Chapter 7: The first Slice

4 0 0
                                    

Alas-otso ng umaga, pumunta ako sa bakeshop para harapin ang trabahong hindi ko naman nakasanayan. Ginabayan ako ni Paul papunta roon at nagsabi siya ng ilang paalala para hindi malito ang mga taong makakasalamuha ko.

Nakarating ako sa bakeshop. Nagmasid sa paligid. Hindi pala ito nalalayo sa istasyon ng pinagtatrabahuhan ko. 

"Camille!" 

Lumingon ako kahit alam kong hindi iyon ang pangalan ko. Dapat akong masanay na ang palagi kong maririnig na ipantatawag sa'kin ay pangalan ng taong may-ari ng katawan na 'to. Ngumiti ako sa lalaking tumawag sa'kin. 

"Buti naman at pumasok ka na, teka.. teka.. Ikaw ba yan? Hindi ka si Camille noh?"

Biglang napawi ang ngiti ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi pwedeng malaman ninuman na hindi si Camille ang nasa katawang ito. Kung hindi, tapos ang maliligayang araw ko. Nabalot ako ng kaba at pangamba. 

"Joke lang!" bigla niyang sabi sabay humagikgik. "Ikaw naman, di ka na mabiro. Naninibago lang ako kasi, ngumiti ka."

"Hindi ba 'ko palangiti?"

"Ay! Camille? Nagka-amnesia ka sa aksidente? Pati sarili mo, at kilos, di mo alam?"

Kinakabahan ako sa susunod kong mababanggit.  Baka mahalata niya. 

"Masyado lang sigurong naalog ang utak ko sa aksidente. Ikaw ba naman ang ma-Coma." 

Ngumiti siya, "sige practice tayo.."

OH MY GOD. What does he mean? Anong practice? Paul! Kelangan kita! Magpakita ka. 

"Magkano ang pinakamalaking Egg pie dito sa Guilty Pleasure bakeshop?" tanong ng lalaki.

HINDI KO ALAM. AS IN.  

Sandali pa'y nagpakita na si Paul sa tabi ko. Hindi ako nagpahalatang may nakita ako sa tabi ko, dahil magtataka ang lalaking kausap ko.

"85 pesos. Large. 50 pesos medium. 30pesos, small" bulong ni Paul sa akin.

"85 pesos. Large. 50 pesos medium. 30pesos, small"  sabi ko.

Ngumiti ang kausap ko. 

"Aba! Very good! O eto, anong pangalan ko? Yung buong pangalan ha," 

Sa isang iglap nama'y nagpakita na si Camille. Nalubag ang loob ko.

"Francine, siya si Frederick Hilario. Red ang tawag sa kanya"

Tumango ako, "Thank you"

"Anong thank you?" pagtataka ng kausap ko. 

Oh Fail! Nalakasan ko pala ang pagkakasabi ko. Hindi nga pala niya nakikita ang mga nakikita ko ngayon.

"Ahh. I mean, thank you.. thank you for that wonderful question"

And he started laughing. O my God! Ano ba?! Para na 'kong ewan. 

"Bakit ka tumatawa?" tanong ko.

"Grabe! Camille. Iba ang dinulot sa'yo ng Coma. Sobra! Parang hindi ikaw yang dating Camille."

Hindi ako umimik. Hinintay ko na lang siyang matapos tumawa. Nawala na sa paligid sina Camille at Paul.

"Ang pangalan mo ay Frederick Hilario. Ang tawag namin sa'yo ay RED"

Pumalakpak siya. 

"Buti naman at kilala mo pa ko." 

"Of course. Bagay sa'yo yang apelyido mo. Hilario. 'cause you are so hilarious"

SLICES OF HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon