CHAPTER 12: Admit the feelings.

14 0 0
                                    


Nakauwi na kaagad kami sa mansyon, pero wala akong naabutan sa sala. Mukhang sa ibang part naglilinis si May.

I want to talk to her. Gusto ko malaman kung bakit s'ya bigla nag kagano'n sakin. Ang inggratang talagang 'yon, palagi nalang ako inistress!

Umak'yat ako sa taas para magpalit. But I stopped when I heard something talking. Hindi masyadong kalayuan sa'kin. Napatingin ako sa isang guest room na bukas.

Lumapit ako do'n pero hindi ako pumasok.

"Naiintindihan mo naman siguro ang sinsabi ko diba?"

That's Mayordoma. Her voice sounds arrogant. Who is she talking to?

"Opo, Mayordoma. Masusunod po." narinig kong sagot ni May?

"Alam mo na ang mangyayari sa mga magulang mo kapag sinubukan mong suwayin ako."

Kumunot ang noo ko. What they are talking about? Bakit kasama ang magulang ni May?

Hindi na ako nakatiis kaya pumasok ako sa loob. They looked at me. Nanlaki ang mata nila ng makita ako. What reaction is that? Mukhang hindi talaga nila inasahan na nandito ako ngayon.

"M-Maam Vivien. Kanina pa kayo d'yan?" tanong ng Mayordoma sakin. I saw the fear in her eyes.

"What if yes?" tanong ko. Napatingin ako kay May na hanggang ngayon ay nakayuko padin.

"May narinig po kayo sa pinaguusapan namin?" tanong n'ya ulit kaya napalingon ulit ako sa kan'ya.

Ano naman kung may marinig ako? Psh.

"Wala. May, can we talk?"

Nagangat s'ya ng tingin sakin bago tumingin sa Mayordoma. Tumaas ang kilay ko. What does that look? Tumango ang Mayordoma.

Bakit kailangan n'ya pang magpaalam e ako naman nagaya? Hindi ko na talaga sila maintindihan.

Lumabas na kami ni May. I heard she breath deeply.

"Bakit mukha kang hindi mapakali d'yan?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kwarto ko.

She looked at me. Nakita ko na naman ang lungkot sa mata n'ya. She looks like she want to say a lot.

Nang makapasok kami sa loob ay agad ko nilock ang kwarto ko. Pinaupo ko s'ya sa kama.

"Jus wait. Magbibihis lang ako. And hep! Huwag mo subukan tumakas." sabi ko bago s'ya iwan do'n.

Binilisan ko ang pagbibihis ko dahil baka tumakas ang inggratang 'yon. Pagtapos ko ay nakahinga ng maluwag ng makita ko s'yang nakaupo padin sa kama ko.

Umupo ako sa tabi n'ya. Nakayuko lang s'ya habang kinakalikot ang kuko n'ya. It looks like she has no intention to looking at me.

"Problema mo?" panimula ko. Agad s'yang umiling pero hindi padin ako nilingon. Aba't iniignora n'ya ang beauty ko ha?

"Kailan kapa naging pipe, May? I'm not inform huh?" dagdag ko. Hindi ko naitago ang sarkasmo sa boses.

Napahinga s'ya ng malalim na parang nahihirapan. Nagangat na s'ya ng tingin. Nakita kong malapit na s'yang maiyak. Nagsimula na akong maguluhan.

"Maam, ginagawa ko 'to para wala ng madamay pa. Ayokong pati ikaw madamay, kaya mas mabuting iwasan nalang kita. Wag kayo magalit sakin Maam, hindi ko nadin alam ang gagawin ko." aniya bago yumuko bago punasan ang sariling mukha. She's crying. But why?

Anong sinasabi n'ya? Madadamay ang ano?

"Hey, May. What are you talking about? Anong madadamay? Nagnakaw kaba or ano?" nagsimula na akong kabahan.

The Gorgeous Falling For NerdWhere stories live. Discover now