Kabanata 3

41.5K 1.9K 779
                                    


K A B A N A T A 3
༺❀༻

Kung nakakamatay lang ang masamang tingin ay paniguradong bulagta at nangingisay na si Sadi at Relton sa sahig. Nang madatnan sila ni Neos sa tent kanina ay bigla na lang itong tumalikod.

And of course, Relton teased her. Alam niya hindi maganda ang pwesto nilang dalawa nang nadatnana sila nito. Gusto niyang pagpaliwanag, pero bakit? Ano naman kung iyon ang isipin ni Neos? Edi mangisay siya sa selos.

Wtf? Napailing si Sadi sa nasa isip, bakit naman magseselos? Baka kamo nandidiri na ito.

Napalingon siya ng sikuhin siya ni Relton sa gilid. "Hindi ba may PhilHealth at SSS naman ako?" bulong nito sa kaniya.

Napapantikasuhan nilingon niya ang kaibigan. Dapat talaga medyo lumayo-layo siya rito paano nahahawa na siya sa kabaliwan nito.

"Meron, bakit?"

Bahagyang napanguso si Relton animong natatawa. "Baka kasi biglang may sumaksak na lang sa akin dito, dalhin mo ako sa ospital ha. Iiyak jowa ko."

Inismidan niya si Relton, sasagot pa sana siya ng tawagin na ito para sumalang. Hindi naman niya alam kasama pala sa commercial si Neos.

Tiningnan niya si Relton na pumunta sa kunwaring venue, may kasama itong model na babae. Pantalon ang imodel nila kaya medyo erotic dahil iyon lang ang tanging suot ni Relton ang babae naman ay nakahawak lang sa dibdib na walang saplot.

Namula ang mukha niya, hindi alam ni Sadi pero kaagad na hinanap ng mata niya si Neos. Halos mapatalon pa siya ng makitang naglalakad na ito papalapit kung saan siya nakatayo.

Nagkunwari siyang abala sa pagtingin sa kaibigan. Narinig niyang tumikhim ito ng tumigil sa kaniyang gilid.

"So you're always with your boyfriend huh?" tanong ng binata sa kaniya.

Huminga siya ng malalim, pinakalma ang sarili saka blankong mukhang bumaling sa dating kasintahan. Hindi niya maiwasan titigan ang mukha nito. He carried himself as an attractive person.

She despised him because he made her feel weak. He looked around him, and their eyes meet for a moment. Sadi sighed. His lips curled into a smile, she was sure he was mocking her.

"Binabantayan mo? You're not a clingy girlfriend before," he pointed out.

Ang ilan sa tapping ay natitingin na sa gawi nila, sinong hindi lilingon? Ang sikat at gwapo na model ay lalapit sa isang PA.

Hindi niya maiwasan mamangha sa pakikipag-usap nito. After years, ni hindi sila naging magkaibigan kaya nakakamangha na parang wala itong kasalanan sa kaniya kung makipag-usap.

"Before," madiin ulit niya saka pinagkrus ang braso sa harap ng dibdib.

Sumunod ang tingin ni Neos sa dibdib niya pero kaagad din ito nag-iwas tingin. Lumingon ito kay Relton na busy sa commercial. Lihim siyang napadasal.

Lord, paalisin mo 'to habang mabait pa ako, ayoko pong magkasala.

Tumikhim si Neos, para siguro tumingin siya rito pero hindi niya ginawa. "Be professional, nandito kayo tapos gano'n ginagawa niyo. If he can't respect you, he's not for you!" Neos said.

Hindi niya maiwasan matawa. "Respeto? Ikaw talaga nagsabi nyan?" tumikhim siya para itago ang ka-bitter-ran sa katawan.

Mukhang nagulat naman si Neos sa sinabi niya, why? You didn't expect Sadi talk back to you huh? Bumuntong-hininga siya, hindi niya alam bakit kinakausap pa siya nito. Hindi ba nito kasama 'yong babae niyang malaki dede?

Sasagot pa sana si Neos ng lumapit na si Relton sa kanila, suot nito ang seryosong mukha. Pero alam niyang sa loob nito kinikilig na ang betlog ng kaibigan.

Kaagad siyang niyapos ni Relton sa braso, napangiwi siya dahil bahagyang may kasamang kurot iyon.

"Babe, I'm done for the shoot. Let's go home?" malambing na usal ng kaibigan.

Hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang matalim na titig ng dating kasintahan sa kamay ni Relton na nakahawak sa braso niya.

Gusto niyang batukan ang kaibigan ng bahagya itong suminghap ng lumingon kay Neos, kunwari pang hindi nakita kanina. Panigurado naman alam nito nandito ang binata, kaya nga nagpapanggap ito.

"Oh, Neos. Nandito ka pala, tapos ka na sa shoot kanina ah. Hindi ka pa pala umuuwi, nice to see you here. Mukhang mapapadalas ang pagkikita natin," humalakhak si Relton saka siya inakbayan.

Hindi siya nagsalita.

Alam ng kaibigan ang nakaraan niya, alam nito ang ginawa sa kaniya ni Neos.

Umigting ang paa ni Neos, namulsa ito habang pinantayan ang tingin ng kaibigan na ngingisi-ngisi lang.

"Yea, I think so..."

Tumikhim siya, "Tara na Relton."

Tumango si Relton at umangat ang tingin kay Neos na halos hindi na mapinta ang mukha. "We have to go, alam mo kasi itong girlfriend ko ay bawal talagang mapagod, sinasabi ko ngang mag-stay na lang sa condo kaso ako ata ang pinaglilihian at ayaw humiwalay sa akin," madamdamin usal ni Relton.

Nanlalaking matang napalingon siya sa kaibigan. Nababaliw na ba talaga ang bayot na 'to?

"R-Relton!" She shouted.

Kaagad tinakpan ni Relton ang bibig niya. "Hush! Shh I know babe. I love you too!"

Pilit niyang inaalis ang kamay ng kaibigan.

Nang tumingin siya kay Neos ay namumutla na ito, bahagyang umawang ang labi nito.

"S-She's uhm..." Neos trailed off.

Humalakhak si Relton.

"Oo pare! She's pregnant. Huwag ka maingay ah, hindi pa kasi namin ina-announce."

Hinila na siya ni Relton papasok sa tent nila kanina.

Nang sila na lang dalawa ay bigla itong nang hihinang napa-upo sa isang upuan doon.

"Jusko, babe. Nakakapanghina ang kagwapuhan ng ex mo. Ang sarap umigting ng panga! My gosh, daks ba 'yon?!" nanghihinang usal ni Relton.

Kaagad niyang sinapak si Relton.

"Anong ginawa mo?! Nababaliw ka na ba? Ako buntis? Paano kung may nakarinig sayo kanina sa labas edi—"

"Aysus, 'yung ibang makakarinig ba ang iniisip mo o ang iisipin ni Neos?" tukso ni Relton.

Hanggang matapos siyang magligpit ng gamit ay inaasar siya ng kaibigan. Inismidan niya lang ito. Nang matapos ay lumabas na si Relton. Sa may bungad na siya ng venue naghintay para hindi na dadalhin pa sa parking lot ang mga bag.

Kasama ni Relton ang driver.

May humintong itim na van sa harap niya, sa akalang van iyon ni Relton dahil kamukhang-kamuka at bumukas kasi ito kaya pumasok na siya dala-dala ang bag.

Sumarado ang pintuan at umandar. Inayos naman niya ang mga gamit.

Umangat ang mata niya ng mapansing  parang iba ang amoy ng van. Halos mapatalon siya sa gulat ng makitang si Neos ang ang dadrive.

"What the hell?!" sigaw niya.

Sinulyapan siya ni Neos sa salamin. Nakita niyang bumaba ang tingin nito sa tiyan niya habang mabilis pinapaharurot ang van paalis doon.

"Neos anong ginagawa mo?! Ibaba mo ako!"

Gumalaw ang panga nito.

"Don't shout, you're pregnant," paos na paalala nito.


______________
SaviorKitty

SDSS 4: PrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon