanya nito kaya tiningnan ko ito.

"Alam mo ba yung 'keep it to your self' thing? Masyado kang open, ni hindi mo nga ata pinag isipan yang sinabi mo. Teka, ganyan ba talaga kase halos dalawang taon ka sa ibang bansa?" Huminga ako ng malalim at inayos ang mahabang buhok. "Ni hindi mo man lang pinipigilan ang ibang salita, masyado kang bulgar. Masyadong kumplikado ang mga tao, hindi mo alam kung nag sasabi ba ng totoo o hindi. Tapos ikaw, hindi ka naman na bagok habang nasa Australia diba? Kung hindi, sobrang daming nag iba sa'yo. Baka mamaya sinapian ka lang ng enkanto. Iwas iwasan mo 'yan."

Sa dami ng sinabi ko, "Okay." lang ang sinabi n'ya habang mukhang timang na naka silay sa'kin. Sarkasmong ngumiti din ako dito at tinaasan ito ng kilay.

"Teka, bakit ka nga pala nandito? Ang aga aga pa." Tanong ko dito.

"Hindi ako naka bili ng mga pang stock, last na yung kinain ko nung naka raan." Sumilip ito sa loob ng apartment ko at ngumiti sa akin. "Kaya dito ako mag aalmusal."

"Hah, ano 'to fast food restaurant?" Tanong ko dito na hindi naman nito pinansin.

NAG LALAKAD kami papasok ng Doña Felicidad Victorina University, kung saan din kami nag tapos ng secondary level ng kasama ko ngayong mag lakad. Si Trevour, iba ang aura nito ngayon. Laging naka ngiti sa akin at maloko na din. Sa maka tuwid, abnormal s'ya.

Na alala ko tuloy yung nangyari samin sa hospital, dalawang araw bago ako ma discharge.

Napa yuko ako at pilit kinundisyon ang sariling pag iisip. Hanggang ngayon sobrang lakas pa din ng epekto sa'kin non. Syempre, Axi! First kiss mo 'yon! Nakaka loka, dapat siguro ipag sawalang bahala ko na 'yon. Hindi rin naman binabanggit ni Trevour sa akin ang bagay na 'yon. Masakit mang isipin, pero baka na dala lang s'ya sa sitwasyon noon.

HE'S MINE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon