Hello, Sweeties!
Ms.J right here, nag papa salamat sa pag vovote n'yo kahit offline. Na ramdaman kong gusto n'yo ang obra ko, kaya sana ay samahan n'yo pa din ang love team ng kuwentong ito.Questions and feedback? Just comment and I'll answer you <3
—————————————
SA BOSES na paborito kong marinig, hindi na bago ang malakas na pagkabog ng kung ano sa dibdib ko. Natural na ito at awtomatikong bumibilis kapag nandito s'ya at malapit na sa akin.
Napatingin ako sa mukha nito, kahit mukha itong seryoso ay nahuhumaling pa din ako kahit bilang sa isang araw ang pagngiti nito.
"Hindi ka ba magsasalita?" yamot nitong tanong sa 'king nakatulala sa kan'ya.
"N-napaka arte mo naman!" tumingin ako sa ibang direksiyon at umuna na sa paglalakad dito, "Pano kase hindi ka naman nagtext."
"Nagtext ako." sagot nito.
Napahigpit ang hawak ko sa telepono sa kaliwang kamay at napapikit sa sinabi nito.
"Hindi ka din tumawag." sumbat ko dito.
"Naka off yang cellphone mo." saad nito na kinainis ko.
"Bakit ka ba kasi nagkakaganiyan? Eh, hindi nga ako nainis nung nagpost ka't may kasamang magandang babae!" ang alam ko ay kontrolado ko ang sitwasyon, pero hindi pala. Dahil ramdam ko talaga yung inis dito nung nakaraan pa.
"Elle," naramdaman ko ang paghawak nito sa kanang braso ko dahilan para tumigil sa paghakbang, "Ikaw, bakit ka nagkakaganyan?"
Wala akong mai-sagot dito, ni hindi ko magawang tumingin ng diretso sa mga mata nya. Pinilit kong halukayin ang pagiisip ko para mawaglit na ang usapang hindi ko sinasadyang buhayin. Pero ano namang ipangcha-change topic ko kung nagpapanic na 'ko?
"Nagagalit ka ba dahil doon?" tanong nito.
Wala akong maramdaman kundi ang malakas na pagkabog ng puso ko. Nagagalit nga ba ako dahil doon? O baka dahil.. hindi. Hindi ako nagseselos. Walang tamang dahilan dahil kaibigan ko lang s'ya. At saka aware ako na hindi s'ya nagkakagusto sa mga babae. Kaya nga ang mga katulad ni Leo ang mga lagi n'yang gustong kausap dahil doon s'ya attracted.
"H-hindi–" nawala ang sasabihin ko ng putulin nito sa medyo malakas na tono ng boses ang sagot ko.
"Kasama mo parati si Leo, kaya ayos lang na samahan ko si Denice kahit sa picture."
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko, pagkayamot ba o pagseselos ba talaga. Denice nga ang pangalan ng magandang babae sa post n'ya noong nakaraan?
Humarap ako dito, nakita ko ang nakakunot na noo at seryoso nitong tingin.
"Bakit ba na pasok dito si Leo?" tanong ko dito, pero hindi ito sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Kung gusto mo din namang makipagkaibigan sa iba, ay wala akong magagawa. Hindi ko naman hawak 'yang buhay mo at may sarili din akong buhay."
Dahil kahit sabihin kong ako lang dapat ang nasa tabi mo lagi, ay hindi iyon mangyayare kailan man.
"Elle.." tawag nito pero binawi ko ang braso ko mula sa mainit nitong palad, "Pinsan ko si Denice."
Napatingin agad ako dito at ngumiwi.
"Ano?" tanong ko para ulitin nito. Mal ata ako ng pagkakadinig.
BINABASA MO ANG
HE'S MINE [COMPLETED]
RomanceMasaya si Axielle nang maging kaibigan niya si Trevour. Masyado din siyang napalapit sa baklang ito, kahit pa nga ay madalas na mas kilos dalaga pa ito kaysa sa kan'ya. Sa paglipas ng panahon ay mas lumalim ang kanilang pagkakaibigan na hindi na din...