Chapter 1 - Manila

181 2 0
                                        

Sino ba sa atin ang hindi naghangad ng maranyang buhay na halos yata ng bagay na gusto mo ay makukuha mo ng walang kahira-hirap. May magarang damit, kotse, mala-mansyong bahay at syempre may isang pamilyang kailanma'y hindi mo maaring ipagpalit, yung bang panghabang-buhay ang palaging kadikit noong salitang pamilya. May mga malulusog na anak may magandang asawa. At dun,  dun ko gustong makapunta sa pinapangarap kong yun.

KRING! KRING! KRING! KRING!

Ang sarap ibato ng cellphone ko.

Alas 5:30 na pala ng umaga, naku late na naman ako sa klase ko nito. Para bang lagi nalang akong ganito, ang bagal ko kung kumilos. Palibhasa kasi wala na akong kasama sa tinitirahan ko. Haayyy isang umaga na naman ang aking sasalubingin. Ang ganda pa naman ng panaginip ko. Magluluto pa, mamalantsa .. Inako ko na lahat ng gawaing pambahay. Kung sa bagay, sino pa nga naman ang gagawa ng ganito. Pero minsan nakakatamad na talaga araw-araw eh. 

Sila mama kasi eh! Iniwan pa ako dito samantalang masaya naman kaming nainirahan dito kahit hindi samin ang lupang kinatitirikan namin. Oo nga pala naalala ko, malapit nang paalisin ang mga taong nakatira rito. Kaya nagpasya ang aking mga magulang na magpagawa ng bahay sa BATANGAS sa probinsya namin kung saan orihinal na nagmula si mama. Bale, dalawa kaming magkapatid, pero ako lang ang naiwan dito sa MAYNILA kung saan nakatirik ang bahay namin sa hindi pag-mamay-aring lupa.

Ako talaga ang nagpasyang magpa-iwan siguro dahil sa kadahilanang 4th year na ako bakit pa ako lilipat diba. Pero pumasok din sa isip ko na, makakaya ko kaya kung dito ako mamalagi? Haaayy!! ang hirap naman ng buhay nakakasira ng ulo. Pero, masaya dito e, oo dito sa manila marami akong kaibigan at lahat sila mahal ako. Kaya nga gustung-gusto kong mamalagi rito e dahil halos lahat ng friends ko ay kaklse ko mula elementary hanggang high school.

MR. CRUZ, Late ka na naman? - bati sa akin ng prof ko ng dahang-dahan akong papasok ng room, hindi ko siya pinansin. Minadali ko nalang ang paglalakad para makaupo na ako sa upuan ko. Nakakatamad naman kasi talagang pasukan ang klase nitong hukluban na matandang ito e. Filipino, tapos 6:30 pa ang start e ang sarap pang matulog nun e. 

"Yan, jayson hindi ka pa nadadala. Pina-pamiskol naman kita lage para maaga kang magising pero bakit lagi kang ganyan?.. Umupo ka na dyan magalit pa sayo yang prof natin." ang pagkakasabi ng aking katabing besfriend na si Magdalen..siya kasi yung laging gumigising sa akin sa mga alanganing oras pinapamiskolan ko ung cellphone ko para magising sa pag-ring, pero hindi yata epektib.

"E-e-e kasi"

"E kasi ano, jayson?"

"MR. CRUZ anong buwan naganap ang unang pangyayari sa nobelang El filibuterismo"

Naku, ang matandang eto, panira talaga ng araw!

"Ahh e sir, aahh NOVEMBER"

"UMUPO ka na Mr. Cruz, kahit kailan ka talaga"

Naku, kung may batas lang na pwedeng pumatay ng titser. Alam mo yun! kakaupo mo lang tatanungin ka kaagad ng pang-ONE MILLION pesos na tanong. Nakakapang-init talaga ng dugo itong titser namin na to'. grrrrr..

RECESS!!!!

"Hoy jayson halika nga rito" pamimilit ni Magdalen sa akin

"oh, anu na namn to', aawayin mo na naman ako, sige na ako na mali, ako na ang late." 

"PLANGAAAAKKKKKKKK"

"AREKUPO!, bakit ba kasi?"

"Pinapatanong ni mama kung kailan ka lilipat sa amin"

"Naku hindi ko pa alam, lilipat ko muna yung bahay namin sa katabi ng bahay niyo. hahaha"

"Puro ka kalokohan e, kelan nga kasi?

"Syempre, pag nagiba na yung bahay namin"

Naku po ang bestfriend ko gusto na akong makatabing makatulog. Oo nga pala pagkatapos magiba ng bahay namin sa kanila ako lilipat. Dun ako titira hanggang sa matapos ko ang 4th yr ko dito sa manila. At pagkatapos nun, hindi ko na alam ang susunod. Mayaman ang bestfriend ko. Malaki ang bahay. Mapera. Lahat na yata ng luho na sakanya kaya nga hindi maipagkakailang siya ang crush ng bayan sa amin bukod sa maganda na may ibubuga pa haha .. Pero hindi ko siya pinaliligawan akin lang muna ang bestfriend ko. 

Ang turingan namin parang magkapatid na tunay na talaga. Ang mama at papa niya ay ninang at ninong sa kasal ng mama at papa ko. Kaya talagang close ang family namin at in-offeran ako ni tita (mama ni magdalen) na tumira sa kanila at agad namang pumayag si papa at mama.

"Pareng jayson, nag-aaway na naman ba kayo ng bestfriend mo?" tanong ng kaibigan kong si Arvin

"Pare, wala yun pinag-uusapan lang namin ung paglipat ko sa kanila" 

"Oo, nga pala pre wala naman tao sa inyo tambay naman tayo dun, jamming jamming!"

"Oh sige ba, pagkalabas natin, diretso tayo dun"

Labasan na at eto na matutulog na ulit ako. Gusto kong matulog ng matulog kaso lang isasama ko pala sa bahay ang mga barkada ko. Tagal na rin naming hindi nakakpag-bonding simula nung unang araw ng klase. 

Eto lang naman ang pamapalipas oras namin e ang mag-gitara. At sabay-sabay kumanta. Si arvin  ang gitarista at si Ryan, Bhar, Ako ang taga kanta. Wala kaming bisyo, maliban sa alak na kung minsan sila ay umiinom pero hindi ako kasali, alam ko kasing bawal sa akin yun e. Mga kaklse ko na tong mga to' since first year High school at lahat sila tunay kong mga kaibigan. Walang iwanan kumbaga. Magkakasama sa hirap at gihawa. Parang mag-asawa lang ang tagpo. Pero kami, masaya kami sa kahit ganitong mga oras na pagita-gitara nalang. Parang walang katapusang ang mga sinatunado naming boses pero masaya kaming nagtatawanan kapag napagke-kwentuhan ang kung anu-anong mga bagay.

Yan ang buhay ko dito sa manila. Bahay, Barkada, Eskwelahan...Wala ng katapusan. Haha pero, masaya ang buhay kaya patuloy ko pa rin tong sinasabayan. 

30-day agreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon