Lunes na. Isang simula ng isang malagim na linggo para kay Pamette.
Maraming tao sa labas ng kanyang kwarto. Naglilinis, nag-aayos, nagluluto. Lahat sila ay busy, habang siya naman ay nakatunganga lang sa kama. Yakap- yakap ang kanyang katawan.
Biglang may tumawag sa kanya.
"Pamette, lumabas ka na diyan. Kakain na. May treatment pang gagawin diyan sa katawan mo." Yun naman ang kanyang personal na katulong.
Mayroon din siyang personal na katulog. Ayaw kasi ng may-ari ng subastahan na napapagod siya o naii-stress. (Pero pagod after ng ano tsk).
Hindi pa rin umaalis ng kama si Pamette hanggang sa pasukin na siya ng kanyang P.K (personal na katulong haha). Nakapamewang at nakataas ang isang kilay.
"Anong gusto mong gawin ko? Dalhin dito pagkain mo? Utusan ko ang pagkain mo na maglakad papunta sa'yo? O baka naman gusto mong isaboy ko nalang yan sa pagmumukha mo? Ano, pumili ka?"
"Ako nalang pupunta don... Pasensya na po..." sabi ni Pamette na nakatungo na nangingilid na naman ang mga luha.
Umalis na siya sa kanyang pagkakaupo sa kama. Pumunta sa kusina at nadatnan ang mga pagkaing nakahain sa kanya.
Sari-sari. Mga gulay na pampaganda ng kutis.
"Kainin mo lahat yan Pamette. Niluto ko lahat ng yan para sa'yo.", sabi ng taga- luto nila doon. Nakangiti siya kay Pamette.
"Nagagawa mong sabihin yang mga yan matapos ng pinaggagawa ng mga lintik na lalaking yon sa katawan ko. Nagagawa mo pang ngumiti. Mamatay ka nalang." wala, iniisip lang yun ni Pamette. Hanggang isip nalang.
Umupo na siya. Kumain ng kumain. Kinain nalang niya ang mga iyon, ayaw niyang masaktan pa.
Pagkatapos ay umalis na siya sa kusina. Pumunta siya ulit sa lugar na pinanggalingan niya kagabi. Ang entablado, ang mga pinagkakaupuan ng mga manunuod nong gabing iyon.
Pinagmasdan niya kung gaano kalawak ang lugar.
Hinimas niya ang bawat upuan.
Nalanghap din niya ang mga di kanais-nais na amoy.
Nililibot niya ang buong lugar. Habang nililibot niya ay naiiyak na naman siya... Halatang pigil, baka may makakita na naman kasi sa kanya't sitahin siya, kaya bawat tulo ng luha ay siyang punas ng kamay at kusot ng mata.
Nakaabot na siya sa dulong mga upuan nang bigla siyang narinig na para bang may tumapon.
Nabigla siya't napatingin sa likod dahil may narinig siyang boses.
"Nakooo... Tumapon yung tubeeeeeg! Anak ng tilapya naman oh.. Haaay.." boses ng isang lalaki. Pinunasan ng lalaki ang natapong tubig sa sahig.
"Pasensya na..." lumuhod si Pamette at tinulungan ang lalaki.
Tapos na sila. Parehas tumayo at nang makita ng lalaki si Pamette, nanlaki ang kanyang mga mata.
"Ahhh!! Ahhh!! Te- te- te kaaaaa!! Ikaw si! Nako!! Patawad! Patawad! Patawad sa inasal ko kanina! Sa aking mga nasabi!"
"Ha? Saan? Saan??" kinakabahan na sagot ni Pamette.
"Sa kanina po! Patawad po Pamette Shindevura Hyldale! Parusahan niyo po ako!" sabay luhod ng lalaki, nakataas ang kamay.
Natatawa si Pamette. At hinawakan sa dalawang kamay ang lalaki.
"Tumayo ka nga jan. Natatawa ako sa'yo eh." sabay ngisi.
Tumayo ang lalaki at natatawa ng konti.
"Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nandito?" tanong ni Pamette. Nakangiti. Nakangiti siya.
"Ako po..? Ako po ay isang janitor dito. Naglilinis."
"Nakikita ko nga." natawa ulit si Pamette.
Parehas silang nagtawanan. Ito ang unang beses na tumawa nalang ulit si Pamette ng ganon. Sino bang matatawa sa nangyayari sa buhay niya?
"Anong pangalan mo?" tanong ni Pamette.
"Tomton. Tomton po." sabay kuha sa kamay ni Pamette. Shake hands daw.
"Ahh... Tomton. Magandang pangalan." tatango-tango si Pamette.
"Pamette...!" pahabol na sabi ni Tomton, paalis na kasi si Pamette.
"O, bakit?"
"Kung kailangan mo ng kausap, narito lang ako ha..." sabay tungo ni Tomton.
Nakangiti si Pamette. "Talaga? Sige. Nakakatuwa naman. Babalik na ko don, baka hinahanap na nila ako." kaway at alis.
Naiwang nakatulala si Tomton at bumubulong-bulong nalang mag-isa sa sarili.
"Napakaganda naman niya...
Napakabango...
Ang kinis, parang kamatis. Mahilig siguro siya sa kamatis? Haha...
Pero ang ganda niya talaga...
Di ko mapigilan tong nararamdaman ko. Grabe. Ganda niya...
Ang ganda niya.
Gusto ko siyang mayakap.
Mahawakan man lang sa pisngi.
AY ewan. Hoy Tomton, gumising ka nga.
Siguro, hanggang tingin nalang ako sa kanya. Sa ngayon...
Lagi ko siyang nakikta tuwing linggo ng gabi. Pinagpipiyestahan ng mga sira ulo. Kawawa naman siya."
Iling-iling nalang si Tomton at nagmop nalang ulit.
ANo kaya magiging papel niya sa buhay ni Pamette.
Magiging malagim pa kaya ang linggong ito para kay Pamette o hindi na?
Hmmm...
"Magiging akin ka rin Pamette. AKIN. Matagal na kitang..."
BINABASA MO ANG
Pamette Shindevura Hydale
Novela JuvenilBakit nga ba Pamette Shindevura Hydale? Sino nga ba si Pamette Shindevura Hydale? Anong meron sa kanya? Ni minsan ba, naisip mong isubasta ang katawan mo sa pera? O isubasta ng ibang tao ang katawan mo para sa pera? O pagsubastahan ang katawan mo p...