Magdalen's POV
Umaga na pala. Nakalimutan ko pupunta nga pala ako kina Jayson at may ibibigay akong importanteng bagay. Yung report namin, pero alas-9 palang ng umaga kaya siguradong tulog mantika pa yun. Honestly, nakaka-inis na talaga ang bespren ko lagi na lang hobby ang pagtulog.
Kamusta na kaya ang kalagayan niya. Hindi ko maiwasang mag-alaala. Dati kasi nung nagkasakit ako siya ang pumunta sa bahay namin para alagaan ako. Imbes na si mama o kaya ang mga kuya ko ang mag-alaga sa akin, siya pa. Ang lupit talaga ng bespren ko kahit kailan! Kaya nga ayokong nawawala siya sa tabi ko e.
Sobrang OA lang kaya hindi ako magka-BF ng dahil sa kanya pero ayoko rin naman. Pero paano na si ARVIN? my knight-and-shining armor. Hindi ko pa masabi sa kanya ang tunay kong nararamdam. Naku, syempre kapag ginawa ko yun dapat si Jayson ang unang makaalam.
Hmmm, ayokong tawagan si Jayson, makakaistorbo pa ako sa paghihilik niya. S-Surprise ko siya mamaya sa kanila. Dadalhin ko yung paorito naming Dunkin' Donut na Butternut. Oo, adik kami dito e. Minsan nga sa stall ng Dunkin' Donuts, pinapakyaw na namin ang mga natitirang piraso ng Butternut o kaya Choco Butternut. At mamaya bibili ako ng isang box para masaya ang pag-uusap namin.
1:00 na siguradong gising na ang tamad na yun'. Siguradong kababangon lang nun. Pero bakit wala pa akong text na natatanggap sa kanya. Di bale magkikita naman kami mamaya e. Ano nga ba ang pwede kong isuot.
Kailangan ko pa bang mamili? Syempre, ayaw ni Jayson na naka-skirt lang ako ng maikli, ayaw din niyang labas ang kaluluwa ko sa mga suot ko at ayaw na ayaw niyang nakikita yung kili-kili ko. Nakakainis lang! Hindi ko tuloy maipakita kung anong merun ako. Pero, ayos lang yun si Jayson pa, malakas sa akin yun e.
"Yaya, pakikuha naman yung bag ko sa salas yung kulay BLUE"
"Wait lang po"
Oo nga pala hindi ko nasabi mahilig ako sa Blue at lahat halos ng gamit ko ay may koloreteng Blue. Hindi ko alam kung bakit pero ang sarap talaga niya sa mata e. Kahit na ang sabi nila na ang BLUE ay KALUNGKUTAN. Wala akong pakialam, basta maganda ang aura ko sa kulay blue wahahahaha!
"Wow, mam saan naman kayo pupunta niyan"
"Dyan lang kina Jayson, bakit yaya?"
"Kasi kahit anong isuot nyu lutang pa rin ang ganda nyu e"
"Y-Yaya, kumain ka na ba?"
"Oo naman po"
"Di ba sabi ko wag ka ng mangongopo sa akin, Barkada tayo dito diba?"
"Oo nga pala tropa! (sabay apir)"
Totoo naman kasi ang sinasabi ni yaya ang kaso lang may kulang talaga sa akin ang Boyfriend. Well, hindi ko masyadong iniisip yun nandyan naman si Jayson na handa akong laging tulungan.
Tok! Tok! Tok!
Aba ang lalaking ito! Tulog pa yata hanggang ngayon. Pauli-ulit kong kinatok ang pintuan nila pero wala pa ring tumutugon. Halos masira na nga yung pinto nila sa lakas ng pagbayo ng kamay ko.
"Oh, Magdalen" - narinig ko mula sa aking likuran
"Hello Tita! nakita nyu po si Jayson na umalis?"
"Ah si Jayson, naku kaninang umaga pa sila umalis kasam ang Mama at Papa niya lilipat na yata siya ng school, hindi niya pa nasabi sayo?"
Para naman akong binuhasan ng malamig na tubig sa ulo ko ng marinig ko ang sinabi ng tita ni Jayson. Halos tutulo na ang luha ko at uusok na ang mga may butas sa aking mukha ng masambit ko nalang na.
BINABASA MO ANG
30-day agreement
Romancekwentong binakuran ang pagmamahaln ng tatlumpong araw. Isang hindi pangkaraniwang pakikibagay sa Pag-ibig ngunit humanap ng paraan para sa isang matagumpay na relasyon ay muling maibalik.
