Chapter 9: The Legendary Wizard

14 5 0
                                    


Arctharia 1016 After Nepholion Era
Renderick, Eastern
09:58 AM






JASMIL'S P.O.V.:






"Lumang luma na ang Ruins, hindi kaya gumuho yan?" Sabi ni Cyron.



Chine-check namin ang labas ng Ruins. Mabilis mabakbak ang pader at butas butas. Pwedeng gumuho to 'pag yumanig lang kahit konti. Tsk tsk. Paano kami nito papasok. Hindi na siya ligtas. 



"Hmm... Mahina na ang pader. Mapanganib ang pumasok." Sabi ni Dreiko.


"Kung sakaling masira ang Ruins, makakagawa kami ni Sana ng metal at ice na bubong. Ligtas tayo sa loob nun.


"Ingatan na lang din natin na hindi masira ang pader." Sabi ko.



Pumasok na kami sa loob ng Ruins. Maingat kaming naglalakad sa daan. Napakadaming alikabok kahit saan at may malalaking gagamba pa. Maririnig mo sa loob ang tahimik na paligid. Maya maya pa ay may hagdan pababa at madilim. 



"Madilim sa baba." Sabi ko.


"Gagawa ako ng liwanag." Sabi ni Hyun.


"Fire Ball." Sabi niya.



Matapos nun ay bumaba na kami sa hagdan. Nakakatakot ang aura ng lugar. Pakiramdam ko ay may mga nakatingin samin mula sa dilim sa kalayuan. Malawak ang baba at maraming poste na sumusuporta sa mataas na kisame. Maingat lang kaming naglalakad habang nakapwesto sa line-up namin. 



"Ahh!" Gulat ni Sana.


"Ano nangyare, Sana??" Tanong ni Cyron.


"M-may ahas!" Sabi niya.


"Ayos lang Sana, hindi naman delikado yan." Sabi ni Dreiko.


"S-sige." Natatakot na sabi ni Sana.



Habang naglalakad kami ay may nakita hagdan ulit pababa at bumaba rin kami. Malalim na ang binabaan namin. Sa ibaba ay may  malaking Gate na lumang luma na.  Dahan dahan naming binuksan ang gate. Pagkabukas namin ay tumambad samin ang isang maliit na silid na may mga pintuhan sa kaliwa, kanan at unahan.


Una naming pinasok ang nasa kaliwa. Walang laman ang silid pero may napansin laming mga nakaukit na larawan sa pader. Makikita dito ang malawakang pagbaha na katulad ng nakita ko bago ako mapunta dito. Meron ding sira sirang buildings na kamukha ng mga gusali sa Earth. Meron ding nakaukit na ulap. Kamukhang kamukha ng mga nangyare sa amin ni Sana. Mukhang nandito na nga talaga ang sagot sa tanong namin. Sa wakas ay makakauwi na kami. Sobrang namimiss ko na sila Mama. Ilang sandali na lang, sana may makita kaming sagot dito.

Key Sphere HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon