S I M U L A༺❀༻
"Three thousand two hundred," bilang ni Sadi sa pera na nasa kanyang harapan. She let out a short, hard breath when she realized that the money isn't enough.
Kulang na kulang pa ang hawak niyang pera pero may kailangan na siyang bilhin para bukas.
Hindi naman siya pwedeng manghiram sa kaibigan niya, dahil unang-una wala siyang maibabayad doon at pangalawa, wala nga pala siyang kaibigan.
Napailing si Sadi saka ipinasok ulit ang naipong pera sa kanyang pitaka. Hinilot niya ang batok gamit ang kaliwa niyang palad bago napalingon sa pintuan ng pumasok doon ang katrabaho niyang babae.
"Hindi ka pa uuwi, Sadi?" tanong nito habang kinukuha ang gamit sa locker nito.
Sadi smiled to her. "Uuwi na rin ako. Ako na lang maglock nito." Tukoy niya sa locker room.
Tumango lang ito saka lumabas. Kahit naman gusto niya manghiram dito ng pera ay hindi niya gagawin, nakakahiya saka hindi naman niya ito masyadong ka-close. Pinapakisamahan lang siya nito dahil sa trabaho.
Pagod na iniligpit niya ang bag at nilock ang locker room saka lumabas ng store. Nakangiting sinalubong niya ang guard sa pinagtatrabahuhan niyang restaurant, saka inabot dito ang susi.
"Kuya Nel na-lock ko na po ang locker room, una na po ako," magalang na wika niya sa medyo matandang lalaki.
"Gano'n ba iha? Ingat ka sa pag-uwi ha, maglalakad ka lang ba?" tanong nito sa kaniya.
Masayang tumango siya kahit sa loob-loob niya ay gusto niyang umiling. "Opo Kuya Nel."
"Gabi na ah, gusto mo pahiramin muna kita ng pera pamasahe," alok ng matanda at akmang kukuha sa bulsa ng barya ay kaagad siyang umiling.
"Nako, hindi na po kuya Nel. Ayos lang po saka exercise ko na rin po ito para pumayat man lang." Humalakhak siya.
Ngumiwi ang matanda. "Hindi ka naman gano'n kataba," komento nito.
Natawa na lang siya saka kumaway rito bago nagsimulang maglakad kahit latang-lata na siya sa buong araw na pagta-trabaho sa restaurant. Masyadong maraming tao lalo na kapag weekends kaya naman hindi sila magka-ugaga kanina lalo't siya ang nasa kitchen.
Although she was eager to get the offered money, she didn't. Kahit gustong-gusto niyang kunin ang inaalok na pamasahe ng matanda ay hindi niya ginawa dahil alam niyang kapos din ito sa pera.
Ang hirap talaga maging mahirap.
Habang naglalakad ay sinisipa-sipa niya ang isang bato. Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bulsa, bahagya pa siyang napanguso ng makita ang kaunting basag nito sa gilid ng screen.
Kahit naman gustong-gusto niya magpalit ay hindi niya magawa, may mga bagay siyang dapat unahin saka nagagamit pa naman kaya hindi muna siya bibili ng bago hanggat hindi ito tuluyang sumusuko.
Titingnan sana siya ang mga message pero sakto naman itong namatay. Napakamot na lang siya sa ulo, lowbat na siya.
Binulsa niya ulit ang kanyang phone saka nagpatuloy sa paglalakad pauwi sa apartment na tinutuluyan niya.
Inabala na lang niya ang sarili sa pagsipa ng bato para hindi niya maramdaman ang pagod.
Napatigil siya sa pagsipa nang may isang pares ng sapatos na humarang sa batong dapat ay sisipain niya. Kaagad umangat ang kaniyang mukha at bahagya pang napaawang ang kanyang labi nang makita si Neos na nakatayo roon at nakapamulsa habang nakatingin sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/174605105-288-k520504.jpg)
BINABASA MO ANG
SDSS 4: Pride
Short StorySEVEN DEADLY SINS SERIES 4: 𝐏𝐑𝐈𝐃𝐄 After her boyfriend of two years abruptly broke up with her, Sadi focused her attention on work. After years, Sadi is offered a new position as an intern at Devine Entertainment. She has no idea that one of th...