Panimula

217 5 0
                                    

Kaya mo bang sumugal sa tinatawag nilang pag-ibig. Yung bang kaya mong idugtong ang lahat mabigyan lamang ng daan ang naudlot na pag-ibig.

Gaano ka katatag sa mga pagsubok na nakaamba sa daan? Gaano ka kahanda sa kung ano ang mangyayari sayo? At gaano ka kasigurado sa mga desisyong ginagawa mo?

Alam natin na may 2 higit na nagpapasaya sa tao dito sa mundo - Ang magamahal at mahalin ng taong minamahal nila. Ito na yata ang pinakamahirap na parte ng kasiyahan na mahirap talagang  hagilapin at ito marahil kung bakit ang tao ay patuloy na nabubuhay - Humahanap ng kanya-kanya kasiyahan sa kani-kanilang sariling paraan. Pero, ang lahat ng ito hindi mo makikita ng hindi ka nasasaktan, nagsasakripisyo at nagpapatawad.

Totoong mahirap maghintay sa ganitong paraan, nagtatanong kung kailan mangyayari yung mga gusto natin sa buhay gaya ng paghanap sa taong magmamahal sayo habang buhay.

NGUNIT, lahat ng paghihintay ay may hangganan at sa dulo nito malalasap mo ang tamis ng kasiyahang dulot ng paghihintay. IT IS WORTH THE WAIT!

Ikaw? Nagmahal ka na ba ng wagas. Yung tipong kailangan mo na nang ibayong paghihirap para magisnan lamang ang tanging gusto ng iyong puso. Sobrang mapaglaro ang tadhana noh! Pero kung patuloy kang magpapaloko wala kang mapapala.

Eto ang kwento ng pagmamahalang binakuran ng 30-day agreement at dito uusbong ang samu't saring kaisipan at liwanag na uusbong sa dalawang taong nagmamahalan. 

__________________________________________________________________

AGREEMENT:

Ako, si JAYSON CRUZ ay pumapayag at nangangako na maging kasintahan ni MARY ANN PEREZ sa loob na 30-araw lamang. At papatunayan ko sa aking sarili na pagkatapos ng kasunduang ito kakalimutan ko na ang aming relasyon. Pinapangako ko sa aking sarili na walang sinuman ang makakaalam nito maliban sa amin. Bilang katuwang, ipapakita ko sa kanya ang aking lubos na pagmamahal na hindi maaring hanggang habang-buhay kundi'y panandalian lamang. 

signed by: Jayson Cruz

Ako, si MARY ANN PEREZ ay pumapayag at nangangako na maging kasintahan ni JAYSON CRUZ sa loob na 30-araw lamang. At papatunayan ko sa aking sarili na pagkatapos ng kasunduang ito kakalimutan ko na ang aming relasyon. Pinapangako ko sa aking sarili na walang sinuman ang makakaalam nito maliban sa amin. Bilang katuwang, ipapakita ko sa kanya ang aking lubos na pagmamahal na hindi maaring hanggang habang-buhay kundi'y panandalian lamang. 

signed by: Mary Ann Perez

30-day agreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon