Chapter 6 - First Day

102 1 1
                                        

Jayson's POV

Alas-syete ang pasok ko sa unang klase ko. Mahirap para sa akin ang gumising ng mga alas-kwatro ng umaga.

Una, malayo ang school sa bahay namin.

Pangalawa, lagi naman akong late e. Anu pa ba?

At huli, sarap kayang matulog.

Nagising ako ng mga bandang 5:00. Hindi na masama dahil sa unang araw naman, okay lang sigurong ma-late.

Nakarating ako sa school namin ng eksaktong 7:00 at dire-diretso ako sa assigned room namin para sa first subject ko.

Bago pa ako makarating sa room. Tumigil ako sandali. Tsssk. Hindi ko naman alam na nasa 5th floor pala naka-locate yung room namin. Nagmamadali pa ako.

Hingal na hingal ako at noong mahimasmasan pumasok agad sabay upo sa kung saan na lamang na upuan.

“Good Morning class, I am Nilda Catapang, your professor in English101. I am 16 years in my service. I have finished my masteral degree at DeLa Salle Lipa. Blahblahbblah.....”

Hanggang sa patuloy lamang siyang nagpakilala. Wapakels lang ako LOL

Kailangan ba talagang i-highlight ang school?

“Well class for this morning, you will need to introduce yourself infront of the class.”

Tama ba ang narinig ko magsasalita isa-isa sa harapan para magpakilala. -__-

Hindi ako masyadong prepare at syempre first day, kailangan magpasikat.

Sari-sari ang pumapasok sa isip ko. Pano na kaya ako nito. Anak ng Tokwa naman oh!

“I will pick names here in my list”

Hindi pa man nagsisimula ang pagtawag sa mga pangalan ng mga magsasalita, grabe na ang kabang nararamdaman ko.

“Ms. Rowena Bea Munar, please introduce yourself”

Anak ni Batman naman yan oh! English ang language namin hindi Filipino. Argghhh!! Pero Let’s enjoy the show na lang.

“I am Rowena Bea Munar, 17 years old and I am graduated at *tooot* High School. I am residing at Sta. Rita, Batangas City. I am part-time model but not necessarily my forte. I used to sing and I loved it.”

Iba rin ang tindig nitong isang ito. Iba ang aura. Model kumbaga. Napakalum-baba naman tuloy ako sa isang to’. Hindi ko maipagkakaila – maganda siya,  mahaba ang buhok, malobo ag pisngi na medyo mamula-mula, may tangkad na sa palagay ko’y nasa 5’9, at may mga nang-aakit na mata.

Pero hindi ako nagpatinag. Natatabunan pa rin ako ng kaba. Halos lahat na yata ng dugo ko sa aking buong katawan umakyat na sa ulo ko.

“Next, Mr.”

Tugs..tugs...tugs.. Iba na ang kabang nararamdaman ko. Hinala ko ako na ang susunod.

“Mr. Jayson Cruz”

Pero parang nawawala na ako sa aking sarili paano kung mapahiya ako sa harap. Paano na lang.

“Mr. Jayson Cruz”

Tama ba ang narinig ko. Tinawag ang pangalan ko? Ako ba yun?

“Mr. Cruz”

“Yes Mam”

Tama ang propesiya, ako na nga talaga ang magsasalita. Anak ng Tofu!

“Mam, classmates – Good Morning!. I am Jayson Cruz. Just a subtle beyond clothing yet I’m not merely into it. Be one my friends and you’ll know. We are about 1 and half year here in Batangas. I used to transfer when I am about to finish my 4th year high School. By the way, I am graduated as 1st achiever at *tooot* National High School. I have received an award of being the Journalist of the year. Well, don’t worry i’m just a subtle in clothing yet simple beyond existence.

30-day agreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon