𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 36

760 22 3
                                    

4 chapters to go!
Malapit na tayo sa ending ng story ni Trevour at Axielle. HUHU mamimiss ni Ms.J ang ma-stress para lang ma-inspire kayo!
Chuar!

Anyway, thank you for waiting sweeties!


———————————————


NASA SOFA ako ng kuwarto ko dito sa bahay ni Mama. Wala na si Sean, at mamaya pa yun dadating dahil ang sabi ni Mama tuwing sabado din ito umuuwi at babalik sa condo nito ng kinabukasan. Ako lang ang nandito, at dahil abala si Trevour, hindi ko na s'ya isinama dito para naman hindi ko s'ya magamdala.

Yes, I'm so considerate, thoughtful and solicitous girlfriend.

Maliit lang na bagay 'yon. Super.

Binuklat ko ang isang photo album na kinuha ko kay Mama kanina sa sala. Nakita ko 'tong tinitingnan ang mga pictures namin ni Sean, kahit wala s'ya sa larawan ramdam ko ang katotohanang saya nito kahit si Papa lang lagi ang nasa larawan at kasama kami. May picture ako na halos pwede ng maging meme ng kiddy porn site kaya ng tawanan iyon ni Mama kinuha ko ito at itinakbo ang photo album na may kabigatan.

Hindi ako intiresado sa bagay na 'to noon pero ngayon, curious ako kung ano ba ang hitsura ko noon. Tanda ko pa ang hitsura ko nung bata ako, pero dahil hindi kami mahilig mag lagay ng picture frames sa mga kuwarto o kaya sa side table nila Papa noon, medyo limot kona 'to. Hindi ko alam, hindi ko din naman naisipang i-display ang hitsura ko nung bata. Pero sa unit ko ngayon, puro picture lang ni Trevour ang nandoon.

Hayst. Ganon talaga, pag in love ka, it's either na nag matured ka and at the same time naging mas corny o nag matured ka pero mas naging ma drama ka naman. Dun ako sa naging corny, kahit minsan asungot yung Trevour na 'yon dahil mapang asar pa din kahit girlfriend na n'ya 'ko, pero mas lalo naman akong naging inlababo. Hayst. Ang corny ko.

Binuklat ko na isa isa ang mga pictures na naka paloob sa transparent na plastic. Unang picture pa lang, bumulaga na ang hitsura kong naka panty lang at sayang saya sa host sa garden. Wala pa ata akong limang taon dito kaya mukha pa akong inosenteng tuwang tuwa sa tubig. Natawa ako ng makitang may picture ako na naka upo sa coffee table ng sala habang nag lalaro ng kung anong bagay.

Mapungay na mata ang nagawa ko at marahang kumurap. Namiss ko bigla si Papa. Namiss ko din yung bahay namin noon. Marami akong naranasan doon at alala, hindi pa 'ko nag inuusbungan ng pag iisip ay dun na ako naka tira. Napaisip tuloy ako kung anong hitsura nito ngayon. Napa ahon ako sa malalim na pag iisip ng biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko't bumukas din ito.

"Ate, kakain na." Napa tingin ito sa album na hawak ko. "Kelan ka pa naging interesado sa pag buklat n'yan? Huwag ka ng umasa, wala kang glow up ."

Dinampot ko agad ang unan na malapit sa'kin at ibinato sa direksyon nito. Hindi pa ito luma-landing, naisara na agad nito ang pinto habang tumatawa ng pang demonyo. Mariin kong tinitigan ang pinto at ibinalik ito sa mga larawan. Napa simangot ako sa mga 'to, iuuwi ko 'to mamaya sa apartment. Parang meron akong hinuhang gagalawin ito ni Sean mamaya at hindi malabong baka pag tripan ang mga pictures ko. Noong mag ge-grade nine lang ako naka gawa ng Facebook account at Instagram kaya wala akong picture na sipunin 'don. Mas active pa naman 'yung ungas kong kapatid sa social media kesa sa'kin.

KINABUKASAN NAG general cleaning ako sa sariling apartment. Linggo naman at walang pasok, pero kahit hindi naman magulo ang buong unit ko, nilinis ko pa din ito dahil wala akong magawa. Kesa naman sa umupo at humilata ako mag hapon, malulunod lang ako kakaisip sa maraming bagay na baka ikasanhi pa ng pag sakit ng ulo ko.

HE'S MINE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon