K A B A N A T A 2
༺❀༻H
umagalpak ng tawa si Relton pagkapasok nila sa condo nito. Hawak pa nito ang sariling tiyan habang umuupo sa sofa.
Tinanggal naman ni Sadi ang suot na sapatos saka sinamaan ng tingin ang amo slash kaibigan. Kanina pa kasi ito ayaw tumigil, nasa biyahe pa lang sila pauwi ay tuwang-tuwa na ito.
"Did you see his face, Sadi? Namutla ang gago. Hahaha." Napailing na lang si Sadi sa sinabi ng kaibigan.
"Baka gano'n lang kulay niya," pagdadahilan niya saka nagkibit-balikat.
Inismidan siya ni Relton.
"Tsk, mukhang ma-e-enjoy ko ang trabaho ngayon lalo't nasa Divine Entertainment na rin pala siya," excited na wika ng kaibigan.
Ngumuwi siya rito bago pumasok sa kwarto na tinutuluyan niya sa condo nito.
Ang totoo ay nabigla rin siyang makita si Neos, sa lumipas na panahon ay iyon lang ang pagkikita nila ng harapan. Hindi naman maiiwasan na makita niya ito sa tv at mga magazine. Ang pinagkaiba lang ni Relton at ni Neos ay ang kaibigan ay artista na talaga, umaarte at bumibida na sa ilang pelikula samantalang si Neos ay modelling ata ang focus.
Hindi na niya sigurado, ayaw na rin naman niyang may malaman pa tungkol dito.
Mabilis nagbihis si Sadi para makapagluto na. Nagsuot siya ng simpleng shirt at jogging pants na madalas niyang suot sa bahay.
Pagkalabas ng kwarto ay naabutan niyang may kausap si Relton sa cellphone nito habang ngiting-ngiti.
"Yes amore, you're outside the building? Oh nandyan ka na sa ibaba? Oh sige ingat! Oo---"
Hindi na niya narinig pa ang sinasabi ng kaibigan dahil dumeretsyo na siya sa kusina. Napasimangot siya ng makita ang ref nila. Bakit ba nakalimutan niyang noong nakaraan pa silang walang pagkain? Lagi silang nasa labas ni Relton kaya wala na silang time kumain sa bahay, ngayon lang silang napa-aga ng uwi. May sariling apartment siya pero dahil nga madalas naman ang alis nila sa mga alanganin oras ay madalas ay hindi na siya umuuwi.
Lumabas siya sa kusina para sabihin sa kaibigan na wala ng stocks pero mukhang nasa kwarto na ito't nagbibihis, sakto naman na may nag-doorbell.
Mukhang alam na niya kung sino ito.
Mabilis na binuksan ni Sadi ang pintuan, napangiti siya ng makita kung sino ang nasa labas. Naka-jacket itong itim.
Mas niluwagan niya ang pintuan upang makapasok ang bagong dating. "Fuck, reporters," anito bago tuluyan pumasok.
Mukhang sinundan na naman ito ng mga reporters. "Hindi ka pa ba nasasanay?"
"Gosh, I hate hiding."
Ngumisi lang siya dahil naiintindihan niya ang pinagdadaanan nito. Of course they are famous artists, kapag nalaman ng mga media ang tungkol sa relasyon ng dalawa ay siguradong malaking pasabog iyon.
Sabay silang napatingin sa pintuan ng kwarto Relton nang bumukas iyon. Kaagad parang may dumaan na mga puso sa pagitan ng dalawa, napangiwi siya ng magyakap ang dalawa at naghalikan sa mismong harapan niya.
"Leo babe!" masayang pahayag ni Relton.
Kung noon ay nabibigla pa rin siya na makakita ng naghahalikan na gwapong lalaki ngayon ay balewala na sa kaniya. Sa ilan taon ba naman kasama niya ang dalawa ay sanayan lang talaga.
Ang totoo ay hanga siya sa dalawang ito, matatag ang relasyon at halatang mahal na mahal ang isa't-isa kahit pa nga alam nilang bawal.
"Guys please stop. Respeto naman sa single," biro niya.
BINABASA MO ANG
SDSS 4: Pride
ContoSEVEN DEADLY SINS SERIES 4: 𝐏𝐑𝐈𝐃𝐄 After her boyfriend of two years abruptly broke up with her, Sadi focused her attention on work. After years, Sadi is offered a new position as an intern at Devine Entertainment. She has no idea that one of th...