Chapter 2 - Friday

126 2 0
                                        

JAYSON'S POV

Dumaan pa ang maraming araw na palagi akong late naka-7 na yata ako simula nung unang pasukan. Ang lupit ko noh kaya hindi mapagakakaila na sa akin lagi nakatuon ang mata ng matandang hukluban kong titser. Nakakainis lang! Ano ba kasing gamot para magising na ako ng maaga. Yung uunahan ko na ang manok sa pagtilaok (Ang OA na)

Friday, haaayy yes friday na TGIF nga sabi nila. Owww!! bakit ganito ang bigat ng pakiramdam ko. Parang may binubuhat akong napakabigat at hindi ko na kayang i-handle pa. Ang sakit ng ulo ko. Teka! alas-siyete ng umaga. Late na naman? arggghhh.. Pero ayaw talgang bumangon ng katawan ko. Haayy!! Ano ba naman to'

Beautiful girls all over the world, I could be chasing

But my time would be wasted, they got nothing on you, baby

Nothing on you, baby

Calling.....

MAMA

Agad kong kinuha ang cellphone kong nagriring. At sinagot ng walang kabuha-buhay at walang kalakas-lakas.

"Ma, B-Bakit po?"

"Anak pupunta kami ngayon dyan sa bahay natin at may aayusin kami."

"S-Sige po ma, M-magluluto pa po ba ako?"

"Wag na anak?, nak, may sakit ka ba?"

"Ma, A-Ah wala ma.. Masakit lang katawan ko"

"Uminom ka na ng gamot, mamayang hapon nandyan na kami"

Hayyy talaga si mama oh! Para naman akong bata nito. Tsskkk! Paano ba ako makakakilos nito e halos ang mga mata ko hindi ko maimulat ng mulat na mulat. 

Tinawag ko muna si tita ko para magluto ng kakainin ko at maipaghanda ako ng gamot na iinumin ko at saka pagsaingin siya dahil darating sina mama. Mabait naman tong tita ko, DULING nga lang. Lagi ko kasi siyang inaasar na duling haha .. Pero, totoo naman. Ganyan lang talaga ako mang-asar sa tita ko close ko kasi siya eh.

Hapon na!! Ang sakit sobra ng ulo ko balot na balot na akong ng kumot pero nanunuot pa rin ang lamig sa kalamnan ko para yata akong nasa ALASKA sa sobrang lamig. Wala namang aircon, electic-fan o kung ano mang hanging dumadampi sa akin pero ang lamig-lamig ng pakiramdam ko. 

Beautiful girls all over the world, I could be chasing

 But my time would be wasted, they got nothing on you, baby

 Nothing on you, baby

Calling..... 

Bespren

Agad-agad kong kinuha ang cp ko at sinagot ang tawag nito. Nanginginig pa.

"H-Hello!"

"Jayson, bat di ka pumasok"

"Bes, may sakit ako e"

"Ha, puntahan kita dyan mamaya gusto mo?"

"H-Huwag na bes? A-Ayos na ako pupunta dito sila mama mamaya"

"Sigurado ka ha. Nga pala may report tayo sa monday kinuha na kitang kagrupo. Bigay ko na lang sayo bukas ung i-rereport mo"

"S-SIge bes salamat"

"Pagaling ka"

Ang Bespren ko talaga mahal na mahal ako. Kaya mahal na mahal ko rin yun e. Biruin mo yun sa kahit anong pagkakataon ako lagi ang inuuna niya. Kaya mas lalo akong naa-attract sa kanya e. Pero pinipigilan ko yun dahil bestfriend ko siya at hanggang dun na lang yun. Oo, hindi ko maipagkakaila maganda siya, sexy, mahaba ang buhok, matangos ang ilong, maputi, hindi ganoong kapula ang pisngi, may dimples sa magkabilang pisngi, may medyo malaking mata pero cute naman, magaling manamit .. at yung pantasya ng kalalakihan. Oo, siya na yun. Kaya nga sobra akong nag-iingat sa Bespren ko.

One time kasi, may makulit na manliligaw ito na ayaw tantanan. Syempre ala-superman ito si ako, kaya to the rescue kapag naiipit siya. Minsan napapa-away pero wala yun sa aming dalawa. Yun lang ang way ko para protektahan ko siya. Napaka-over protective ko ba sa bespren ko. Siguro di naman, sakto lang.

"Jayson, Jayson!"

Si mama nandito na sila. Kasama si papa at si uncle. 

"Oh jayson, bat ganyan ang itsura mo para kang mamahaw na dyan ha" - pagpuna ni uncle sa kalagayan kong parang mawawakasan na ang buhay

"Uminom ka na ba anak ng gamot?"

"Opo, ma."

"Sige, sandali lang at pupunasan kita"

"N-Naku mama, wag na"

Si mama talaga masyado akong bineybeybi kaya yan hanggang ngayon wala pa akong maging girlfriend dahil palagay sa akin mama's boy. Pero hindi naman talaga T_T. Nakaklungkot lang. Pero totoong hindi naman talaga close lang kami ni mama at sobra niyang maalaga sa akin. At syempre sinusuklian ko yun mahal na mahal ko si mama e. 3 lang naman silang babae sa buhay ko e, si Mama, Kapatid ko at si Magdalen kailan kaya magkakaroon ng isa pa yung matatawag kong GF ko.

Naku! nilalagnat nga ako sari-sari nalang ang naiisip ko e. Maya-maya magdedeliryo na ako nito. Bakit ba kasi ako pa ang nagkalagnat. Bakit hindi na lang yung kapit-bahay naming maingay. Na kala mo kung sinong magpatunog ng stereo nila kapag umaga. Nakakbulahaw kulang nalang ng lights at malaking mobile. PARTY-PARTY na talaga. Naku po naman.

"Ate sabel, isama na natin tong si jayson sa atin, at baka mamahaw pa dito yan" - ang pagpupumilit ni uncle.

"Oo nga ihanda na natin ang mga papel nito, tutal marami namang eskwelahan sa atin" - pagsang-ayon ni papa

Nagpantig naman ang pandinig ko. At agad bumalikwas sa pagkakahiga sa kama. 

"Ma, ayokong lumipat ngayon lang naman ako nagkasakit e" - pag-giit ko sa sinasabi nila.

"Anak, siguro ngang mas mabuti ng nandoon ka, ilang linggo ka palang naman pumapasok dito e"

"Pero, ma"

"Anak, mas makakabuti sayo yun"

"Ma, naman e kala ko ba nag-usap na kayo ni tita Mercy?"

"Basta anal hahanda ko na mga gamit mo, may dala naman kaming sasakyan at bukas na bukas aalis tayo"

Basta-basta nalang ba yun at agad kong iiwanan yung mga taong nandito at kasama kong lumaki. Si mama naman e, kala ko okay na ang lahat. Pero tama sila paano kung atakihin ako sa puso dito paano na kaya ako rito? Tama si tito, walang makakakita sa akin, aamagin nalang ako sa isang tabi. Ang saklap naman nun.

Kaya, ayun hindi mapigilan sila mama at papa.. Nakisawsaw pa ang uncle ko at ang lahat ay naging isang pasyang mabilisan. Naka-impake na lahat ng gamit. Lahat-lahat ultimo butas kong brief *Lol :D* sinama pa. Haayy di na talaga sila mapipigilan. Paano nalang yung mga maiiwan ko dito. Agad namang inayos nila papa ang papel ko sa school para makapag-transfer agad sa Batangas. Wala akong magagawa desisyon nila yun at hindi akin. 

*Ang saklap talaga .. paano na bespren ko ... mga barkada ko.. Lahat sila mawawala na sa piling ko. Paano ako nito makakamove-on nakakainis naman oh. Hindi pa ako nakapag-paalam ng maayos. haaayy.. Haaaayyyy... Nakakainis talaga :(

30-day agreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon