Chapter 8 - Tampururot

73 2 0
                                        

A/N: Sorry natagalan sa paga-update. Sobrang busy lang. Sana magustuhan niyo. :))))

______________________________________________________

Magdalen’s POV

“HELLO!!! nasaan ka ba, kanina pa ako naghihintay dito oh lintek Arvin”

“Babe, dito pa ako sa biyahe hintayin mo ako. Mabilis na lang to’”

“Arvin, nakakainis na ha aalis na ako dito. BYEEE!!”

Ang lalaking yun anong akala niya sa akin, paghahantayin niya ako ng ganoon, eh mahigit ilang oras na akong nakatambay sa 7-eleven. Naka-ilang slurpy na ako at dunkin’ donut butternut. Nakaka-BV talaga.

Wala akong magagawa kundi ang magmukmok at umuwi. Bahala siya sa buhay niya.

Namimiss ko tuloy ang Bestfriend ko. Kamusta na kaya siya. Last time na nag-usap kami medyo busy siya kaya hindi ko na siya kinulit pa. Sabi niya kakausapin daw niya ako later pagkatapos ng klase niya, pero hindi na yata niya naalala. Namimiss ko talaga siya *sigh.

“Alam mo potpot ikaw nalang ang laging kong kasama kapag malungkot ako wag mo akong iiwan ha”

Sabay kurot sa ilong. Yakap at sabay higa sa kama. Ahh oo nga pala si potpot ang teddybear kong binigay sa akin ng bestfriend kong si Jayson. Malaki, kulay dirty brown, masarap kayakap at dito sobra kong namimiss ang bestfriend ko.

Hindi ko alam kung ano ang history ng pagbigay ni Jayson ng pangalan na yun. Imbes na ako ang magbigay, siya pa ang nagbigay ng pangalan. Pero anyway laking pasasalamat ko sa kanya. Birthday ko kasi nun nung binigay niya.

At kung umasta ang bestfriend ko kala mong siya ang BF ko. HAHAHA. Natatawa nalang ako nung bitbit niya yun papunta sa amin. Eh ano nga bang iisipin ng isang tao kapag may dalang teddy bear ang isang lalaki. Malaki pa.

Hindi ko alam paano tatanggapin yun sa sobrang laki, hindi ko naman mabubuhat yun ng ganun ganun lang. Ang sweet talaga ng bestfriend ko, pinag-ipunan niya yun ng sobra. Naalala ko may gusto siyang bilihin nun pero mas inuna pa niya yung regalo niya sa akin.

Hayyyyyy!! Sobra ko talaga siyang namimiss..

Toot Toot Toot!

Agad agad kong kinuha ang yung nakapatong kong cellphone.

“Bes, kamusta na? Miss na miss na kita. Chat tayo mamaya sa skype mago-online ako! Wala namang pasok bukas kaya pwede akong magbababad sa net. Mga 4pm. I will wait for you! I miss you:)”

Biglang gumuhit sa labi ko ang mga ngiti. Ngiti na kailan pa man ay hinahanap-hanap ko na. Jayson...Jayson, Siya lang nung mga oras na yun ang nasa isip ko. Jayson, kung alam mo lang miss na miss na talaga kita.

Hindi na ako makapaghintay pa ng alas 4, hindi ako mapakali, may pimple pa ako sa noo. Tss...

Tumingin sa salamin, nagtatanong sa sarili kung “ayos lang ba ang aura ko?” HAHAHA. Bakit ba ako ganito, kung sa bagay namiss ko talaga ang bestfriend ko kaya dapat lang na maghanda ako. Pero bakit ganito, iba.

Toot Toot Toot!

Arvin Pogi

Oh wag kayo magtaka si Arvin ang nagpangalan niyan sa phonebook ko. Wala akong magagawa.

“Babe, sorry na babawi ako, nasaan ka ngayon?”

Hindi ko siya nireplayan. Hanggang sa naka-ilang text na siya.  Tumatawag pa!. Wapakels. (Ganito talaga magalit ang babae eh kailangan ng madugong suyuan. hehe)

30-day agreementMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon