K A B A N A T A 10
༺❀༻"Sigurado ka ba sa gagawin natin Neos? Baka makulong tayo nito," kabadong usal ni Sadi habang sumisilip sa pader.
Sumilip din sa Neos sa sinisilip niya saka siya inakbayan.
"Hindi 'yan, bakit tayo makukulong e tayo gumawa sa bata na iyan?" magaspang na sagot nito kaya siniko niya sa tiyan.
"Kahit na! Baka matakot siya."
Bakit naman kasi siya naniwala kay Neos e, kahapon nang makauwi sila ay sa condo ni Relton sila dumeretsyo at ang magaling na lalaki ay nagplano kung paano raw sila unting-unti mapapalapit sa anak nila.
Plan A, kausapin ng malumay.
Plan B, ayain sumama sa kanila sabihin marami silang chocolate.
Plan C, kapag ayaw kidnapin na.
Siraulo talaga!
Ngayon ay nakatago sila sa isang pader, malapit sa pinapasukan nitong paaralan. Halos magtulakan sila ni Neos sa kakasilip ng makitang papalabas na ito at tanging ang yaya lang ang kasama.
"Let's go sundan natin."
Hindi na siya nakapag-salita ng hilain siya ni Neos papunta sa nakaparadang kotse nito.
Inayos niya ang suot na shade. Kung may makakakita sa kanilang dalawa ay iisipin may pupuntahan silang patay. Bakit ba kasi nagpauto siya kay Neos ng sabihin nitong dapat ay magblack sila.
Ilang minuto nilang sinundan ang kotse kung nasaan ang anak nila. Huminto ito sa parking lot ng isang mall, kaagad din pumarada si Neos malapit doon.
"Nakababa na sila, tara na," yaya niya kay Neos.
"Do I look good? Pogi ba ako? Ayoko naman unang kita sa atin ng anak ko tapos mukha akong sanggano." Inirapan niya ang lalaki.
"Oo na, gwapo ka na. Tara na baka makalayo 'yon."
Mabilis silang naglakad, sa malayo ay tanaw nila ang batang masayang naglalakad habang kasama ang yaya nito. Ano kayang gagawin nila rito?
Pumunta ang mga ito sa groceries, nagkunwari silang tumitingin-tingin ni Neos habang papalapit sa bata.
"Bibi, wet ka lang huh? Namemele lang si yaya ng tisyuw. Stay put ka lang bibi." Narinig niyang wika ng yaya nito.
Parehas silang napaigtad ni Neos ng lumingon ang bata sa gawi nila, nanlaki ang mata niya ang kumunot ang noo nito kay Neos, hindi niya alam kung maiiyak siya ng makita ng ganito kalapit ang anak.
Pekeng tumawa si Neos at nagkunwaring namimili sa mga nasa harap, nasapo niya ang noo ng makitang mga napkin ang pinamimilian nito.
Pasimple niyang siniko ang lalaki.
"Neos, napkin iyan. Ano ba? Huwag ka ngang kabado akala ko ba kalma lang dapat," inis na wika niya.
Napakamot ito sa batok, saka inayos ang suot na sumbrelo.
"Sorry, para kasing tumitingin ako sa batang ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/174605105-288-k520504.jpg)
BINABASA MO ANG
SDSS 4: Pride
Short StorySEVEN DEADLY SINS SERIES 4: 𝐏𝐑𝐈𝐃𝐄 After her boyfriend of two years abruptly broke up with her, Sadi focused her attention on work. After years, Sadi is offered a new position as an intern at Devine Entertainment. She has no idea that one of th...