Chapter 15: Preparation Days

10 5 2
                                    


World of Arctharia
Renderick, Castle
July 20, 1016 A.N.E.
02:16 PM





SANA'S P.O.V:





"Oo nga no? Dalawa ang emblem mo, girl!" Sabi ni Jasmil.


Nagulat din ako na dalawa ang emblem ko. At mas lalo ako nagulat ng marealize kong bumalik ang Ice Emblem ko!!


"Bumalik ang Ice Emblem ko, Guys!!!" Sigaw ko sa tuwa.


"Congrats, Sana. Masaya kami para sa'yo." Sabi ni Hyul.


"Baka bumalik yan nung pinasahan ka ni nanay Dolor tapos nabuhay ulit dahil sa Wild Emblem?" Tanong ni Dreiko.


"Siguro, baka apektado ng Wild Emblem mo ang Ice Emblem." Dugtong ni Hyun.


"Baka natutulog lang emblem mo simula ng insidente sa Vagabond Mist!" Dugtong si Jasmil.


"Hindi na mahalaga 'yun, ang mahalaga ngayon bumalik na ang Emblem ko!!! YEEYYY!! HAHA!" Masayang sigaw ko.


Bigla kong hinawakan ang kamay ni Mordis at nagtatatalon sa saya sa loob ng karwahe. 


"Bumalik na ang emblem ko!!! Hahaha! Sobrang saya ko!!" Masayang pagdidiwang ko.


Napansin kong nakatingin sa amin sila Jasmil kaya nagulat ako sa ginagawa kong paghawak sa kamay ni Mordis.


"S-sorry, Mordis..." Sabi ko.


"Hahaha ayos lang Sana." Tugon niya.


"Ehem!" Umubo si Jasmil.


Agad naman akong bumitaw ng marinig kong umubo si Jasmil. Gosh, nakakahiya ka Sana!!!





18 Days later....





Makalipas ang maraming araw na paglalakbay ay nakabalik na ulit kami sa Renderick. Agad naman kaming pumunta sa Capital para bumili ng maliit na altar at mga bulaklak para kay nanay Dolor.


Matapos namin ihanda ang altar sa Dorm ay hinayaan muna nila ako mapagisa sa kwarto para ipagpanalangin si nanay Dolor. 





Few moments later...




Lumabas ako na masaya at maganda, i took all my time para bigyan si nanay Dolor ng maayos na altar at nagpaganda na rin ako.

Key Sphere HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon