Kabanata 5

42.5K 1.8K 208
                                        

K A B A N A T A 5
༺❀༻

Nang pumasok si Neos sa kwarto ay tapos ng kumain si Sadi, tama na ang pag-iyak. She's just disappointed with herself. Akala niya kasi hindi na siya masasaktan kung magkita ulit sila ni Neos.

Ang akala niya, balewala na lahat pero kanina ay para siyang sinampal.

Itinanggi na siya nito noon, itatanggi ulit siya nito ngayon.

Hindi niya nilingon ang binata, naramdaman niyang umupo ito sa kama malapit sa kaniya.

"U-Uhm, kailangan na natin umalis. My mom called me and —"

She cut him off. "Okay. That's better." Tumayo siya.

Mabilis na kinuha ni Neos ang pulsuhan niya para tumigil siya. Nag-iwas tingin siya sa binata, natatakot na baka makita nito ang galit at sakit sa mata niya.

"Sadi please understand—"

"Ako na naman ba?" Bumaba ang tingin niya kay Neos. He looked hopeless. "Kung inutusan ka ng mama mo na umuwi, sundin mo. Tutal naman—" hindi na niya natuloy ang sasabihin, kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang salita.

Iwinaksi niya ang kamay, mabilis na umalis sa kwarto. Narinig pa niyang tinawag ni Neos ang pangalan niya pero hindi siya lumingon. Lumabas siya ng bahay dala-dala ang mga bag.

Tanginang lalaki 'yon! Dadalhin siya rito tapos uuwi rin pala porket tumawag ang mama! Hanggang ngayon pa rin pala ay sunod-sunuran ang lalaki.

Napailing siya nang makasakay sa kotse nito, natatawang pinunasan niya ang luha. Badtrip! Bakit ba kasi nasasaktan pa siya! Hindi pa ba siya nasanay?

Nakakatawa lang na pumunta pa silang bataan para lang kumain siya. Sana hindi na lang siya nito kinuha kanina.

In fact, she wanted to go home but deep inside of her wanted to talk to Neos.

May isang parte sa kaniya na gusto rin itong makausap, gustong malinawan sa lahat ng nangyayari. Gusto sana niyang bigyan ito ng pagkakataon na magpaliwanag sa ginawa nito noon. Baka sakaling tuluyan na siyang maka-move on kapag nalaman niya ang dahilan pero mukhang pinaglalaruan na naman siya nito.

Naging tahimik ang biyahe nila ni Neos, ilang beses siyang tinawag ng binata pero hindi na niya nilingon.

Nagpanggap siyang natutulog. Buong biyahe siyang naka-pikit lang, ilang beses niyang narinig ang malalim na buntong-hininga ni Neos. Nang maramdaman niyang tumigil ang kotse ay doon lang siya dumilat.

Kaagad kumunot ang kaniyang noo ng  nasa labas na sila ng building condo ni Relton. Alam nito?

Mabilis na inalis niya ang seatbelt at inabot ang mga gamit.

Akmang bubuksan niya ang pintuan ng magsalita si Neos.

"Sadi, I'm so sorry."

"For what?" tanong niya. She wants him to open up.

"F-For everything."

"What everything?" She pushed it. Come on, Neos. What is it? Sorry for what huh?

Ilang sandali silang nagtitigan, nang maisip na wala ng balak pang sundan ni Neos ang sinabi ay bahagya siyang natawa.

Binuksan ang pintuan saka bumaba, bago niya isara ang pintuan ay bumaling ulit siya sa binata.

"You're an asshole, hindi ko akalain na nagkagusto ako sa lalaking katulad mo, hindi akalain na nagmahal ako ng duwag na katulad mo."

Mabilis siyang tumalikod saka nagmamadaling pumasok sa building.

Nang makapasok sa condo ni Relton, kumunot ang kaniyang noo dahil walang katao-tao doon. Patay ang mga ilaw.

"Relton! Bakla! Babe!" sigaw niya.

Gusto sana niyang magkwento rito. Para ng sasabog ang dibdib niya sa nararamdaman.

Napaupo na lang na lang si Sadi sa sofa. Hindi na  nag-abala pang buksan ang ilaw. She rested her head on the back of the couch. Looking at the ceiling.

Hanggang unti-unti na siyang dinalaw ng antok.

Nang magising siya kinabukasan  ay parang may mabigat na bagay na naka-patong sa kaniyang ulo. Kumikirot ito, siguro ay sa sobrang pag-iisip kagabi.

Hinawakan niya ang batok upang hilutin. Napatingin siya sa lamesa ng may tumunog, doon lang niya napansin na nandoon sa lamesa ang cellphone niya ang ibang gamit ay nasa kabilang upuan.

Kunot-noong sinagot niya ito.

"Good morning, Ma'am Anne," bati niya sa manager ni Relton.

Narinig ko ang malakas niyang pag singhap. "Thank God, you answered my call Sadi! Ano na naman bang kabaliwan ang ginawa nitong si Relton?!" histerikal na usal niya.

"B-Bakit po?" naguguluhan tanong  niya.

"Your brilliant friend declined his next project and left the country! Damn it! Nag-iisip pa ba siya ng tama?! Of course hindi na! Ano bang naiisip niya't tinakbuhan niya ang susunod na proyekto niya? I already said yes to the production. At ngayon ay nasaan siya? I know, he's famous but this move is very wrong!" halos mapangiwi siya sa lakas ng boses ni Ma'am Anne.

Unti-unti nagsi-sink in sa utak niya ang ginawa ng kaibigan.

"H-He left the country?!" napasinghap siya't napa-tuwid ng upo.

"Oo! Kaninang madaling araw! Kanina pa kita tinatawagan, ngayon lang nakarating sa akin ang balita na nakita siya paalis ng bansa! Mabuti at walang nakakita kung sino ang kasama niya! Paniguradong kasama niya si Leo, iyang kaibigan mo hindi nag-iisip! Kontakin mo ako kapag naka-usap mo siya, tatawagan ko lang 'yong next project niya para makahingi ng kaunting panahon, pauwiin mo si Relton!"

Napangiwi ulit siya nang patayin nito ang tawag.

Loko talagang lalaki iyon, ano bang iniisip non?! At talagang ang loob na umalis, edi paano siya nyan? No Relton means no work.

Naihilamos niya ang mukha para makapag-isip ng maayos, sinubukan niyang tawagan ang kaibihan ngunit naka-patay na ang telepeno nito. Sinubukan niya rin tawagan si Leo, ngunit hindi niya rin ma-kontak.

Sinubukan niyang buksan ang mga social media ng mga ito ngunit parehas nawala ang social media ng dalawa.

Mabilis siyang nagpadala ng mensahe sa gmail ni Relton.

Please tell me you didn't run away? Malaking gulo ito Relton at saka bakit hindi mo sinabi sa akin? Bigla kayo nawala, paano na ako? Wala akong trabaho habang kayo nagbabakasyon? Buset ka Relton, kapag hindi kayo bumalik at naubos ang pera ko ibebenta ko itont condo mo. Message me when you read this, take care please. Kahit nasa ibang bansa kayo, baka may makakita sainyo.

- Sadi.

MABILIS ang lakad ni Sadi habang naka-sunod kay Ma'am Anne, nasa Devine Entertainment sila ngayon dahil may kakausapin ito. Kahit pa nga masama ang pakiramdam niya ay kailangan niya itong samahan para maayos ang gulo na ginawa ng kaibigan.

"Dito ka lang, Sadi. Papasok ako sa loob. Mamaya na tayo mag-usap," ani Ma'am Anne saka pumasok sa isang office.

Napabuntong-hininga siya, pumasok sa isang kwarto doon. It's like a company kitchen, dumeretsyo sa water dispenser upang uminom ng gamot para sa sakit sa ulo.

Akmang iinumin na niya iyon ng may pumigil na kamay sa kaniyang pulsuhan.

Gulat na napatingin siya sa gilid, bahagyang napa-awang ang labi ng makita ang madilim na mukha ni Neos.

"Is this okay to your baby?" Kumunot ang noo niya sa sinabi nito at bakit nandito ito.

"Ano?"

"Buntis ka dapat ay hindi ka basta-basta umiinom ng kung ano-anong gamot." Umigting ang panga nito.

Ang kaguluhan sa kaniyang mukha ay nawala. Oo nga pala, akala talaga nito ay magkaka-anak na siya?

"L-Let me go, Neos."

Binawi niya ang kamay pero mas inilapit lang siya ng binata sa katawan nito, nalanghap niya ang pamilyar nitong amoy.

"No, I won't let you go. Not now. Not anymore.

________________
SaviorKitty

SDSS 4: PrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon