Hello there, sweeties!
So *ehem* so how many months since I last updated this book? Hmm.. Anyways, before you kick the shit out of me, I wanna inform you that I had a hard time of changing how this book will step the end. Pero dahil sobra-sobrang panahon na ang ipinalugit ko sa aking sarili before I decided to plot the ending (which is I think was now the best of the best) I'd like to stick with this idea at paiyakin kayo and somehow to give a justice with our #TrevElle story.My dearest redears, we are nearing to the end :(
Because here's the chapter 39
Vote and Comment your thoughts. 💛——————————————
NAGAALANGANG PUMASOK sa apartment si Monique habang may dala-dalang brown paper bag na naglalaman ng pagkain. Tatlong araw na kasi simula ng hindi pumasok sa University ang kaibigan at dahil nalaman niya nito lang ang dahilan hindi niya maiwasang maawa sa kaibigan. Kung anong sitwasyon ni Axi at Trevour ngayon, sila lang ang makakaayos.
"Axi?" Tawag ni Monique habang hinuhubad ang suot na sapatos habang lumilinga, "Pinagdala kita ng lunch," ani Monique ng mailapag na sa round table ang dala.
Nang hindi narinig ang boses ng kaibigan, malalim na bumuntong hininga ang dalaga at naglakad papunta sa pintuan ng kuwarto.
"Hindi pa ako nakakakain ng tanghalian kaya sabayan muna 'ko." Pagsisinunghaling ni Monique para lang makumbinsing kumain ang kaibigang kinakatok sa pintuang naka-lock. "Axi, please come out. Open the door.. can you?"
Magmula ng malaman ni Monique ang bagay na pinoproblema ni Axi noong nakaraan pang araw kinuwento agad niya iyon kay Joy na nasa ibang bansa, at syempre nagalala din ito. Katulad ng iba pa nilang kaibigan, sina Leo'y nagalala din para sa dalaga. Gusto nga ng mga itong puntahan muli si Axi sa apartment pero mukhang mas nagiging mahirap kausapin ang kaibigan kapag lahat sila nakapaligid katulad noong nakaraang araw.
Nasaan na ba kasi si Trev? Hindi mapigilang naitanong ni Monique sa sarili.
Nawala siya sa pagiisip nang tumunog ang cellphone niya kaya lumakad siya papunta sa sofa para sagutin ang tawag ni Kyle. Samantalang ang dalagang nasa loob ng kuwarto ay nakatulala lang sa kawalan habang nakahigang patagilid sa kama. Ni hindi niya nga naririnig ang katok sa labas ng kuwarto niya dahil wala sa reyalidad ang pagiisip niya. Gusto niyang mapagisa at isipin kung bakit sa isang kisap mata ay nagibang muli ang masaya na niyang sitwasyon noon.
Bumalik ulit siya sa panahong pakiramdam niya ay pasan niya lahat ng problema sa mundo.
Nung gabing 'yon, yung mga mata ni Trevour habang nakatingin sa kaniya. Para itong naging ibang tao. Kahit kailan ay hindi nakita ni Axi ang ganoong ekspresyon ni Trevour. Mistulang nagibang tao siya sa paraan ng pagtingin nito.
Ano bang problema?.. Ano bang meron sa picture ko noon? Kinalimutan mo na ba ako Trevour?
Axielle decided to move and stood up to pick her picture right on the nightstand. Habang blanko ang paningin doon ay wala sa sariling napakagat siya sa nanunuyo na niyang mga labi. She indeed look so sick and gloomy but she doesn't care about that. When Trevour left her, she was diagnosed with the athazagoraphobia. She feared that the only strength she have will forgot her and left her for good.
Suddenly, her tears welled down right on his cheeks. She's tired of crying and she's tired of wiping it out. This is sick.
"Kahit anong gawin ko, bakit parang lagi na lang akong umiiyak sa huli?" Umiiyak na saad ni Axi at tuluyang napakapit sa nightstand para alalayan ang nanghihinang tuhod at tahimik na pumikit habang lumalanghap ng hangin.
BINABASA MO ANG
HE'S MINE [COMPLETED]
RomanceMasaya si Axielle nang maging kaibigan niya si Trevour. Masyado din siyang napalapit sa baklang ito, kahit pa nga ay madalas na mas kilos dalaga pa ito kaysa sa kan'ya. Sa paglipas ng panahon ay mas lumalim ang kanilang pagkakaibigan na hindi na din...