LUMIPAS ANG ilang linggo at sobrang lapit na ng pasko. Halos busy na din si Papa at itong si Sean naman laging may lakad kasama ang mga barkada n'ya. Buti na nga lang at nandyan ang computer at cellphone, anime is life kaya hindi din ako tinatagalan ng pag ka bagot.
Anong oras na ba? Napa tingin ako sa alarm clock na nasa bed side table ko at nakitang alas nuwebe na ng umaga. Dahil ala syete ang body clock ko, nagising ako kanina tulad ng na kagawian ko. Kaya kung ano ano na nagawa ko.
Tumayo ako sa kama ko at inayos ang kulay abo na makapal na kumot. Pag tapos ay pumunta ako ng CR para tumingin sa salamin, inayos ang buhok na naka lugay at medyo magulo ipinusod ko ito sa itim na panali, nag hilamos at nag toothbrush. Nag palit ako ng malaking shirt at jersey short na itim dahil yun ang hilig ko sa closet, kesa sa mga damit na ini-hiwalay ko ng lagayan. Yung mga damit at dress na binigay ni Tito Alex dati.
Mag lilinis na lang ako, tutal wala din naman akong kasama dito. Kaya walang makaka sagabal. Bumaba na ako sa unang palapag ng bahay namin para mag ayos sa sala lalo na sa couch, TV at coffee table. Kumuha muna ako ng pang pagpag sa alikabok at kumuha ng basahan para punasan ang mga gamit.
Masyado ng ma-alikabok ito. Kailan pa kasi nung last na nag linis kami ni Tita Niña dito. Kaya ganito ka dumi. Pag tapos ko sa couch, pumunta ako sa kusina at nag suot ng gloves para mag hugas ng pinggan. Nag punas ako ng lamesa kahit malinis na ito pati na ang island counter.
Paroon at parito ako sa bahay. Lalo na at na isipan kong mag vacuum sa carpet at inabot ako ng syam syam dahil gusto ko ay pulido. Kasunod non, pumunta ako sa likod ng bahay para kuhain ang mop na may kasamang dryer sa sariling lagayan. Hinila ko iyon at sinimulan sa kusina, papunta sa sala, hanggang sa main door ng bahay.
"Ayos na yan, baka mamaya kumislap na yung sahig." Sabad bigla ng kung sino.
"Hoy!" Sa sobrang gulat ko na bitawan ko ang mop at napa hawak sa dibdib. "Peste ka, Trevour!"
Ibinaba nito ang mug na sa tingin ko may lamang kape.
"Nag salita ako kanina bago pumasok," prenteng naka cross legs ito habang naka tingin sa magazine na galing sa ilalim ng coffee table. "Pero ngayon mo lang ako na pansin."
Gusto ko s'yang talunin sa sofa at ilubog sa tiles. Pero dahil pagod ako at nanlalagkit sa pawis, 'wag muna.
"Malay ko bang may naka pasok na bayawak dito." Sagot ko dito habang pinupulot ang mop na nasa sahig.
"Malamang, dito s'ya naka tira." Tugon nito.
Tinitigan ko ito sa naka mamatay at may kamandag na titig pero hindi ito nag pa apekto dahil makapal ang balat nito mula paa hanggang mukha.
"Ikaw, mambu-bwisit ka lang ba talaga dito?" Litanya ko dito habang tinitulak ang hindi naman kabigatang mop dryer.
"Gusto kong mamili ng single sofa sa mall, para sa kwarto ko." Sabi nito habang nasa magazine pa din ang tingin.
"Bumili ka, bakit kailangan mo pang i-share sa 'kin?" Sagot ko dito at tuluyang inilagay sa lalagyanan ang hatak kong mop.
Kinuha ko ang fresh milk at nilagyan ang basong kinuha ko. Nag lakad papunta sa couch at umopo. Nag punas ako ng iilang pawis sa likod at dibdib. Para din akong nag exercise.
"I'll take you with me." Napa tingin ako dito at nakita kong naka tingin na din ito sa akin.
"Manonood ako ng anime." Walang preno kong tugon.
Una sa lahat, anong kaartehan na naman 'to? Meron na s'yang maliit na sofa sa kwarto n'ya at natatandaan ko pa kung kailan lang 'yon. Pangalawa, mapapagod lang ako. Pangatlo, mapapagod ulit ako.
BINABASA MO ANG
HE'S MINE [COMPLETED]
RomanceMasaya si Axielle nang maging kaibigan niya si Trevour. Masyado din siyang napalapit sa baklang ito, kahit pa nga ay madalas na mas kilos dalaga pa ito kaysa sa kan'ya. Sa paglipas ng panahon ay mas lumalim ang kanilang pagkakaibigan na hindi na din...