Aila's POV
Sabado nanaman pahinga day namin ni kuya tinanghali ako ng gising kaya medyo nasermunan ako ni mader kanina kaya tumulong na ko sa gawaing bahay .
Di ko pa nakikita si kuya si mama naman nag luluto ng ulam tas si fiona pinag babantay ng baby.
"Aila tikman mo nga kung kulang pa ba sa toyo " sabi ni mama .
Adobo kasi niluluto ni mama .
Kumuha ako ng kutsara tas tinikman ko sabi ko sa kaniya ok na .masarap na ito.
"Sige tawagin mo na sa taas sa terrace yung kuya mo tas sabihin mo kumain na sila "
Napaisip ako sa sinabi ni mama . Hindi ba pumasok si tito bert ngayon? Alam ko may pasok ng sabado si tito ah.
"Kuyaaaa!!!! Kakain na daw sabi ni mama!!!" Sigaw ko kahit di pa ko nakakalapit sa pinto ng terrace . At nagulat ako sa nakita ko!
"Tara kervhin kain muna tayo" sabi ni kuya sa kasama niya. Dug dug dug dug
Puso ano kaba!! .Napatingen ako sa reflection ko sa sliding door ng terrace hala ang gulo ng buhok ko tapos naka cycling lang ako agad akong nag punta sa kwarto ko sa taas para mag panjama tapos nag hilamos ,nag pulbo at nag liptint na din ako para muka naman akong maayos .
Nakakahiya talaga.
"Hoy taba kakain na diba anong ginagawa mo jan sa kwarto mo " katok ng katok si kuya .
Binukasan ko yung pinto at nagtaas siya ng kilay sakin.
"San ka gagala?kakain na ah." Sabi pa ni kuya."Naka panjama ? gagala? Sabog ka kuya?" Tinarayan ko siya tapos bigla nalang siyang tumawa . Luh wala naman sa lahi namin ang baliw .
"Ahhhh okay alam ko na hahahaha!" Ano daw parantanga lang si kuya sinundan ko siya pababa ng hagdan nakita ko dun si kervhin hinahainan ni mama.
"Ambeng kumuha ka ng ulam dun tas lagay mo sa mangkok " nahiya naman ako sa tawag sakin ni mama . Nickname ko kasi dito sa bahay yun pero di ako tinatawag ni kuyang ambeng kasi alam niyang mas ayoko ng dame kasi parang nag mumura lang ung tunog eh parang nagmumura pero ok lang naman.
"Ma Aila. A-i-l-a" sabi ko pa kay mama. Di naman ako pinansin ni mama at si kuya naman mukang nag pipigil ng tawa . Luh problema neto paepal amp.
"San ka nga pala nakatira hijo " pag basag ni mama sa katanimikan sa hapagkainan .
Kitang kita ko yung pag lunok ng Adam's apple ni kervhin bago siya magsalita shittty seductive niya mashado. " ahm sa Baryo Maligaya po tita malapit lang po dito sa inyo" tas tumango tango si mama.
"Siguro may kaya ka ano gwapo mo kasi, tapos maporma ka pa . Di ka naman pihikan sa pagkain?" Sarcastic tone na si mama pero agad namang sumagot si kervhin.
"Hindi po tita ang sarap nga po ng niluto niyo" mukang natuwa si mama sa pangbobola ni kervhin sa kaniya sinabi ni mama na kumain lang ng kumain si kervhin at wag mahihiyang bumisita ulit . Pero ang nakaagaw ng pansin sakin yung tingen sakin ng kuya ko sakin nakakaloko kasi yung tingen niya parang nangaasar.
Binigyan ko siya ng 'Anong-Problema-mo-Look' ."Mama si gab oh" nakalimutan kong katabi nya nga pala si kervhin nahiya naman ako napayuko ako.
"Gabo nasa harap ng pagkain mamaya na kayo mag bangayan!" dinilaan ko si kuya tapos nagpatuloy na kami sa pagkain. Ininterview pa nga ni mama si kervhin kung ano ano ang tinatanong tas nasa isip ko kunyare nililigawan ako ni kervhin tapos iniinterview siya ni mama hihihihi kinikilig ako teh!!.
YOU ARE READING
Unintentionally
RandomThere's a girl , a positive thinker , a girl who always were a smile on her face She was jolly , noisy, humorous and positive person But the truth is deep inside It was opposite because of the problem and sacrifices she never showed to anyone abo...