Chapter 4 - Pagtingin

67 1 0
                                        

 A/N:

Mayroong POV si Jayson sa Chapter 3. Dun ko naisunod ... Nagkataon kasi na nawalan ng Power sa amin nung araw na ginagawa ko un kaya ayun. Dun ko na dinugtong siave ko lang. Parang auto-save hanggang sa dun ko na nilagay. (kung sakaling namissed nyu lang!)

Well, enjoy reading po. at dont forget to VOTE po salamat

______________________________________________________

Arvin’s POV

Mula pa nung dati hindi ko alam kung anong maroong namamagitan sa dalawa nila ni Jayson at ni Magdalen. Hindi ko naman sila matanong sa kadahilanang wala naman akong kapataan. Oo nga’t kabarkada ko si Jayson pero alam ko kung gaano siya ka protective sa Bestfriend niya kaya alam ko kung saan ako lulugar.

Sa hindi kalayuan nakita ko silang nag-uusap recess nun kaya may pagkakataon akong makipag-usap kay Jayson para hingin ng permiso ang panliligaw ko sa Bestfriend niya. Ang weird diba parang tatay si Jayson.

Pero nung unti-unti na akong papalapit alam kong nagdidiskusyunan sila kaya hindi ko na muna sila inistorbo. Nakita ko si Magdalen binatukan si Jayson. Siguro nag-aaway tong dalawa na to’.

Nung nakakuha na ako ng pagkakataon para kausapin si Jayson. Natatameme naman ako dahil hindi pa naman talaga ako handa sa bagay na yun. Alam ko sa sarili ko na pader ang binabangga ko. Sikat si Magdalen at ako’y isang hamak na mag-aaral lang, ordinaryong kaklase, hindi mayaman, walang magarang pananamit, kotse at kung anu-ano pa.

"Pareng jayson, nag-aaway na naman ba kayo ng bestfriend mo?"  - ang aking nasambit

"Pare, wala yun pinag-uusapan lang namin ung paglipat ko sa kanila" 

"Oo, nga pala pre wala naman tao sa inyo tambay naman tayo dun, jamming jamming!"

"Oh sige ba, pagkalabas natin, diretso tayo dun"

Hindi ko naman namalayan na yun lang ang nasabi ko. Pero, okayna rin kahit papaano merun akong chance para makapag-usap kami ng masinsinan.

Labasan na namin at nakita ko sila ni Magdalen na papunta kung saan sa labas. Kakain pala sila. Parang nilagyan ng bomba ang puso ko at unti-unti na itong sasabog kapag nagkataon.

Sabi naman sa akin ni Jayson na isama ko na lang sina Ryan at Bhar para tumambay sa amin at nakita ko sila sa may court ng school namin. Nanood ng Basketball.

“Mga tol, (high-five) nga pala nagyaya si Jayson na pumunta tayo sa kanila, dating gawi”

“Tol, sige ba ano bang oras?”

“Ngayon na nga tol, pero parang mas magandang manood muna tayo.”

Nanood muna kami ng laban ng varsities sa amin at dito man lang mabawasan yung hinanakit ko sa kanilang dalawa. Tatanggapin ko na lang ba na ganito ako? Na hindi ko na ipaglalaban pa yung nararamdaman ko para kay Magdalen. Anak ng Teteng naman oh! Ang hirap ng patagong umiibig. Araw-araw parang isang napakahirap na pasanin. Kailan ko kaya sa kanya maipagtatapat ang lahat.

Mga alas-2 na noon. Dala ko ang gitara ko papunta kina Jayson, kasam ko si Ryan at Bhar. Bumili muna kami ng mga makukut-kot. Oo, hindi naman kasi kami ganoong ka-wild na kapag nagkikita-kita eh inuman agad. Lakad lang kami dahil mas masaya ang nakaka-bonding ang barkada sa paglalakad.

Pupunain ang bawat babaeng dadaan at saka bibigyan sila ng isang kindat para mapaamo mo. Gayan kami pag nagsama-sama, para kaming nakawala sa sari-sarili naming lungga. Para bang walang katapusan ang banatan. Pagpili sa mga babaeng dadaan. Kapag medyo hindi tripm, binibigay namin kay Bhar. At kala mong pag-aari namin ang kalsada sa sobra naming hagakgakan.

30-day agreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon