Chapter 5 - After one-year

71 1 0
                                    

Jayson's POV

One-year na pala ang nakakalipas. Pero sobrang miss ko pa rin ang mga naiwan ko sa Manila. Naging masaya naman ako rito sa pamamalagi ko sa Batangas. Though, may kulang talaga. Walang araw na hindi siya sumasagi sa isip ko. Haaayy! Kahit na palagian kaming magkatawagan, magkatext at magka-chat sa skype o kya sa facebook - iba pa rin talaga ang makasama mo siyang pisikal.

Nga pala, ako rito nagexcel ako dito ng sobra siguro sa sobrang lungkot ng aking pag-iisa, Aolthough marami naman akong naging kaibigan pero iba pa rin talaga yung mga matagal mong nakasama. Naging 1st achiever ako sa klase namin at samu't saring parangal ang aking natanggap.

Lumaban ako ng ilang beses sa campus journalism at lagi akong nananalo kaya tuwang-tuwa ang mga tister ko sa akin. Hindi ko nga akalain na dito pala ako gagawa ng mabuti. Yung sa late kong pagpasok. Hahaha. Hindi naman maalis yunpero unti-unti ko nang natutunan kung paano maalis yun.

"Hello Bes, Musta na miss na kita. Maya Chat tayo maya sa skype ha bakasyon na naman"

"Jayson, may sasabihin ako sayo."

"Bes, hindi ko pa alam kung makakauwi ako ng Manila this summer pero pipilitin ko promise."

"Hindi yun jayson"

"E-e ano ba yun bes"

"Kami na ni Arvin"

Hindi ko alam ang gagawin ko kaagad kong binababa yung cellphone ko ng walang kaabug-abog. Para akong binuhusan ng isang drum na malamig na tubig. Ang bespren ko may BF na at kabarkada ko pa. Pakshet. Bakit naman ganito?.. Ni' hindi nila ako ininform agad nung nagliligawan pa sila.

Kung sa bagay, nasa malayo ako at tanging makabagong teknolohiya na lamang ang nag-uugnay sa amin para makapa-cccumicate kami sa isa't isa. Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Miss na miss ko na bespren ko pero parang napalitan yun ng ppagkainis ng hindi nila pagsasabi sa akin nung kwento sa likod nun.

Ilang araw pa ang dumaan, ngunit wala pa rin ako sa tamang pag-iisip paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan yung narinig ko mula sa bespren ko. 

Kami na ni Arvin

Kami na ni Arvin

Kami na ni Arvin

Kami na ni Arvin

Argggghhhh!!! para akong pinapatay sa mga katagang iyon hindi ko alam ang gagawin. Haaay ganito ba talaga kapag malayo ka. Ang hina ng radar ko sa pagkuha ng mga natatanging kwento paukol sa kanila. Ang hirap pala noh.

Ilang araw na rin akong hindi nagpaparamdam sa bespren ko. Mas mabuti na rin siguro yun para masanay na siya na kasama lagi niya si Arvin wala na akong magagawa. Malayo ako sa kanila at ang tangi ko nalang talagang magagawa ay tulungan sila kung anuman ang kaya kong gawin. 

Dumaan pa ang maraming araw at patapos na naman ang SUMMER na nakakaboring hindi man lang ako nakapunta sa Manila. Gayunpaman, masaya ang naging bakasyon ko rito yun nga lang medyo umitim ako pero ayus lang lutang pa rin naman ang pagka-gwapo ko (sabay pose ng papogi.)

Oo nga pala magiging isa na akong kolehiyo, ibang mundo na naman ang aking kakaharapin, ibang mga mukha, ibang mga problema, ibang mga tao, ibang mga prof at sana makita ko na dun yung talagang para sa akin, yung matagal ko nang hinhiling kay Lord haaayy nasaan kaya siya. Well, ganyan talaga matuto tayong maghintay dahil dun makikita natin kung gaano tayo kahanda sa mga nakaamba sa ating problema, sa relasyon at sa kung anu-ano pang mga bagay.

Ngunit maliban dito may isa pa akong malaking problema. Anong school ako papasok at anong course ang kukunin ko? Anak ng Teteng! naman yan oh. Parang hinuhukay ang mga drawers ko sa utak. Nakakatanga mag-isip.

Sinisigurado ko na kapag dumating kayo sa point na magco-college na kayo mararanasan nyu rin to' at pressure talaga. Goodluck nalang.

Naalala ko, pangarap pala namin ni Magdalen na makapasok sa UE pero parang malabo nang mangyari yun. Hindi na siya nagpaparamdam at maging ako rin hindi ko na magawa pang magparamdam. Siguro dapat ko nang harapin ang buhay kong nag-iisa na hindi siya kasama.

At nga pla muntik ko nang makalimutan, si Papa pala na sa America na dun siya nagta-trabaho. Siguro dahil sa gipit talaga sa Pinas kaya niya napag-pasyahan mangibang Bansa. Totoong mahirap mahiwalay sa pamilyam, ramdam ko yun sa Papa ko. Pero walang magagawa ganyan talaga ang buhay - matuto nalang tayong makisunod, at marahil dun, DIYOS na ang bahala sa atin.

Sa paggagala-gala ko sa kalakhan ng Batangas City. Marami akong nakikitang magaganda at interesanteng bagay ngunit hindi nga lang ito katulad ng Maynila na batbat ng maraming stalls ng kung anu-anong company. Yung tipong lilingon ka lang sa isang tabi at merun ka ng makikitang MCDOnalds. Yung tipong isang tricycle lang pwede ka ng mag-starbucks. Pero ang laki ng pagkakaiba rito. Kailangan mo munang magbiyahe ng ilang minuto bago makarating sa mga pasyalan.

Eh ano pa nga bang ineexpect ko diba. Pero masaya naman ang naging pamamalagi ko rito kahit papano. Laging pyesta sa kung saan-saan, busog palagi.

Teka, mabalik ako sa problema ko. haaay saan kayang school ang maganda?

"Jayson, Jayson" - pagmamadaling tawag sa akin ng pinsan kong si Lester

"B-bakt?"

"Nga pala pupunta ako bukas sa *toooooot* kukuha ako ng admission exam sama ka sa akin"

"S-Sige kailangan ba may course ka na agad"

"Hindi pa, admission palang naman kapag nakapasa ka, saka mo na pproblemahin yun"

"ah S-Sige anong oras bukas?"

"Alas-otso may sasakyan akong dala, agahan mo nalang"

Kinaumagahan nagising ako ng alas-7 medyo maaga pa sa tinakdang oras na sinabi ng pinsan ko. Pero, ayun naghanda na ako, naligo, nagbihis, kumain, nag-ayos ng sarili at ready to fight na para sa test.

"Jayson, tara na"

Agad naman akong nagpaalam sa aking nanay at humingi ng pera para pangbaon at bayad sa admission exam. 

Nang makasakay na ako sa kotse ng pinsan ko. Hanep talaga. Edi siya na ang may kotse at may magandang GF. Hindi ko tuloy maiwasan mainsecure. May kaya ang pamilya nila, sakto lang parang kalagayan ng estado namin. Oo, hindi ko maipagkakaila mas gwapo ang pinsan ko sa akin  kaya nga sikat siya sa barrio namin eh.

Hindi ko rin kailanganng ipagkaila na crush siya ng bayan e sa tipong chinito ba naman nito at sa sobrang babaero e sino ba naman ang hindi naghangad sa kanya. Ultimo bakla, mga babaeng haliparot sa kanya lahat ang lapit minsan kapag kasama ko siya may iilan ilan rin na natitinag para magpakilala sa akin. At dun hanggang dun lang, laging sa pinsan ko nakatuon.

Oras ng Exam agad kaming pinaakyat sa Culture and Arts Building kung saan sinalubong naman kami ng mga staff ng university. Pinahabilin ang bag namin at siningil kami para sa admission exam. At yun pinaupo na kami isa-isa. Marami kaming nag-exam noon.

Noong oras na malalaman na namin ang result sobrang saya ko na pumasa ako at 88/100 ang scores ko Oha!! yan ang malaking kaibahan sa akin ng pinsan ko HAHAHA. Siya?, Oo nakapasa rin siya. At dito nabuo ang aking pasya na dito na ako papasok at dito ko bubuuin ang aking mga pangarap. 

30-day agreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon