Prologue

61 10 10
                                    

Tahimik at patagong sinusundan ng dalawang nakaitim ang isang babaeng nagmamadali at palingat-lingat na patakbong naglalakad sa isang madilim na eskinita sa ilalim ng malakas na ulan.

"Ma-may nakasunod pa din sakin? Hindi ma-maari!" Takot na takot at nanginginig na sambit ng babae habang mabilis itong naglalakad.

Makikita sa bandang dulo ng eskinita ang maliwanag na daan na ang hiwatig ay ligtas na ang babae sa sumusunod sa kaniya ng biglang..


*Iyak ng sanggol*

"Ma-may sanggol!?" Gulat at takot na takot pa rin na usal ng babae.

Agad na nahinto ang babae sa pagmamadaling maglakad dahil sa narinig nitong iyak ng sanggol. Agad naman niya itong hinanap buhat ng pagaalala para dito. Habang nakayuko na naghahanap ang basang-basa na babae sa eskinita ay may napansin itong hugis taong anyo sa dilim habang dahan-dahan niyang inaangat ang tingin sa madilim na anyo na nasa harapan niya.

"Pa-pasensiya na, ma-may iyak ng bata banda rito, nakita mo ba yung sa-sanggol?" Maamo at halatang natatakot na tono ang maririnig sa boses nito.

Hindi sumagot ang ngayo'y naging dalawang hugis tao na nasa harap niya. Marahang umaatras ang babae palayo habang naghihintay sa tugon ng mga ito.

Ilang segundo pa ang lumipas ay walang salitang narinig ang babae bagkos ay naglakad ang isa sa nasa harapan niya ng dahan-dahan patungo sa kaniya. Patuloy na umaatras ang babae, palingat-lingat ito at hinahanap ang sanggol na narinig niya kanina. Makailang hakbang paatras ay muli niyang narinig ang iyak ng sanggol ngunit...

*Iyak ng sanggol*

Nanlaki ang mga mata ng babae at natigil sa paggalaw sa gulat ng marinig niya muli ang iyak ng sanggol mula sa direksiyon ng dalawang nasa harap niya.

Habang nanlalaki ang mata at tulala ang babae ay patuloy na naririnig nito ang iyak ng sanggol. Ilang segundo pa at bumungad sa babae ang isa ring babae na patuloy na umuusal na wari'y isang sanggol. Dahil sa matinding gulat at makatindig-balahibong takot ay natumba ang babae mula sa pagkakatayo nito.

"Kung may sanggol dito, hindi ko 'yon ibibigay sayo. Bakit? Kasi 'yon ang dahilan kaya ka namin sinusundan." Matapos magsalita ng babae ay naglabas ito ng libro.

Nang sandaling mailabas ang librong 'yon ay nagliwanag ang noo ng nakaupong babae at kasabay nito ay ang pagbunyag ng mukha ng kasama ng babae na isa lalaki.

"O, ayan na. Matutupad mo na ang pangarap mo na magkaanak tayo, mahal ko." Malambing na sambit ng lalaki sa babae.

"Oo nga eh, hindi na ako makapaghintay!" Tuwang-tuwa na halakhak ng babae kasabay ng lalaki.

Tatakbo na sana ang nakaupong babae sa sahig ngunit mabilis na tinulak ng lalaki ang tatakbo na sana na babae at inapakan ito sa likod para hindi na makatayo.

"Maawa kayo, wala akong ginawang masama kahit kailan. H'wag niyo ako patayin, nakikiusap ako!" Umiiyak at maamong nagmakaawa ito sa lalaki.

Makikita sa mata ng lalaki ang pagdadalawang isip ng sandaling marinig ang mga salitang 'yon.

"Ano ba, bilisan mo na diyan! Gusto ko na umuwi!" Pagiinarte ng babae.

Agad namang hinampas ng kamao ng lalaki ang babae sa batok at nawalan ito ng malay.



..............



-Sa Isang Madilim na Kwarto-


Hiniga ng lalaki ang walang malay ng babae sa isang mesa at kasunod no'n ay gumuhit ito ng pabilog na may kakaibang disenyo paikot sa katawan ng walang malay na babae. Agad naman na inabot ng babae ang librong hawak niya sa lalaki at nagsimula itong bumasa ng mga salitang kakaiba. Sumunod roon ay may unti-unting madilim at makapal na usok ang lumalabas mula sa bilog na ginuhit ng lalaki at dahan-dahan rin namang lumulubog ang nakahigang babae patungo sa kung saan habang masaya at hindi mapakaling pumapalakpak ang babaeng nanonood sa likuran ng lalaki.

"Tapos na ba? Tapos na ba?" Masaya ay natatarantang sambit ng babae sa likod habang nanonood sa lalaki.

"Malapit na mahal." Tugon ng lalaki.

Makailang saglit pa ay may lumitaw na umiikot, madilim at wari'y isang portal sa harap ng lalaki.

"Maaari ka na humiling, mahal ko."

"Talaga? Sa wakas, hindi ko na problema ang pagiging baog ko, haayys. Osige, ehem! Gusto ko na magkaanak kami ng asawa ko, ngayon na!"

Walang itong narinig na sagot mula sa itim na bagay na nasa harap ng lalaki bagkos ay naglaho lamang ito.

"Hindi na ako makapaghintay, ano naman kaya mangyayari ngayon?" Pumapalakpak at masayang sambit ng babae.

Nagulat ang dalawa ng biglang may narinig silang iyak ng bata sa bandang pintuan ng kwarto.

Agad nila binuksan ang pinto para tignan ang sanggol sa likod ng pinto. Nang sandaling buksan ng babae ang pinto ay tumahimik ito habang tinitignan ang sanggol na nakabalot sa tela sa loob ng bilugang kahoy na lalagyan. Biglang may tumulung luha sa mga mata ng babae at agad niya ito binuhat.

"M-may anak na tayo, mahal"




.................................

Thank you for reading this Prologue, I hope you'll enjoy my Story, The Key Sphere Holder's. Please leave message guys. H'wag kayong mahiyang magcritic, I will humbly accept it. :)





Copyright 2020 @All Rights Reserved

The unauthorized reproduction or distribution of this copyrighted work is a crime punishable by law. No part of this book may be scanned, uploaded to or downloaded from file sharing sites, or distributed in any other way via the Internet or any other means, electronic or print, without the Author's permission.

Key Sphere HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon