"Ang tunay na kalayaan"

3.6K 43 11
                                    

Halos magda-dalawang linggo na rin si Pamette na nakatambad sa bahay ni Tomton. Wala siyang alam kung ano na ba nangyayari sa labas. Nagtataka rin siya kung bakit hindi sila natutunton ng mga naghahanap sa kanya. Inisip nalang niya na nasa kagubatan nga pala ang bahay ni Tomton.

"Nakakabagot...

Malaya na nga ako. Oo, malaya, sa kanila.

Yun lang, pero nakakulong pa rin ako dito...

Ano kayang malaya sa ganto?"

Yan ang na iisip ni Pamette sa sobrang kabagotan. Hinihintay niya kasi si Tomton galing ng bayan, bumili kasi ng ulam. Pero sa tuwing na iisip niya si Tomton, hindi na siya ganoon kakampante.

Dahil doon sa photo album...

Iniisip niya, baka habang tulog siya, hinihimas-himas siya kung saan-saan. Natatakot siya, hindi niya nalang ipinapahalata. Naging paranoid na kamo siya.

Habang siya'y nag-iisip ng kung anu-ano, narinig niyang bumukas ang pinto, kaya umayos ulit siya. Alam niya kasing si Tomton yon. Sino pa nga ba.

"Pamette, pasensya na't ngayon lang ako dumating. Nagugutom ka na ba?" sabi ni Tomton at pinatong ang mga pinamili sa maliit na mesa.

"Ah.. Eh.. Oo,ayos lang ako..." sabay tayo at tiningnan ang mga pinamili ni Tomton.

"Akala ko mo ba hindi ko napapansin?" at biglang tiningnan ni Tomton si Pamette mula ulo hanggang paa.

"Na- Na- Napapansin?? Ang ano...?" nanginignginig na boses.

"Na parang iwas ka sakin nitong mga nakaraaang araw." at lumapit si Tomton kay Pamette.

"Pamette, alam ko naman na nagkakaganyan ka dahil sa nakita mo nung nakaraang linggo. Ganito nalang..." hinawakan ni Tomton ang buhok ni Pamette at bumulong sa kanya.

"Kunwari... Walang ka nalang nakita... Ha?"

Nanginginig ang mga panga ni Pamette, di niya alam kung magsasalita ba siya o hindi. Nanlalaki rin ang kanyang mga mata sa takot at kaba.

"Delikado ako dito..." ang isinisigaw ng puso't isipan ni Pamette.

"Wag kang matakot Pamette. 'To naman, di mabiro." biglang sabi ni Tomton nakangiti. "O, magluluto na muna ako ha."

"O-- o -- o sige... Sarapa-pa-pan mo haa.." at tinitingnan ni Pamette si Tomton habang papunta sa labas para magluto. Bigla siyang napasayad sa pader at unti-unting napaupo.

"O hinde... Hindi ako ligtas dito. Kailangan kong tumakas dito hangga't maaga. Hangga't pwedeng lumusot." nginangatngat na niya ang kanyang mga kuko sa sobrang takot.

Sa buong araw na yon, walang ibang inisip si Pamette kundi ang plano niya ng pagtakas habang si Tomton naman ay palihim siyang inoobserbahan.

"Ano kayang iniisip nitong babae na 'to? Hmmm..."

"AH... Nga pala Pamette. Mamaya, mangangahoy lang ako, nauubos na kasi mga panggatong natin para sa mga pagkain."

Natuwa si Pamette sa loob niya dahil isa na itong pagkakataon para sa kanya.

"O sige. Magandang ideya nga yan." nginitian niya si Tomton.

"Sabi na nga ba eh. May plano 'to, halatang-halata na natuwa e." yun ang nasa isipan ni Tomton ng mga oras na yon. Nakakaramdam siya...

Dumating na ang gabi at iyon na ang oras na mangangahoy na muna si Tomton. Pero teka, mangangahoy ng gabi?

"Oh Pamette, aalis na muna ako ha. Diyan ka lang, gabi na. Delikado sa labas." paalala ni Tomton.

Pamette Shindevura HydaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon