Chapter 13: The Festival

11 5 1
                                    



World of Arctharia

Renderick, Castle

June 12, 1016 A.N.E.

11:48 AM







After two days....





JASMIL'S P.O.V:




Finally nagkaroon na din ako ng idea kung ano ang exact date dito sa Arctharia.


Ano nga ba ang big event today? Beware readers, because today is the 805th Founding Anniversary ng Renderick. Exactly June 12, 1016 A.N.E. at dahil democratic ang bansang Renderick, ang pabor ay para sa mga mamamayan at ang types of celebration ay depende sa kahilingan ng nila. So today ganito ang magiging set-up:


12:00 PM -Ceremony and Grand Opening with Fanfare Trumpets sa pangunguna ni King Weilmortin. Ever since ganito talaga ang opening.


12:30 PM - 08:00 PM -Festival and Competition and Different Entertainments sa ibat ibang lugar na mula sa ibat ibang hiling ng negosyante at mamamayan ng Renderick.


10:00 PM -Rank Battle. Test of Strength na para naman sa mga magic knights at ako ang nakaisip nito para sa mga iniidulo kong mga magic knights. Gusto ko din ipakita sa mga mamamayan na hindi nila kailangan matakot sa mga Demi. May 20 piling mga magic knights ang magpapaligsahan sa paramihan ng kills ng Demi hanggang 10:10 PM. Syempre involve ako para basbasan ang weapons nila at may 5 Arbiter at 10 Medics na titingin at magbabanatay para sa kaligtasan nila. Ito ay gaganapin sa temporary arena ng Capital at syempre manunuod lahat kahit mga mamamayan ng Renderick mula sa malaking stage.


11:00 PM -Grand Fireworks ang pinakahinihintay ng lahat.



Kasalukuyang nagpe-prepare ang Hari bago sumapit ang 12:00 PM at ang lahat ng mamamayan ay nakatayo sa gitna ng Capital. Makikita sa unahan ang malaking stage na may nakaorganize na magic knights hawak ang malalaking Trumpets. Ang bongga ng stage, makulay, magarbo at may maliit ng podium sa gitna na mukhang pupuwestuhan ng Hari para magsalita. Magkakasama kami ngayong pito at sobrang excited sa pagsisimula ng Festival.




.
.
.
.
.
.



Maya maya pa ay nag alas dose na rin at nagpakita na ang Hari papunta sa podium niya.


"Magandang Araw, mamamayan ng Renderick! Maraming salamat sa pakikilahok sa selebrasyong ito. Magdiwang ang lahat dahil ngayon ay Opisyal ko nang inaanunsyo ang pagsisimula ng 805th Founding Anniversary ng Bansang Renderick!"



*Loud Fanfare Trumpets Playing all over*


*Colorful Confetti all around*


Key Sphere HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon