Kabanata 9

38.6K 1.7K 182
                                    


K A B A N A T A 9
༺❀༻

"T-That's not true!" halos mapaigtad siya sa sigaw ni Neos. Hinampas nito ang manubela ng ilang beses bago na pa hilamos sa sariling mukha.

Nag-iwas tingin siya sa lalaki at tumingin na lang sa batang lalaki na may ngiti sa labi habang naglalaro ng bola. She can't help but to smile too, her heart warmth.

Masakit na makita itong may kinikilalang ibang magulang pero kung ibabalik ang nakaraan, paulit-ulit niya iyon gagawin. Wala siyang pinagsisisihan sa mga desisyon niya.

It was her best decision for her baby.

Nanuyo ang lalamunan niya sa isipin na ni hindi nila alam ang pangalan nito, kung kamusta ito, kung saan ito nag-aaral?

Sunod-sunod na mura ang narinig niya kay Neos. Isang hampas pa ulit sa manubela ang pinakawalan nito bago akmang bubuksan ang pintuan ay kaagad niya itong hinawakan sa braso.

"W-Where are you going?" nanginig ang kaniyang boses.

Blankong mukhang nilingon siya ng lalaki.

"I can't breathe here, babe. Sandali lang," nagulat siya sa kalmadong boses nito.

Binitawan niya ang binata, lumabas nga ito at doon huminga ng malalim, namewang pa ito saka tumingala. Parang may sumaksak sa puso niya ng makitang nangilid ang luha nito na mabilis din nitong pinunasan.

Nang pumasok ulit ito sa loob ay kaagad itong humarap sa kaniya.

Halos mapaigtad pa siya ng masuyong hawakan nito ng braso niya.

"W-What happened? Sabihin mo lahat, simula umpisa. Why didn't you tell me, Sadi? Alam kong galit ka sa akin no'n pero alam ko hindi iyon dahilan mo, kilala kita..." nahihirapan usal nito.

Kinagat niya ang ibabang labi saka nagsimulang ikwento sa binata ang nangyari.

"This is the reason why I can't accept you again, pakiramdam ko kasi na hindi na natin deserve maging masaya magkasama habang n-nasa iba ang a-anak natin..." Umiling-iling siya.

Nakita niyang umigting ang panga ni Neos habang buong atensyon nakikinig sa kwento niya.

"N-Nang maghiwalay tayo noon una ay ayos lang, sabi ko sa sarili ko ayos lang. But after months lagi masama pakiramdam ko kaya umiinom ako gamot kasi kailangan ko magtrabaho, hindi ako pwedeng manghina. Huli na ng malaman kong b-buntis ako." Kaagad niyang pinunasan ang luha sa kaniyang mata.

Marahan naman humaplos ang kamay ni Neos sa kaniyang braso.

"Sobrang hirap, Neos. Ang bata ko pa no'n tapos nagta-trabaho ako habang buntis ako. Sobra akong nagtitipid kasi kailangan kong pera para sa panganganak ko."

Umakyat ang palad ni Neos, pumunta iyon sa panga niya at marahan pinunasan ang luha sa kaniyang pisngi gamit ang hilalaki.

"W-Why didn't you tell me? You can come to me, you should---"

"Akala mo ba ganon ako ka-tanga? Neos, kaya kong babaan ang pride ko para sa anak ko. Pinuntahan kita, handa na akong magmakaawang tulungan kami nuong panganak ko, kasi may sakit siya. May butas ang puso niya. Hinanap kita, hihingi sana ako ng tulong sayo pero nasa ibang bansa ka na. S-Sabi sa balita, nakita kayo ni Cynthia sa isang exclusive restaurant sa ibang bansa. Lahat ay inakalang nag-propose ka doon, pero hinintay pa rin kita. Buwan, Neos. Sinubukan kitang ichat, pero hindi ka naman sumasagot. Sinusubukan kong kontakin 'yong number mo pero wala na. Hindi ko alam kung paano kita makakausap gayon kailangan-kailangan ko ng pera kaagad, hindi na kita mahintay pang-umuwi. That was the time I met Mr. and Mrs. Aquino."

Mariin pumikit si Neos sa mga sinabi niya.

"Kaibigan sila ng dati kong amo, mag-asawa silang hindi magka-anak. Wala na akong magawa, kaysa naman nasa akin nga siya tapos hindi ko naman siya maipa-gamot. They offered me a money, I accepted it. Kapalit no'n ay maipapagamot ko na siya. Ang liit-liit niya no'n tapos kulay violet siya, para akong sinasaksak gabi-gabi habang binabantayan siya sa ospital. Hindi ako makapag-trabaho kasi nagbabantay ako, kahit masakit I gave him to them. Masisisi mo ba ako? Iyon na lang nakikita kong paraan noon. Sabihin man na masama akong ina, wala na akong paki at least nailigtas ko ang anak ko. Look at him now, may maayos siyang buhay, malusog, inaalagan ng maayos, may magandang bahay, may kumpletong pamilya na hindi ko kayang ibigay sa kaniya noon."

Napahikbi si Sadi sa huling salitang binitawan.

"Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit hindi kita matanggap ulit, wala ka nga noong panahon kailangan kita... Wala ka noong mag-isa akong naglalakad sa kalsada hating gabi kasi manganganak na ako. Wala ka noong mga gabi na ginagawa kong umaga para lang may pambayad ako sa mga gamot na tinutusok sa anak ko. Wala ka noong halos mabaliw ako kasi nawala sa akin 'yong anak ko, nag-iisang dahilan bakit masaya ako. Alam mo bang ilang taon akong hindi naka-ngiti ng totoo? I'm just lucky that after months I found Relton, he's a good friend. Inalis niya ako sa dati kong buhay, he helped me."

Nakayuko na lang ngayon si Neos, parang nanghihina itong sumandal sa kaniyang balikat.

"Tingin mo bakit hindi ko siya binabawi? Nag-iipon talaga ako ng pera para kahit papaano kahit man lang sa mga birthday niya mabigyan ko siya ng regalo kahit patago. G-Gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin sabihin na ako ang mommy niya pero naduduwag na ako, paano kung magalit siya? Paano kung hindi niya matanggap. Masyado pa siyang bata, ayoko siya masaktan Neos."

Huminga siya ng malalim. Para siyang nabunutan ng tinik ng masabi ang lahat sa lalaki.

Bahayang bumukas ang bibig niya ng marinig itong umiiyak sa balikat niya.

"Ang s-sama-sama ko... I'm so sorry wala ako noong kailangan mo ako. Patawarin mo ako Sadi. Sobrang sakit, hindi ako makahinga..." bulong nito.

Napailing siya saka hinimas ang likod nito. Noon pa man magkarelasyon nila, sa kaniya lang ito umiiyak ng ganito. Kung sa ibang tao ay malakas itong tingnan, kay Sadi alam niyang mahina si Neos.

Hindi niya alam kung ilang minuto itong umiiyak sa balikat niya paulit-ulit humihingi ng tawad at sinisisi ang sarili.

Bahagya niyang tinapik ang binata ng makitang papasok na sa loob ng bahay ang bata.

"Neos, aalis na siya."

Kaagad na humiwalay ang lalaki saka lumingon sa bahay. Kitang-kita niyang lumamlam ang mata nito.

Nang tuluyan mawala sa paningin ang bata ay sinapo ni Neos ang mukha niya.

"Babawi ako, Sadi. Hindi na ako hihingi ng tawad, gagawin ko na lang. Ipapakita kong deserve natin 'to. We deserve a happy ending, with our son." Umigting ang panga nito saka masuyong hinalikan ang mata niya. "Don't cry please, babawiin natin siya okay? Trust me. Please trust me again," masuyong wika ng lalaki habang nakatitig sa kaniya.

Para siyang hinihigop ng mata nito.

Isang malakas na buntong-hininga ang ginawa niya. "H-Hindi ka ba galit?"

Napapantastikuhang tiningnan siya ng lalaki.

"Why would I? Hindi mo alam kung gaano ako kahanga sayo, nagawa mo iyon ng mag-isa. You're the most amazing woman I have met Sadi and I wanna say thank you for saving our baby. For sacrificing. I know, sobra na ang hilingin ko bumalik ka sa akin pero sasagadin ko na ang kakapalan ng mukha ko, I'll make it up with you babe. I love you so much! Kayo ng anak natin."

______________
SaviorKitty

SDSS 4: PrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon