Chapter 17: Lets Find Caster

13 2 0
                                    





World of Arctharia

Nightshade Mountain

September 12, 1016 A.N.E.

01:54 PM







JASMIL'S P.O.V:







Patuloy kaming umakyat sa bundok papunta sa isang kweba para magtago sa mga Demi. 


"Fire Ball." Usal ni Hyun na agad namang gumawa ng liwanag sa kweba.


"Dumito muna tayo. Kailangan natin magpahinga." Wika ni Dreiko.


"Maglalagay lang ako ng talisman seals sa labas." Sabi ko.


Agad naman akong lumabas para mabilisang magbasbas ng talisman na isinabit ko sa entrance ng kweba at bumalik sa loob.


"Sapat na siguro ang pwesto natin para makapagsimula na si Hyul." Ani Hyun.


"Magiging ligtas tayo dito. Ikaw na ang bahala, Hyul." Nakangiting sabi ko.


"Sige, magpahinga lang muna kayo. Ako na ang bahala." Tugon niya.


"Archaic Bats!" Ani Hyul.



Agad namang naglabasan mula sa lupa ang mga itim na paniki at lumabas sa kweba. Ang mga paniking sinummon ni Hyul ay maghahanap sa labas ng mga lugar na maaaring bahayan ng hinahanap naming Caster.


Habang nakapikit na nagco-concentrate sa Hyul malayo sa amin, kami naman ay nagpapahinga lang sa gilid. Pagod na pagod ang ilan sa amin dahil sa walang humpay naming pagtakbo at isa na doon si Sana na mahina ang stamina. 



"Saan kaya banda dito yung Caster? Kanina pa tayo umaakyat pero hindi pa din natin nakikita ang kuta niya." Ani Cyron.


"Sa tingin ko wala siya sa mismong ibabaw ng bundok." Seryosong wika ni Hyun.


"Ayos ka lang ba Sana?" Tanong ko.


"I'm fine, I'm just tired." Tugon niya.


"I see, napa-english ka eh. Hehehe." Sabi ko.


"Magkokonsumo tayo ng maraming oras sa paghahanap sa Caster, buti na lang nandito si Hyul para mapadali ang paghahanap natin." Ani Dreiko.


"Ang laki pa naman ng bundok na 'to. Kung lilibutin natin 'to, kulang pa ang isang araw at isama mo pa na may nagkalat na mga Demi sa daan." Dugtong ni Cyron.

Key Sphere HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon