Kabanata 7

43.7K 1.8K 194
                                        

K A B A N A T A 7
༺❀༻

"Ma'am Anne, sige na po. Baka naman may maka-usap kayo na talent na need ng PA, need ko talaga," wika ni Sadi habang kausap ang manager ng magaling niyang kaibigan.

Humalukipkip siya habang hawak ang cellphone.

"Hindi ba sinabi ko ng pauwiin mo iyang kaibigan mo para tapos na 'tong gulo na ginawa niya? Napaka unprofessional, pasalamat siya't napaki-usapan ko ang management kung hindi pati pangalan niya sira," mahabang litanya ng babae.

Naglakad ito papunta sa isang sofa kaya sinundan niya ito.

"Ma'am naman e wala naman ako magagawa kung bulag na bulag si Relton sa pag-ibig, paano po ako wala akong trabaho ngayon?"

Hinilot ng babae ang sentido bago tumingin sa kaniya.

"Fine, hahanap ako kung kanino ka pwede pumasok habang wala pa si Relton. Sige na umalis ka na," utos nito kunwari nagsu-sungit.

Hindi niya maiwasan mapangiti saka pabirong sumaludo.

"Alright! Thank you Ma'am."

Parang nakahinga siya ng maluwag nang makalabas doon. Dalawang linggo na simula mawala ang magaling na kaibigan at simula noon ay wala na rin itong padalang mensahe.

Paniguradong inuubos nito lahat ng semilya sa katawan bago umuwi. Hays!

Speaking of two week, dalawang linggo na rin siyang walang trabaho. Pasalamat na lang siya't doon siya sa condo ng kaibigan nakatira at kakabili lang niya ng stock dahil kung hindi ay namumulubi na siya ngayon.

Nang bumukas ang elevator ay kaagad siyang napatigil ng makitang sakay no'n si Neos at dalawang babae.

"Miss sasakay ka ba?" ani ng isa.

Kahit ayaw niyang makasabay ito ay wala na siyang nagawa. Dumeretsyo sa sa pinaka gilid malayo rito, silang dalawa ang nasa unahan samantalang nasa likod nila ang dalawang babae.

Ayos na sana, pero parang ang bagal ng pagbaba ng elevator.

Tumingin na lang siya sa mga numero.

"Ang bango talaga niya." Nagsalubong ang kaniyang kilay ng marinig ang bulong ng mga babae sa likod.

"Oo nga, tingnan mo 'yong muscle, jusko!" hesterikal na wika pa ng isa.

Wala sa sariling napalingon nga siya sa braso ni Neos. Laki nga ah!

Napa-iwas din kaagad ng tingin ng makitang nangingiting nakalingon sa kaniya ang binata. Chineck lang naman niya kung totoo ang bulungan ng dalawa e.

Huminto ang elevator at lumabas ang dalawang babae, gusto rin sana niyang lumabas dahil naiilang siya pero bakit naman siya iiwas?

Nang sila na lang dalawa ay nagsalita ito.

"Why are you avoiding me?"

Bumukas ang bibig niya para sagutin ang tanong ng binata nang biglang tumigil ang elevator sa pagbaba. Naphawak siya sa gilid dahil muntik na siyang matumba pero si Neos ay parang wala lang, kumunot lang ang noo ito saka sinipat ang mga pindutan.

"The elevator stopped," he announced.

Kumunot ang kaniyang noo, mabilis na lumapit doon. Pinindot-pindot niya ang mga button pero wala naman nangyari.

"What the hell?!" sigaw niya ng unti-unti maisip ang nangyari.

Nalock sila ni Neos sa loob ng elevator! Nice! Kung sino pa ang iniiwasan mo, iyon pa talaga ang makakasama mo, nice!

SDSS 4: PrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon