Kabanata 1

46.5K 2.2K 1.4K
                                        


K A B A N A T A 1
༺❀༻

"Come on, Sadi." Napairap siya dahil sa boses na iyon na nasa kaniyang likuran. Talagang sinundan pa siya ng lalaki hanggang makapasok siya sa isang kwarto doon.

Hinarap niya ito at namewang. Kaagad pumungay ang mata ng binata animong nagpapa-awa pa ito sa kaniya.

Napailing si Sadi dahil doon.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Relton? One week leave? Kaka-leave mo lang noong nakaraan linggo. Tingin mo papayagan ka pa ni Ma'am Anne?" tinaas niya ang kaliwang kilay habang tinutukoy ang manager nito.

Lumapit ang binata't sumalampak sa isang upuan doon. Napailing na lang siya saka itinuon ang atensyon sa paglilinis ng ilang gamit sa kwarto.

Ang mga damit na ginamit nito pati ang mga make-up. Kakatapos lang ng shoot nito, kaya naman nagkalat pa ang gamit nila sa binigay na kwarto sa kanila.

Bahagyang umingit ang binata kaya napairap siya. "Kaya nga kausapin mo siya, Sadi. Tell her that I'm sick. I'm going to die, I need that leave," halos histerikal na wika nito.

Hindi na niya ito nilingon saka itinupi ang mga damit na sinuot nito kanina. Sa gilid ng mata niya ay kita niya ang mag simangot ng binata sa kaniya.

"Sadi, I need to—"

"I understand you Relton. I'm always supporting you, but this time I can't. Hindi muna ngayon. Hindi ba't sinabi ni Ma'am Anne na marami kang sched sa susunod na linggo. Hindi niya papayagan ang leave na gusto mo." Umiling pa si Sadi para lang iparating dito na hindi talaga pwede ang gusto nito.

Paano ba naman kasi, kanina pa siya kinukulit nito na kausapin niya ang Manager nito para bigyan ng leave kahit ilang araw. Ginawa na niya 'yon noon. Lagi niyang pinagtatakpan ang binata pero iba ngayon, kapag tuluyan itong nagpatuloy sa pag-alis balik ay baka wala ng kumuha rito sa susunod.

Saka ano naman magagawa niya? Part lang siya ng team nito. She's like his PA. Lahat ng bagay tungkol kay Relton ay siya ang humahawak, simula sa make-up nito at dress, schedules, pati ang pagkain nito ay siya.

Oh... not to mention his personal things, like underwears and condoms.

Dahil sikat si Relton ay hindi ito basta-basta makakalabas at makakalakad sa mall kaya naman siya ang may kakayahan gawin lahat ng bagay na iyon.

Sumimangot ang binata sa sinabi niya dahil alam nitong tama siya.

Lumapit siya rito saka kumuha ng wet wipes. Tumingala ito sa kaniya na parang batang naka-busangot. Ngumisi siya saka sinimulan punasan ang mukha ni Relton.

Nasa gano'n silang pwesto ng bumukas ang pinto.

Humahangos na pumasok doon ang isang staff sa shoot kanina, luminga-linga ito at nang makitang sila lang dalawa doon.

"Oh, Sir Relton someone will share this room to you, is it okay? Sandali lang naman. Kailangan lang magbihis saka make up, occupied kasi ang kabilang room ng girls," mabilis na wika ng babae.

Nagpatuloy lang siya sa pagtanggal ng lipstick ni Relton. Pagkatapos nito ay aalis naman na sila.

Bahagyang tumango si Relton at tipid na ngumiti. "It's okay."

Halatang nakahinga ng maluwag ang babae saka dumungaw sa labas. Bumalik naman ang simangot na mukha ni Relton sa kaniya animong sinisisi siya nito dahil hindi ito makakapag-leave.

"Here! Pwede rito," wika ng babae sa labas.

Hindi na siya bumaling pa sa staff. Ang tanging gusto niya ay matapos na rito kay Relton para maka-uwi na sila. Kumuha siya ng wipes saka bahagyang pinunas ito sa buhok ni Relton dahil may glitters pa ito na inilagay niya kanina.

SDSS 4: PrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon