LeonardHINDI KO maramdaman ang kahit anong bagay dahil sa sobrang dami nito at hindi ko mapigilan. Lalo na't ngayong malapit s'ya sakin, na sisiraan na ako ng ulo. Habang hawak ko ang braso n'ya para pigilang sundan n'ya si Trevour.
"Vin, 'wag mo na s'yang sundan." Sinabi ko ito sa pagitan ng malalamim na pag hinga.
"Bitawan mo 'ko, Leo." Iginalaw n'ya ang braso para maka wala sa pag hawak ko dito.
Mula sa harap ay itinuon ko ang paningin ko sa kan'ya kahit naka talikod ito sa akin.
"Hindi ko hahayaang. . ." tumingin ako sa nilabasan ni Trev kanina. "Masaktan ka ng iba."
"Bitawan mo 'ko." Sa pag galaw pa nito't humarap sa akin, binitawan ko na ng tuluyan ang braso n'ya. Wala akong ibang makita sa mga mata
"Pakinggan mo man lang ako, kahit ngayon lang Leo." Alam kong hindi n'ya mababasa ang reaksyon ko.
Dahil kailangan kong kumalma, maging maingat, at hindi ipakita na ganito na ako ka baliw sa sitwasyong 'to.
"Interesado ako sa kan'ya, Leo," tumingin ito sa akin at ramdam ko ang pag ka muhi. "Sino ka ba para pigilan ako sa gusto ko? Diba, ikaw naman dapat ang mahiya't umiwas dahil sa ginawa mo?!"
Sa pag sigaw at pag dagundong ng galit nitong tinig napa-pikit ako. Naramdaman ko ang pag piga sa kung ano sa dibdib ko. Na alala ko ang ala-alang nang yari apat na buwan na ang naka-raan.
"Vin." Iminulat ko ang paningin ko, wala akong paki alam kung mukha akong masama, manloloko, o walang puso. Gusto kong malaman n'ya na totoo ang nararamdaman ko.
"Ikaw, masaya ka diba? Wala ka na bang mapag laruan kaya sinusubukan mo akong mahulog ulit sa nakaka suka mong laro?" Galit nitong saad habang dinuduro ang tapat ng dibdib ko.
"Duwag ako, manloloko, at maka sarili.." Wala akong maramdaman kundi ang pagiging gago sa harap n'ya, mapa tawad n'ya lang. "Pero ayokong masakta-"
Naramdaman ko ang pag tulak nito kahit may lakas ako para hindi mag pa apekto don, dahil sa nakikita kong pag ka muhi n'ya sa 'kin, nang hihinang tinanggap ko 'yon. Dumapo ang kamao nito sa mukha ko, pero kahit malakas 'yon hindi ko na naramdaman ang sakit non.
"Gago ka! Sinaktan mo ako tapos ayaw mo akong masaktan ng iba?" Huminga ito ng malalim, nag pipigil itong ambagan ulit ako ng suntok, nahihirapan s'ya. "Kahit ilang beses kang dapuan ng konsensya o baka talagang gusto mong pag laruan ulit ang nararamdaman ko, hindi ako maaawa para mapatawad ang isang tulad mo."
Sa sinabi n'ya labis na nag karoon ng sobra sobrang kirot sa puso ko, pinipigilan kong huminga, pinipigilan kong maramdaman na nang hihina ako sa pag kakataong matagal kong pinag handaan at nangyari ngayon kahit wala sa tamang pag kakataon, ayoko mang makita n'ya ang pag bagsak ng mga luha ko pero huli na para maging matatag ako sa harap n'ya para tanggapin lahat ng pag kamuhi n'ya para sa'kin.
"Gagawin kong lahat para lang makalimutan ka, kaya 'wag mo na akong guluhin," Naka tingin ito sa akin sa blankong titig. "Nag sisisi ako kung bakit pa kita nakilala."
Hinawakan ko ang kamay nito sa paraang naka sanayan naming gawin noon, hinigpitan ko iyon. Hindi ako susuko at makitang mapunta lang s'ya sa iba. Matagal akong na baliw, at alam kong galit s'ya sa akin pero umaasa akong may nararamdaman pa din s'ya para sa'kin.
"Minahal kita," tumingin ito sa akin at nakita ko ang sakit at kalungkutan sa mga mata nito. "At hanggang ngayon, minamahal pa din kita."
Nakita ko ang pag luha nito at pag tingin sa mga kamay n'yang hawak hawak ko. Humugot ako ng lakas at huminga ng marahas.
BINABASA MO ANG
HE'S MINE [COMPLETED]
RomanceMasaya si Axielle nang maging kaibigan niya si Trevour. Masyado din siyang napalapit sa baklang ito, kahit pa nga ay madalas na mas kilos dalaga pa ito kaysa sa kan'ya. Sa paglipas ng panahon ay mas lumalim ang kanilang pagkakaibigan na hindi na din...