𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 15

966 19 0
                                    

NAG SIMULA na kaming mag laro ng spin the bottle matapos ang pag tatanong ng mga bagay bagay tungkol sa personal naming buhay. Sa katunayan, parang reporter itong si Nathan. Pero pwede din dahil gusto n'yang maging geologist.

"Ipapa-ikot natin ito ng dalawang beses, ang unang tapatan s'ya ang uutusan o mag sasabi ng pawang katotohanang lang," Naka ngiting wika ni Kyle. "At sa pangawalang ikot, kung sino ang tapatan s'ya ang mag tatanong kung Truth or Dare."

Tumango lang kami, at tahimik na nasimulan ang pag ikot ng plastic na bote ng tubig. Napa tingin ako ng ma-tapat ito kay Monique. Ngumiti si Kyle at iniikot muli ang bote.

"Axi, ikaw ang mag tatanong." Wika nito.

Nag isip ako at tinanong s'ya "Truth or dare?" Syempre dahil dakilang duwag ito, mas pinili n'ya ang truth.

"Anong pinaka importante sa'yo pwera sa pag kain?" Sa tanong ko ay natawa ang lahat lalo na si Joy.

"Inumin." Mapakla nitong sagot at nginusuan ako, tanda ng pag tatampo n'ya.

Tumatawang ini-ikot muli ni Kyle abg bottle at tumapat ito kay Vincent. Iniikot muli ni Kyle at tumapat ito kay Nathan. Ang dalawang hayok ay mistulang nanalo sa sabungan.

"Vincent," tumikhim muna si Nathan. "Truth or dare?"

"Dare." Sagot nito ng walang pinag iisipan.

Kunsabagay, pag truth pwedeng mag tanong ang dalawa ng sobrang komplikadong bagay.

"Oh, ano," Inilagay nito ang kamay sa baba habag nag iisip. "Mag aya ka ng kahit sino basta isang tao lang, para mai-date."

Napa tingin ako kay Vincent, seryoso ba 'tong si Nathan. Parang nakaka hiya naman umaya ng kahit sino.

"Nath, sawa kana ba sa buhay?" Tanong ni Leo dito, sa hitsura n'ya mukhang s'ya pa ang nautusan kahit si Vincent naman.

"Kung 'yon lang," panimula nito at tumingin kay Nathan. "Marami namang pwedeng pumayag d'yan."

"Yun naman pala, so again, let's spin the bottle," tumapat ito kay Kyle at nang pangalawang ikot tumapat ito kay Leo. "Ang lakas ng hangin-"

"I dare you, Florentino. To kiss Nathan, later when we're in the tent for a sleep." Diretso nitong utos kahit wala pang tanong kung truth or dare ba.

"Woah, wala akong sinabing dare." Ayon ni Kyle habang naka ngiwi.

"So you really like to pick the truth, huh?" Mistiko itong tumingin kay Kyle.

Si Kyle naman at Nathan ay napa lunok, maya maya ay bumunghalit ito ng mga wirdong pag tawa habang nag hahampasan.

"I mean, wala bang ibang choice-" sumeryoso ito at nag salita ng "Sabi ko nga, Leo bro."

Pina-ikot na nito ang bottle at sa kamalas-malasan, tumutok ito sa akin. At tumapat ito kay Joy.

"Truth or dare?" Prenteng tanong nito.

"Dare." Sagot ko, tumingin ito sa'kin at sinuri ang hitsura ko.

"Humanap ka sa mga dadaan sa kalayuan ngayon, hawakan mo lang ang kamay at bumilang ka ng five seconds bago mo bitawan." Ngumiti ito, katulad non ang ngiti ni Monique ngayon. "That's it."

Tumayo ako ng walang kahirap hirap at nag lakad ng medyo malayo sa posisyon namin.

"Wala naman akong masyadong kilala dito," tumingin tingin ako sa mga nag lalakad. "Pahirap, kung sino pa talaga kaibigan mo."

Nag ka-roon ako ng pag asa ng may pamilyar na mukha ang nakita ko sa kalayuan. Kaso naman ay marami itong kasamang lalaki. Teka, gagawin ko ba? Bahala na, matapos ko lang ang dare na 'to.

HE'S MINE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon