Matapos ang hinaba-habang pagba-bike ni Tomton habang yakap siya ni Pamette, sa wakas, nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon.
"Narito na tayo Pamette.", sabay baba ni Tomton at inalalayan na rin niya si Pamette.
"Saan 'to? At... Kaninong bahay yon?" tanong ni Pamette.
"Saking bahay yon. Tara, pasok tayo." kinuha niya ang kamay ng dilag.
"Pero, teka... Nakakahiya sa mga magulang mo..."
"Akong bahala. Hindi sila magagalit."
"Oooh.. Okey..."
Naglakad sila papunta sa bahay ni Tomton.
Maliit lamang ito. May iisang pinto at iisang bintana na pinakuan ng kahoy. Kumbaga, may harang yung bintana. Napapalibutan ang bahay ng matataas ng puno, mga punong mukhang pang-halloween.
Natatakot si Pamette. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil sa itsura ng kapaligiran? Pero pag sa tuwing nakikita niya si Tomton, napapanatag ang loob niya't napapangiti.
"Pasok ka na Pamette." binuksan ni Tomton ang pinto.
Pumasok si Pamette at ang nakita niya ay isang higaan, isang mesa na may iisang upuan. Isang pinto at isang maliit na kabinet sa dulo. Mejo madilim ang bahay niya dahil sa natatakpan ang bintana ng mga kahoy, at tanging kandila lamang ang nagsisilbing liwanag dito.
"Pasensya ka na Pamette sa bahay ko ha... Mejo magulo at pangit. Hindi bagay sa kagandahan mo... Tsaka, wala akong mga magulang.."
Napatawa ng konti si Pamette. "Ano ka ba. Ayos lang sakin ito, akala ko talaga may magulang ka...
Mas mainam na ito kesa sa mga lalaki na ---"
Tinakpan ni Tomton ang bibig ni Pamette at sabi "Hep. Wag mo na sila banggitin. Malaya ka na."
Nangilid ang luha ni Pamette at niyakap si Tomton.
"Salamat Tomton. Isa kang hulog ng langit." at humigpit pa lalo ang yakap niya sa binata.
"Ikaw ang hulog ng langit Pamette."
Nakangiti lang si Tomton.
Pumunta siya sa kanyang kama, inayos ito. Nilagyan ng punda ang unan.
"Pamette, dito ka na muna matulog. Sa lapag na muna ako."
"Sigurado ka? Hindi ka ba lalamigin diyan?"
"Sanay na ko Pamette. Matulog ka na muna. ALam kong pagod ka."
"Sige, maraming salamat ulit. Sobra..." at bigla na siyang nakatulog.
At nakatulog na ang dalaga habang si Tomton ay gising pa.
"Hindi ako makapaniwala... Narito ngayon ang langit sa piling ko. Hindi ko inisip na mangyayari ito.."
Umaga na. Gising na si Pamette. Naramdaman niya ang init ng sinag ng araw mula sa maliliit na butas ng bintana. Nagtataka siya kung bakit wala si Tomton. Tumayo siya sa kanyang kama. Tiningnan ang maliit na mesa at may nakita siyang sulat. Kinuha niya ito't binasa.
"Pamette, huwag ka munang lumabas ng bahay. Umalis na pala muna ako. Pumunta ako ng bayan, bibili ako ng pagkain para satin."
"Bayan? Ano kayang itsura ng bayan?"
Binalik niya ang sulat sa kinalalagyan nito. Nilibot nalang muna niya ang maliit na bahay. Naghanap na rin ng banyo dahil maghihilamos siya.
"Ay, may pinto nga pala sa dulo. Baka banyo iyon."
Pinuntahan niya at banyo nga! Pagkatapos non ay nakita niya ang maliit na kabinet sa tapat ng pinto ng banyo. Tinitingnan- tingnan niya ito, nagbabakasakaling may maaring matingnan (e.g pictures, magasin). Napatingin siya sa baba ng aparador, pagtingin niya, parang may mga litrato. Photo album. Kinuha niya ito at binuksan.
Nagulat siya sa kanyang nakita. Sa sobrang gulat, naitapon niya ang photo album.
"Haaa!! Ba-- ba- bakit?! Bakit ganon?!"
BUmibilis ang tibok ng kanyang puso. Bumabalik ang alaala ng kahapon. Napaupo nalang siya sulok.
Biglang bumukas ang pinto. Si Tomton. At nakita niya si Pamette. Ang photo album na nakasalansan.
Agad-agad itong kinuha ni Tomton na para bang ninakaw mula sa kanya.
"Pamette!! Huwag kang makikialam ng gamit ko!!!"
Natatakot si Pamette sa mga nanlilisik na mata ni Tomton. Hindi niya alam kung bakit siya natatakot na naman. Hindi niya magawang tumayo sa kanyang kinauupuan.
"Pamette..." bulong ni Tomton.. "Wag ka makikialam ng gamit ko ha..." binalik niya ang photo album sa aparador at sabay tingin kay Pamette na takot na takot.
"Bakit puro litrato kong puro nakahubad ang nandon?"
BINABASA MO ANG
Pamette Shindevura Hydale
Teen FictionBakit nga ba Pamette Shindevura Hydale? Sino nga ba si Pamette Shindevura Hydale? Anong meron sa kanya? Ni minsan ba, naisip mong isubasta ang katawan mo sa pera? O isubasta ng ibang tao ang katawan mo para sa pera? O pagsubastahan ang katawan mo p...