Chapter 23: The Goddess

5 1 0
                                    





World of Arctharia
Unknown Dimension
October 2, 1016 A.N.E.
03:48 PM




JASMIL'S P.O.V:




"Pagkakataon na natin, Jasmil." Dreiko.

"H-huh?"

Ano tinutukoy niya? Nagawa na niya ang plano namin ahh? Teka....

"Cyron, maari ka ba gumawa ng clone nating lahat." Pakiusap ni Dreiko.

"O-oo naman.... Para saan??"

Hindi na sinagot ni Dreiko si Cyron sa tanong nito, at patuloy siyang nagbigay ng mga gagawin... Ano kaya pinaplano ni Dreiko?

"Pakiusap, sumunod muna kayo sakin. Magpapaliwanag ako kapag natapos na 'to. Ito lang ang pagkakataon natin." Seryosong wika ni Dreiko.

Nagtinginan kaming anim matapos marinig ang sinabi ni Dreiko. Kaibigan ko si Dreiko, kaya walang dahilan para humindi ako..

"Sige, sabihin mo ang mga gagawin namin."

"Salamat. Cyron, magiwan ka ng mga Clones natin sa kinatatayuan natin tapos sumunod kayo sakin."

"Cge, Blood Clone!"

Matapos magsummon ni Cyron ng clones naming pito ay sumunod kami sa likod ni Dreiko habang tumatakbo ito papunta sa kung saan.

Ilang saglit pa ay nakarating kami sa likod ng mataas na hagdan kung nasaan nakapwesto ang lagusan na pinasok ni Gilrosa. Agad naman kaming pinaupo at pinagtago ni Dreiko at walang ingay na naghintay sa kung ano man ang susunod na mangyayari...

Ano kayang naiisip ni Dreiko at pinagtatago niya kami, sigurado ako na hindi kami ipapahamak ni Dreiko, pero ang hindi ko sigurado ay kung ano ang susunod na mangyayare. Ang alam ko lang sa ngayon ay nagtatago kami kay Gilrosa.

"Malapit na siya bumalik." Bulong ni Dreiko.

"Ano ba gagawin nat--!" -Sana

"Shhh!"

Ilang segundo lang ay nakabalik na si Gilrosa mula sa lagusan at masaya itong bumaba papunta sa mga clones namin.

"Diba? Sabi ko naman sa inyo ligtas eh."

"Cyron, palakarin mo papunta sa lagusan ang mga clones mo..." Bulong ni Dreiko.

Matapos tumango ni Cyron, pinalakad niya ang mga clones papunta sa lagusan...

"Pumasok na kayo, naghihintay na ang panginoon sa pagdating ninyo." Masayang wika ni Gilrosa.

Umakyat ang mga clones papunta sa lagusan habang si Gilrosa naman ay naiwan sa baba.

Seryoso lang na nagmamantyag si Dreiko habang kami ay tahimik na naghihintay. Maya-maya pa ay nakapasok na ng tuluyan ang mga clones sa lagusan habang si Gilrosa naman ay naiwan sa dimesyon kasama namin. Ano na ngayon? Wala na yung mga clones, ano sunod mong gagawin Dreiko?

Ilang saglit muli ay kumilos na si Dreiko at sa wakas magiging malinaw na ang lahat, sana... Naglakad si Dreiko papunta sa kinaroroonan ni Gilrosa.






...............






"D-Dreiko?? Paanong--?" Gulat na tanong ni Gilrosa na kanina ay nakangisi pa.

"Mahusay Dreiko! Hahahaha!" Tuwang-tuwa si Cyron.

"Tulad ng inasahan ko." -Dreiko.

Agad na nilabas ni Dreiko ang espada niya at tinutok ito kay Gilrosa na ngayon ay gulat na gulat sa mga nangyari.

Key Sphere HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon