Chapter 18: Battle at the Mountain

14 2 0
                                    


World of Arctharia
Nightshade Mountain
September 12, 1016 A.N.E.
04:48 PM







JASMIL'S P.O.V:








Tumalon pababa ang caster at elegante itong tumayo matapos lumapag sa harap ng palasyo niya.


"Maligayang pagdating sa aking kaharian. Ako si Ranscen Dio Worhon, ang ikapitong prinsipe ng bansang Teolomath.  Ikinatutuwa ko ang kusang pagbisita ninyong dalawa, Key Sphere Holders." Wika ni Ranscen.


"Kung ganon ay alam mo pala na nandito kami." Sambit ko.


"Nasa teritoryo ko kayo kaya natural lang na malaman ko kung sino ang aapak at lalabas dito. Ganunpaman, ipagpaumanhin ninyo ang magaspang na trato sa inyo ng aking mga tauhan, lalo na sa dalawang pinakahinihintay kong mga bisita." Tugon ni Ranscen.


"Nandito kami para tapusin ka. Hindi ka na ulit makakapag-alay ng mga tulad namin dahil ito na ang huling araw mo, Caster!!" Galit na sigaw ko.


"Tapusin?" Maikling tugon niya.



Yumuko lang ito at nagpamewang. Ilang saglit lang ay..



"HAHAHAHAHA!! Nakakatawa ang biro na 'yon! HAHAHAHAHA!!   .............   Ehem, pasensiya na. Sigurado ba kayo na kaya niyo ako talunin?" Ani Ranscen.



Hindi na kami sumagot sa mga tanong niya at sabay-sabay namin sinugod ni Hyun, Mordis at Dreiko ang Caster sa magkakaibang direksyon.



"Wild Vines!" Ani Mordis.




Mabilis na nagtibagan ang sahig sa ilalim ng Caster at naglabasan ang malalaking mga vines at akmang papunta sa Caster. Ilang saglit lang ay nabalutan ng vines ang Caster mula paa hanggang leeg pero hindi ito gumalaw sa kinatatayuan niya at nakayuko lang 'to. 




"Lightning Beam!" Sigaw ni Dreiko na naglabas ng kidlat mula sa espada direkta sa Caster.




*BOOOMMMH*




Sumabog ang Caster kasama ang mga ugat at agad naman na sinundan ni Hyun ito ng skill.



"Fire Blast!" 



..............



*BOOOOGSHHHSHH*




Mabilis rin na sinabugan nito ang Caster.

Key Sphere HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon