𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 5

1.9K 37 5
                                    

So this chapter is inspired by the person whom reading this. Lalo na sa mga nag bigay sakin ng support para magawa ito.

Love you, Sweeties.
<3

—————————————

GABI NA at nandito pa din ako sa kuwarto ni Trevour. Ngumunguya ng cheese at umiinom ng gatas. Wala, sobrang talino ko kaya naunahan ko pang matapos ang hot na nilalang na nakaharap ngayon sa laptop sa study table n'ya, gumagawa pa din ng research.

Napakamabusisi talaga.

Manonood sana ako ng anime kanina, kaso 'di pa nga ako nakaka-isang minuto ay sinamaan na agad ako ng tingin nito. Napaikot ang mata kong muli dahil sa naalala.

Kung sana ay naka-isang episode na ko sa mga oras na 'to! Kainis. Siguro kapag yung boyfriend n'ya gumawa ng bagay na gusto ko ay susuportahan n'ya pa tapos mero pang kasamang masahe. Hmmp!

"Di ka pa ba uuwi?" tanong ng ma-attitude na juding.

Kumagat muna ako sa keso bago sumagot dito, "9:38 pa lang naman, tyaka dito na ako pinapatulog ni Papa kapag daw inabot ako ng 10 kung sakali." kaswal kong sagot habang nakatingin sa gawi nito.

Tumingin ito sa'kin at napailing, "Umuwi kana," inayos pa nito ang anti-radiation n'yang salamin sa mata at muling nagsalita, "ayokong mahulog ulit sa kama ng pang isan-daang beses."

Aba't! Di naman ako ganon kalikot matulog! Napakapasmado ng bibig ng nilalang na 'to, ah.

"Huwag mo 'kong sisihin dahil natural na sayong mahulog sa kama t'wing umaga! Ako pa sinisi mo, halos dalawampung porsyento ng espasyo ng kama mo lang ang sakop ko." tuloy-tuloy kong banat dito at uminom agad ng gatas na nakapatong sa bed side table n'ya.

"Sira na iyang memorya mo, Elle." panunuya nito sa katulad kong mabait, "Kaya di maipagkakaila kung bakit ka 13/50 sa math noon."

Tumayo agad ako at itinaas ang long sleeve ng pantulog ko at tumakbo sa likod nito saka inilagay sa tapat ng leeg nito ang kaliwang kamay ko para masakal s'ya at bawian ng buhay kabaklaan.

"Sht, Elle! Bitaw!" litanya nito habang tinatanggal ang kamay ko. Syempre nakangiti ako ng pang baliw habang nahihirapan na s'yang huminga.

"Okay lang to! Ako na bahalang magbayad sa pang morge mo." sagot ko dito at kinagat ang kanang tenga nito ng malakas na ikinahiyaw nito.

Umingay na sa buong kwarto dahil sa sagutan namin at sigaw ni Trevour nang bumukas bigla ang pinto. Sa sobrang wild ni Trevour umikot na pala ang upuan na inuupuan nito, kaya nakaharap kami sa direksyon ng pintuan.

Napasinok kaming dalawa ng makitang nakangiting ngiwi si Tita.

"Tatanungin sana kita Axi kung dito ka matutulog," iginala nito ang tingin sa lagay namin ngayon at nagsalitang muli habang mahinang tumatawa, "but then, mukhang mahal na mahal n'yo talaga ang isa't isa."

May sinabi pa itong 'di ko narinig dahil sobra ng hina bago nito isinarang muli ang pinto.

Nakakahiya, 'yun ang unang salitang naisip at naramdaman ko.

Inalis ko agad ang pagkaka-kagat sa tenga ni Trevour at kamay na lumuwag na sa pananakal sa leeg nito.

Dahan-dahan pa ang pagpunta ko sa kama at umupo dito ng mahinahon habang suot ang ngiting pangmabait na bata. Yes, I'm an angel.

"Elle.." sabi nito at kinabahan agad ako nang makarinig ng imaginary takureng kulong-kulo, "You'll regret that!"

Mula sa tingin nito sa pinto ay tumingin ito sa'kin at patakbong humakbang sa direksyon ko habang nakapaskil ang nakakatakot na ekspresyon nito sa mukha.

HE'S MINE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon