Chapter 21: Encounters

5 1 0
                                    

World of Arctharia
Douth-East Valley: Forest
September 22, 1016 A.N.E.
05:12 PM



JASMIL'S P.O.V:



Matapos namin maglibot sa nakakamanghang lugar ay hindi na kami nagpatuloy sa paglalakbay pabalik at nanatili na lang sa nasabing lugar.

"Pwede ba natin dalhin 'tong buong lugar sa Renderick?" Tanong ni Sana.

"Natural, hindi. Kung sobrang namamangha ka sa lugar na 'to, kumuha ka na lang ng sanga ng puno." Tugon ko.

"Anong gagawin niya sa sanga?" Tanong ni Hyun.

"Souvenir, dejoke lang haha." Dugtong ko.

"Syempre nagbibiro lang ako, ikaw talaga Jasmil! Ahe-he-he-he-he-he" Parang-sira na wika ni Sana.

"Dito na tayo magpalipas ng gabi. Maghahanap lang kami ng ipapangsiga, kayo na ang bahala sa matutulugan." Sabi ni Dreiko.

"Sige, Dreiko. Magiingat kayo, medyo madilim na." Tugon ko.

Tuluyan ng umalis sila Dreiko at Mordis habang kami naman ay naiwan at nagsimula na ring magasikaso.

.
.
.
.
.

"Ikaw ahh!!" Nakakagulat na sambit ni Sana.

"Ano 'yon, Sana?" Tugon ko.

"Dreiko! Magiingat kayo~!" Nangangasar na wika ni Sana.

"Pinagsasabi mo?"

"What I mean is, hwag ka masyadong Obvious, girl! Remember?? "DELICACY", Right??"

"Ahh okay gets ko na, hwag ka nga! Silang dalawa pinagiingat ko, hello??"

"Okaaaaay~ parang kanina lang naiiyak ka na sa pagaalala kay D!"

"O.A. ahh! Naiiyak? Tumigil ka nga diyan!!

Matapos ng pangungulit ni Sana ay nakabalik na sila Dreiko bitbit ang mga kahoy.

"Hindi ligtas sa lugar na 'to, kanina habang naghahanap kami ay may humarang sa amin. Isang grupo ng mga magnanakaw, mapanganib ang lumayo rito kaya dumito lang kayo." Wika ni Dreiko.

"Gagawa ako ng matutuluyan natin sa taas ng isang puno, doon ay ligtas tayong makakapagpahinga." Dugtong ni Mordis.

Matapos namin maghanda ay agad naman  na gumawa ng malatree-house na silid sa isang mataas na puno si Mordis.

"Nice, Mordis. Hindi ko alam na mahusay ka pala magdisenyo. Hindi ba? Sana?" Sambit ko.

"Huh?? Ahh Oo! Ang husay mo, Mordis. He-he-he!" Ani Sana sabay ngisi sakin nang may panggigigil.

"Hahaha Salamat, Jasmil." Tugon ni Mordis.

"Hindi ka na pala mahihirapan pagdating sa magiging bahay niyo, Sana. *Evil Smirk*" pangangasar ko.

"Anoo!!-- uy! Tumigil ka nga! Baka marinig ka ni Mordis!!" Tugon niya.

"Okayy~"

Matapos ko gumanti sa pangangasar ni Sana ay nagsi-akyat na kaming pito sa ginawang silid ni Mordis sa puno at nakakamanghang malawak sa loob nito ng sandaling paliwanagin ni Hyun ang silid.

"Woooow!!! Mordis! Mas malawak pa pala dito kesa sa inaasahan ko!!" Manghang sambit ni Cyron.

"Ang ganda ng mga inukit mong imahe at disenyo, Mordis. Pwede ka magnegosyo ng mga muwebles sa Renderick." Dugtong ni Dreiko.

"Ang Cute ng mga higaan! (okay na sana kung may foam eh) Pero saan kami matutulog diyan? Dalawa lang pwede mahigaan?" Tanong ko.

"Kayo na sa higaan, kaming mga lalaki sa sahig na lang. Ang disenyo na ginamit ko ay katulad sa disenyo ng isa sa kilalang arkitekto sa kapital natin. Kung gusto niyo ay pwede ko kayo ipakilala sa kaniya." Ani Mordis.

Key Sphere HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon