Linggo na. Ang araw na kinasasabikan ni Pamette at siya kinakaba-kaba ni Tomton. Bakit? Dahil sa iisang dahilan, sa pagtakas ng dilag na si Pamette. Nagiging mapagmasid ang mga mata ni Pamette. Tintingnan ang mga bawat kilos ng mga tao sa likod ng backstage. Nag-iisip din ng plano pero hindi niya ito pinapahalata, baka mahalata kasi.
"Pamette, tayo.", sabi ng personal katulong niya. Tumayo naman si Pamette. Itinaas ang mga kamay at may sinuot sa kanya. Isang gown, kulay pula, backless. Maganda. Makikinang na brooch ang disenyo. Kita ang kanyang balikat, at cleavage.
Inayusan ang kanyang napakalambot na buhok. Buhok na kakulay ng langit (e.g rei ayanami). Itinali ng pabilog (e.g chun-li). Mineyk-apan na rin at tadaaa. Ang ganda niya lalo.
"Ay Pamette, ang ganda mo na, lalo ka pang gumanda!" nakangiting sabi ng may-ari ng subastahan habang nakahawak sa balikat ni Pamette. Ngumiti lang si Pamtte, pero kunwaring ngiti lang.
"Sige na Pamette, nakikita mo yung upuan na yon?" sabi ng may-ari at sabay turo sa upuan sa gitna ng entablado.
Tumango ang dalaga. "Umupo ka doon. Wala iyong mga tali dahil kakanta ka hindi ba? Habang kumakanta ka, unti-unti mong huhubarin ang damit mo ha?", nakangiti sa kanya ang may-ari habang nagkukuskusan ang dalawang kamay. Tumango lang ulit ang dalaga at dahan-dahan na naglakad patungo sa upuan.
Nang makaupo na siya sa upuan ay bigla ng pinatay ang ilaw. Ito na ang kanyang hinihintay.
Sa audience seats, nandoon si Tomton. Napatay na ang mga ilaw at alam na niya ang kanyang gagawin. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at dahan-dahan, tahimik na lumakad. Lumakad papunta sa stage.
Dinig na dinig mo ang bulungan ng mga kalalakihan na "Ano kaya meron?" "Ano kaya mangyayari?". Naririning yon ni Tomton pero hindi niya nalang ito pinansin.
Hayan na, papalapit na siya sa stage. Ang tibok ng kanyang puso, pabilis ng pabilis. Maingat siyang naglalakad dahil una madilim, pangalawa baka may makarinig sa kanya.
Naramdaman niya na may hagdan, umakyat siya dahil alam niya na iyon na ang stage. Nakapa na niya ng kurtina. Hinawi niya ito, at sa malayo, may nakita siyang kumikinang-kinang. Nilapitan niya at nung hahawakan na niya ang mga ito para malaman kung ano ba ito, biglang may humawak ng kanyang mga kamay at sabay sabi "Tomton..."
"Pamette... Ikaw pala yan... Tara na..."
"Oo, tara na..."
Sabay silang tumayo, naglakad ng dahan-dahan. Maingat silang naglakad... nang biglang may narinig sila na...
"Maganda gabi! Maligayang pagdating muli mga panauhin!"
Nanlaki ang mata ng dalawa.
"Tomton, dali! Bubuksan na nila ang mga ilaw!" pabulong na pasigaw na sabi ni Pamette.
Nagmadali ang dalawa. Nagmamadaling maglakad. Naririnig na nila na itinataas na ang mga kurtina. Mas binilisan nila lalo ang paglalakad. Hanggang sa...
"Espesyal po ang gabi na ito dahil kakanta po ang ating mala-prinsesang si Pamette Shindevura Hyldale!" sabay bukas ng ilaw...
AT sa bilang ng
"ISA!"
"DALAWA!"
"TATLO! Aming itinatampok ang nag-iisang Pamette Shindevura Hyldale!"
Pagtingin nila, wala. Wala ang mala-prinsesang Pamette Shindevura Hyldale sa kanyang kinauupuan. Nagsigawan ang mga kalalakihan. Hindi mapakali ang mga staff.
"Nasan si Pamette??" Yan, yan ang maririnig mo, trending, daig pa laban ni Pakyaw.
"NASAAN SI PAMETTE?!" sabi ng may-ari.
Nang biglang may narinig silang pagbagsak ng pinto. Pinto sa dulo ng nasabing lugar. Exit door.
"SUNDAN SIYA!!!!!!"
Narinig yon nina Pamette at Tomton. Tumakbo na sila. Sobrang bilis. Pumunta sila sa parking area, nandon ang bisikleta ni Tomton.
Kasabay ng kanilang pagtakas ay ang bilis ng takbo ng mga humahabol sa kanila. Ang mga staff ng subastahan at ang mga mallibog na manunuod. Sigaw sila ng sigaw ng "PAMETTE!!"
"Tomton, pano ako sasakay nito?? Ang haba ng palda ko?" kinakabahang tanong ni Pamette.
"Pabayaan mo na yan! Tumayo ka sa likod ko!" sabi ni Tomton.
Ewan, basta tumayo si Pamette sa likod ng bike. Yung mga nakikita niyo sa mga bata.
Mabilis ang pagpapatakbo ng bike. Naiwan na nila ang mga humahabol sa kanila.
Tiningnan ni Pamette ang view sa kanyang likod. Paliit ng paliit ang subastahan, ang kinatatayuan nito. Bigla siyang tumawa ng malakas.
"HAHAHA!! ANG SAYA-SAYA KO!!" Sabay taas ng kanyang dalawang kamay.
"Ito! Ito ang kalayaan!
Ang paghaplos ng hanging sa iyong katawan!
Ang pagsigaw ng malaya sa mundong madaya.
Hindi ko man maisip na magkakaganto ang buhay ko,
pero ngayon...
Ang sarap!"
"Hoy Pamette! Humawak ka! Mamaya ka na tumula! HAHA!" sigaw ni Tomton.
"Ay! Oo nga! Sobrang saya ko lang talaga! Salamat Tomton." niyakap niya si Tomton mula sa likod at tuluyan na silang nakalayo sa lugar na sinumpa-sumpa ni Pamette.
AT parehas silang tumawa ng parang wala ng bukas.
I can feel it. HAHAHA
:)
BINABASA MO ANG
Pamette Shindevura Hydale
Teen FictionBakit nga ba Pamette Shindevura Hydale? Sino nga ba si Pamette Shindevura Hydale? Anong meron sa kanya? Ni minsan ba, naisip mong isubasta ang katawan mo sa pera? O isubasta ng ibang tao ang katawan mo para sa pera? O pagsubastahan ang katawan mo p...