A/N: Heyy mga readers ko, kamusta kayo? Hingi lang ako ng favor, react naman kayo jan sa mga sinusulat ko kung maganda ba o hindi. Para naman ganahan ako sa mga updates ko hehe. Makakaasa po sana ako. :))
Salamat sa inyu.
_________________________
Jayson's POV
Tamang tama recess ngayon. May pagkakataon akong makausap si Mary Ann, hindi lang puro sa text. HAHA. Iba rin kaya yung makakadaupangang-palad mo ung taong pantasya mo. (HAHAHA)
Sana this time, wala ng mga epal. Sana talaga. At pag merun na namang epal, eh ano pa bang magagawa ko kundi ang magmukmok na naman sa isang tabi. Pero, yaka yan walang susuko.
Pababa na ako ng hagdan mula sa 5th floor ng aming klase. Nakakailang hakbang palang ako ng may biglang tumapik sa likod ko.
"Prey, musta?"
Mga kaklse ko pala. Kasama yung schoolmate kong si Gem. Nga pala si Gem yung nangngulit sa akin nung time na pinagpapantasyahan ko si Mary Ann habang nakatuktok ako kay Ma-Ann siya tong kalabit ng kalabit sa akin.
Nakikipagkilala sa akin, tinatanong kung kilala ko raw siya. Hindi ko naman talaga siya matandaan e. At sumang-ayon na lang ako sa kanya nung tinatanong niya ako kung kilala ko siya. (kahit hindi naman talaga)
Alam mo ung "FC" si Gem yun pero gusto ko yung pagka-FC niya kasi minsan siya yung way ko para makita ko si Mary Ann. Kunwari walang papel itong si Gem, edi lapit sa akin. Bigay ko naman ng papel sabay tanong sa kanya. "Eh yung mga kasama mo merun na bang papel?"
Dumadamoves ako syempre. Kapag wala syempre delivery pa fresh na fresh galing sa puso ko. Ihahatid ng presko at walang bahid ng kamunduhan. Papel na malinis mula sa puso kong tanging ikaw lang ang sigaw, Ma-Ann. (CORNY!)
Anyway, natutuwa talaga ako sa kanya kahit ganoon. Kahit sa simpleng ganoon lang, akalain mo yun nakakagawa pa ako ng moves. Anak ng Kabayo naman yun oh :D
Si Gem, oo schoolmate ko siya pero hindi ko siya ganoong kakilala. Hindi naman ako lumalabas ng room nung 4th year ako e. At mabibilang mo sa kamay ang mga barkada ko nun. Pero kakaiba itong si Gem akalain mong nakilala pa ako. Iba talaga ang dating ko :)
"Oh eto gutom na kakain na sana ako"
"Sabay ka na lang sa amin malapit lang dyan"
"H-hindi S-s"
"Jayson, sama ka na sa kanila. Tutal naman wala ka pang masyadong kaibigan dito, sila, mapagkakatiwalaan yang mga yan"
Hindi ko pa naman tapos ang sasabihin ko nakasingit na agad si Gem, ibang klase. Siguro, tama nga naman siya wala akong nakakasama sa mga nakalipas na araw simula noong nag-start ang klase namin.
"Ah-Eh Sige"
Agad naman akong napapayag ng hindi alam kung bakit. Hindi ba nila alam hinahanap ko ang prinsesa ko. Nakaka-BV naman oh. Pero, okay na rin siguro atleast may mga bago na akong magiging kaibigan.
At habang naglalakad kami.
"Prey, Kevin nga pala, Kevin Gabo. Ang tagapagtanggol ng naaapi"
"Tol, Louie nga pala. Louie Villena, maliit man sa paningin ngunit nakakapuwing din"
Ibang klase ang mga tama nito. May mga sapak ang utak. Panay ang puri sa sarili. Sigurado masaya tong mga kasama.
"Ah Jayson nga pala mga pare, ang magpapatibok sa puso ni ...."
Muntik na akong madulas kilala pala nila yung sasabihin kong pangalan, anak ng tofu!
BINABASA MO ANG
30-day agreement
عاطفيةkwentong binakuran ang pagmamahaln ng tatlumpong araw. Isang hindi pangkaraniwang pakikibagay sa Pag-ibig ngunit humanap ng paraan para sa isang matagumpay na relasyon ay muling maibalik.
