K A B A N A T A 6
༺❀༻Sasagot pa sana si Sadi kay Neos ng may pumasok na isang babae, naabutan nito silang dalawa sa gano'n posisyon kaya mabilis niyang tinulak si Neos.
Napakurap-kurap pa ang babae sa nakita, siya naman ay nag-iwas tingin.
"S-Sir Neos, kayo na raw po next," ani ng babae.
Tumango si Neos saka siya hinarap, "Babalik ako, alright? Stay here," bulong nito.
Balik mo mukha mo! Wala ng balik-balik!
Sigaw niya sa isip, pero hindi na lang niya isina-tinig. Sandali pa siyang tinitigan ni Neos bago ito lumabas kasamang babae.
Hindi nga niya alam na na dito rin ito. Bakit ba kasi kung nasaan siya ay bigla rin itong susulpot. Kung sabagay, noong college rin naman sila ay bigla na lang itong susulpot. Pinaglihi ata sa kabote.
Naiinis na kumuha siya ng tubig at umupo siya sa isang upuan doon.
Nagkasabay-sabay pa ang problema nila, una ang magaling niyang kaibigan na akalang mong si Cinderella. Ang lakas ng loob na tumakbo, tapos eto sila ngayon ni Ma'am Anne na na-stress.
Habang wala pang ginagawa ay chineck niya ulit kung may mensahe na ang kaibigan.
She gritted her teeth when she saw Relton's email to her with a wacky fucking selfie.
'Hey babe, oo alam ko mali ang ginawa ko. Pero babe, stress na stress na ako dyan ayoko na magpanggap. Please give us time, babalik din ako. Pakisabi rin kay Mami Anne. Anniversary kasi namin ni Leo, so alam mo na. Hihi! I miss you, bawal mo ibenta ang condo pero pwede kang mag-uwi ng lalaki. Don't worry hindi ako mabubuntis, kung sakali man ay ikaw ang ninang. Bye na! I-message ko na lang din si Mami Anne. Mwauh!'
- Berde mong kaibigan. 💦
Napangiwi siya sa mensahe nito at talagang mukhang enjoy na enjoy ng bakla sa ginawa samantalang naiwan sa kanila ang problema.
Magre-reply na sana siya sa kaibigan ng may pumasok na matabang babae, gulat ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.
"Hala, bakit dyan ka umupo!" sigaw nito.
Bigla siyang napatayo, bakit? Bawal ba?
"Po?"
Lumapit ang babaeng may dalang tissue tapos tinuro ang inupuan niya. "May ketchup dyan sa upuan kaya nga nilagay ko na sa gilid para walang umupo, kumuha lang ako tissue pamunas," paliwanag nito.
Nanlaki ang mata ni Sadi sa sinabi ng matabang babae, kaagad niyang sinipat ang puwitan. Napangiwi siya ng makitang kumalat na ang ketchup sa suot niyang light denim na pantalon.
"Tsk, meron nga."
Kaagad pinunasan ng babae ang puwitan niya kaya napaigtad siya sa gulat, hinarang niya ang kamay niya.
"Hala, hehe ako na po."Nag-sorry pa ang babae bago umalis, inis na nagpapadyak si Sadi sa kwarto.
Bwiset! Bwiset na buhay! Malas!
Mabilis niyang tinext si Ma'am Anne tungkol sa nangyari sa kaniya. Nahihiya siyang lumabas sa kwartong iyon lalo't kitang-kita sa pantalon niya.
Bakit naman kasi hindi niya naramdaman kaagad na may ketchup pala doon? At grabe naman kumain 'yong babae kanina, pati upuan nalalagyan.
Pakiramdam ni Sadi ay sirang-sira na ang araw niya idagdag pa ang sakit ng ulo niya.
Napahawak siya sa gilid ng lamesa para kumalma.
BINABASA MO ANG
SDSS 4: Pride
Short StorySEVEN DEADLY SINS SERIES 4: 𝐏𝐑𝐈𝐃𝐄 After her boyfriend of two years abruptly broke up with her, Sadi focused her attention on work. After years, Sadi is offered a new position as an intern at Devine Entertainment. She has no idea that one of th...