Chapter 16: Into The Nightshade Mountain

9 2 0
                                    




World of Arctharia
Renderick, Castle; Cyron's Balcony
August 28, 1016 A.N.E.
08:45 AM







JASMIL'S P.O.V:






Magaalas nwebe ng umaga at naglalakad kaming anim papunta sa balcony ni Cyron na kasalukuyan namang nakaupo siya doon at nagkakape.



"Good Morning, lumamig na yung mga kape para sa inyo. Ipagpapatimpla ko na lang ulit kayo." Wika ni Cyron.


"Good Morning din, Cyron!" Masayang bati ko.


"Pasensiya na, Cyron. Medyo napahimbing ang tulog ko kaya hinintay pa nila ako." Ani Sana.


"Ayos lang, walang problema. Hahaha!" Tugon ni Cyron.



Nagtitinginan kaming anim ngayon at sumesensyas na sabihin na sa kaniya ang tungkol sa pinagusapan namin kagabi. 


"Umupo na muna kayo, h'wag na kayo tumayo d'yan." Ani Cyron.



Umupo kami sa upuan paikot sa malaking lamesa ni Cyron at pare-parehong nakaharap sa gitna. Walang umiimik sa amin at kunware ay may mga ginagawa sa pagkakaupo. Haayss... ako na nga magpapasimula, ako rin naman nagopen ng issue na 'to e!



"C-Cyron? May sasabihin si Sana sa'yo. Go na Sana!" Sambit ko.


"A-ako? B-bakit ako?!" Tanong ni Sana. "S-Si Hyun, may sasabihin daw, Cyron."


"W-wala! Wala akong sasabihin ahh!" Tugon ni Hyun.


"Ako na magsasabi." Ani Dreiko. "Cyron, may gusto kaming anim na sabihin sayo."


Ito na nga! Ayoko na makinig! Feeling ko may hindi magandang mangyayari! 


"Cyron, gusto ka namin makausap tungkol sa'yo." Ani Dreiko.


"Ano paguusapan natin tungkol sa akin?" Tanong ni Cyron.



Ito na, pakiramdam ko masusuka na ako sa sobrang kaba. Baka maoffend namin si Cyron o magalit siya samin. Nakakahanga ang courage ni Dreiko para i-open ang topic kay Cyron, lalo ako nacha-charm sa kaniya. Be careful, Dreiko.



"Mapanganib ang gagawin nating mission at maaaring malagay sa peligro ang buhay natin. Ikaw ang pinaka-iniisip namin simula pa nakaraang linggo dahil ikaw ang prinsipe. Lahat kami, honestly, ay naiilang na kausapin ka tungkol dito kasi baka maoffend ka namin, pero hayaan mo sana kami na sabihin muna lahat ng gusto namin sabihin para sa'yo." Paliwanag ni Dreiko.

Key Sphere HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon