Hello, Sweeties!
Salamat sa mga nag vote ng previous chapters, that's why I wrote this because of you who put my stories in your reading list and giving your feedback through commenting.Apologising for my slow update, dahil tinapos lang ni Ms.J ang school works na kailangan dahil graduating. Malapit na ang summer kaya hindi na mag kakaroon pa ng mga sagabal sa pag u-update ni Ms.J.
Thank you sa pag babasa at support, y'all are precious.Enjoy Reading! :)
-----------------
HABANG NAKA upo sa isa sa mga bench dito malapit sa HUMSS building ay ginagawa ko ang tutok na pag babalik aral dahil may magaganap na long quiz sa maraming subject bukas.
Huwag kayong magulat, dahil mas mahal ko pa din ang anime kesa sa mga aralin na 'to. Masyado ko lang iniisip ang kabutihan ni Papa kaya gusto kong suklian iyon. Hindi man sa medal o sa ano mang parangal dahil sa pagiging magaling sa bawat aralin, ay mabigyan ko man lang ng maganda at katanggap tanggap na grado.
Sinusulit ko na ang pagiging masipag ko ngayong oras, para mamaya pag dating sa bahay ay kaunti na lang ang bubuklatin ko't para pwede ng manood.
Na tuwa tuloy ako sa aking na ilalarawang gagawin mamaya pag dating sa bahay.
Napa tingin ako kay Celine na may roong tinuturuang junior high, ang maamo nitong mukha ay malalaman mong naka aangat sa buhay. Kaya nag taka ako kung bakit pa ito nag tututor sa magandang estudyante. Ngayon ko lang kase ito nakita, na meron itong ganoong ginagawa.
Siguro ay nakaramdam ito na naka tingin ako sa kaniya kaya sumulyap ito sa direksyon ko, ngumiti ito kaya sinuklian ko ng kaparehas nito.
Nang bumalik ito sa pag tuturo ay ibinalik ko na din ang tingin sa manipis na reviewer.
Habang nasa libro ang pag iisip ko, na iba ito ng biglang ma-alala ko ang nangyare kahapon.
Flashback
Habang papalabas ng school, may kung sino ang tumawag sa cellphone ko na naka lagay sa bulsa ng aking bag. Kaya ini-alis ko ang isang strap ng bag sa kaliwa kong balikat at kinuha ang teleponong may naka lagay na pangalan ng isang taga pag ligtas.
Kunwari lalake muna s'ya, matikas, matapang, at malaki-
Huwag na nating pag usapan ang bagay na ito, dahil baka mag dulot ng malalang piligro sa ating mga isipan ang salitang malaki.
"Hello, Malaki-" nabigla ako sa sinabi ko, pero ng babawiin ko sana ay nag salita na ito.
"Anong malaki?" Tanong nito sa kabilang linya.
Napa takip ako ng bibig at pumikit dahil sa inis sa sarili, pahamak ka self. Kahit kailan.
"H-huwag kang epal, may nakita akong lalake dit-"
"At ano ang malaki?" Intriga nito, at ramdam ko na nag tataka na ito sa akin.
"Yung bag! Huwag ka ngang umepal! Tumawag ka kasi agad," bulyaw ko dito para ma-iba ang usapan. "Kumalma ka muna d'yan dahil palabas na ko ng school."
Kunwaring pag iiba ko ng usapan, at tumingin sa paligid. At kahit saan ay wala kang makikitang malaking bag na sing laki ng pwede n'yang isipin.
BINABASA MO ANG
HE'S MINE [COMPLETED]
RomanceMasaya si Axielle nang maging kaibigan niya si Trevour. Masyado din siyang napalapit sa baklang ito, kahit pa nga ay madalas na mas kilos dalaga pa ito kaysa sa kan'ya. Sa paglipas ng panahon ay mas lumalim ang kanilang pagkakaibigan na hindi na din...