Chapter 24: Meanwhile in Divinus

2 1 0
                                    






Divinus
October 2, 1016 A.N.E.
04:23 PM




SANA'S P.O.V:




Haaysss okay na rin muna magstay dito, safe at komportable at ang lambot pa ng higaan hihihi. I like this room and bed and lamp and curtain and floor matt and fresh breeze and everything. Fitted siya para sa akin. Baka kuwarto ko talaga to?

Kasalukuyan akong nasa isang kwarto na mag-isa lamang at nagpapahinga sa malambot at malinis na higaan habang ine-enjoy ang malaroyalty-like na ambiance ng kwarto at ang maninipis na putong kurtina na sumasayaw sa hangin.

Three days kami mags-stay dito. Ano kaya mga gagawin namin sa mga araw na yon? Wait lang, kung three days kami ibig ba sabihin noon first day namin ngayon? Edi may two days na lang kami? O baka start nun bukas pa, edi kung ganon nga, may three days pa kami o baka iba ang oras dito? Since isang dyosa ng oras kasama namin? Baka ang isang araw ay katumbas ng isang linggo? Edi kung ganon paano na ang mga taga Renderick? Baka maubusan sila ng Talisman? Ahhhrggg!! Sana pala nagtanong ako sa dyosa tungkol dito.... Ang sakit ng ulo ko...

"Ano kayang ginagawa ng iba? Si Jasmil may bago ulit siyang abilidad at bet ko pa naman sana pero okay lang, gagamitin ko lang naman yun para maglibang kaya mas maganda na siya ang gumamit... Saka kailangan niya rin yon since madalas siya nakikipaglaban kesa sakin. Sa pangalawang dyosa na lang ako tatanggap ng holy weapon na para sakin."


Haaayss ang boring pero ang peaceful... Tungkol sa Sericeus na holy weapon, honestly medyo nanghihinayang din naman ako. Pero kung ang pagbabasehan ay kung paano gagamitin ng maayos at mahusay yun, mas maganda pa rin ang naging desisyon ko na ibigay kay Jasmil at buti na lang talaga siya ang nanalo sa toss coin. Pero kung sakaling ako ang nanalo sa toss coin, edi okay lang din. Baka magalit pa sakin si Jasmil kung pipilitin ko ibigay sa kaniya.

Si Dreiko naman, hindi ko magets kung bakit parang naging frustrated yata siya? O may iba pang dahilan. Pero feeling ko nakakaramdam siya ng pagkadown sa sarili niya since may nagawa siyang mali... Actually its understandable. Nagawa niya lang naman yon kasi hindi siya nagtitiwala kay Gilrosa, I mean pati din kami, kung safe ba na magtiwala sa kaniya. Akala ko talaga tatapusin niya si Gilrosa, gosh. Nakakatakot pala magalit ang future jowa ni Jasmil. Pero ang cool niya doon... Actually... Pero syempre hindi ako machacharm sa kaniya since mas bet niya si Jasmil. Meron na akong Mordi--- pweh! Ano ba tong pinagiisip ko! Pero okay naman sana si Mordis... Baka kasi kapag naging kami nun tapos mangyare yun.... Haayss... Ewan! Bahala na!

Sobrang bored na, gusto ko naman maglakad-lakad since nakapahinga na rin naman ako.

Matapos ng ilang minutong pagmumuni-muni ay lumabas ako para puntahan sila Hyun at Hyul. Siguro naman nakapagpahinga na rin sila..

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay narating ko na rin ang silid ni Hyun.

"Hyun!"

Agad kong binuksan ang pinto ng walang pasabi at pumasok sa kwarto ni Hyun.

"Sana, pasok ka. May kasama ka ba?"

"Wala, ako lang. Oh! Nandito ka rin pala Hyul."

Nagulat akong nandidito rin si Hyul sa kwarto ni Hyun. Well, magkapatid sila so dapat hindi na ako nagulat kung magkasama sila.

"Hi Sana! Buti pumunta ka, nagbake ako ng mga cookies and cakes!" -Hyul.

"Wow! Mukhang nakukuha mo na kung paano gumawa ng cookies and cakes ahh."

"Ahh hehehe madali ko na lang sila nagagawa ngayon pero hindi ko pa din makuha yung lasa ng ginagawa mo hehe."-Hyul.

"Yum! Ang sharap neto! Malapit mo na maperfect Hyul! Saan ka pala nakagawa neto? Sana sinama mo ako!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Key Sphere HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon