Chapter 8: Wonder night

49 1 0
                                    

Hindi naman ako nasanay mag-isa sa gabi lalo na kapag patulog na. Palagi kong kasama si Nathan. Nag-uusap kami tungkol sa ilang bagay na nangyari sa trabaho niya, sa trabaho ko, sa kung paanong naantig yung listener ko sa lahat ng mga payo ko. Mas handang makinig si Nathan sa lahat ng mga kwento ko kahit na lagi niyang pinapaalala sa akin na lagi niya akong pinapakinggan sa radyo kapag free time niya sa trabaho. Minsan pa nga raw, binalak niyang tumawag sa show ko para lang makausap ako at para madama niya kung gaano raw ako ka-approachable. Palaging ako ang binibida ni Nathan. Kahit pagod na siya, sinasamahan pa rin niya ako sa gabi para gumising at mag-isip ng ilang mga bagay. Nag-uusap tungkol sa mga pangarap namin. Kung paano ang buhay kapag kinasal na kami. Ilang anak? Paano sila papalakihin? Paano kami magiging mabuting magulang? Pero lahat nang iyon, wala na. Posible pa rin namang matupad kay Nathan pero hindi na ako ang kasama niyang tutupad noon. Sa sandaling ibinuhay ko kasama siya, mas ramdam kong mas mahal niya ako kaysa sa mahal ko siya.  

Gabi na. Hindi ko inasahang ganito kalungkot ang bawat gabi ni Camille. Hindi pala biro. Pero ewan ko, baka ako lang pala ang nalulungkot ngayon sa trahedyang pinasukan ko. Nakaupo lang ako sa tabi. Walang radyo. Walang TV. Walang magawa kundi tumulala. Isipin ang mga bagay na tanging sa isipan na lang maisasakatuparan. Iniisip ko si Bonbon. si Patricia. 

"Psst!" 

Lumingon ako. Si Paul. Medyo nasasanay na 'ko sa biglaan niyang pagsulpot sa paligid ko. 

"Kumusta ka, Francine?" usisa niya.

Niyakap ko ang aking mga tuhod sa lamig na bumabalot sa akin dulot ng kalaliman ng gabi.

"Ito, nakasurvive sa katawan ng iba. Ganito pala kalungkot mag-isa noh? Ganito pala ang buhay ni Camille?"

Matagal bago umimik si Paul. 

"Naniniwala ka bang ikaw ang pumipili kung magiging malungkot ka o masaya?"

Tumingin lang ako sa kanya. Alam kong may kasagutan siya sa sarili niyang tanong. 

"Kapag bumagsak ka katulad ng kaibigan mo na bumagsak din sa isang subject na pinaghirapan niyong pag-aralan, nasa sa iyo na yun kung magiging malungkot ka kasi nasayang yung pinaghirapan mo, o magiging masaya ka kasi at least pareho kayong bagsak ng kaibigan mo, saka mo sasabihing, OK lang yan. Bawi next time," seryosong saad ni Paul. 

I don't get it. Does it make any sense?

"What are you trying to say?" I ask.

"Gusto ko lang sabihing palaging nasa kamay natin yung kasiyahan natin, piliin mo kung san ka masaya o saan ka sasaya. Hindi yung katulad niyan na kinukulong mo yung sarili mo sa kalungkutan,"

Umiling ako. I still don't get it. 

"Sinasabi mo lang yan kasi masaya kang nawala sa mundo. Matagal mo nang natanggap na wala ka na,"

Tumawa siya, "Naniniwala kang ang langit ay may mga slices?"

Ngumiti ako, naninibago sa pagkaseryoso ng boses ni Paul.

"Dito sa lupa, pwede mong matikman ang langit. Choice din yun."

Huminga ako ng malalim. Kasing lalim ng hugot ni Paul. Hindi ko pa nga pala siya kilala. Ang tanging alam ko lang, siya ang gwardiya ko. Siya si Paul. Yun lang.

"Paul, matanong ko lang.. Bakit nandito ka?.. I mean, paano ka namatay?"

Nagbuntong-hininga siya bago magsalita. 

"Sa totoo lang, wala akong maalala. Ito ang kabayaran ko para sa misyong hiniling ko at hindi ko na matandaan kung bakit sa'yo ako dinala bilang misyon ko. Ang alam ko lang, katulad mo rin ako. Namaalam sa mundo, hindi rin natanggap ang pagkawala kaya humingi ng pagkakataon at ito ang binigay sa akin," 

 "Weird" Yun na lang ang nasabi ko. 

Ayoko nang mag-isip ng kung anu-ano pang magpapagulo sa isipan ko. 

"Nasaan nga pala si Camille? How is she?" pag-iiba ko ng usapan.

Lumingon si Paul sa paligid. Ilang sandali'y nagpakita na Camille. Ngumiti siya. Tinugunan ko rin ito ng ngiti.

 "Kumusta ang araw mo Francine?"  usisa niya.

"Okay lang. Medyo naninibago lang"

"Pasensya ka na ha. Hindi ko kasi inaalagaan masyado yang katawan ko"

Ngumiti ako, "Ikaw, kumusta ka?"

"Ito, ayos lang. Mas okay ngang ganito eh dapat ako na lang ang nawala para hindi ka na nahihirapan, sorry Francine ha. Sorry. Alam kong hindi sapat 'to"

I hold her hands. Kaya kong hawakan ang kamay ng kaluluwa. All because we are all spirits here. 

"Wag ka nang magsorry. Nandito na eh. And all I could ever say to you now is Thank you. Mula ngayon, isa ka na sa kaibigan ko,"

Ngumiti siya. 

"And since, you are my friend now, pwede ko bang marinig yung side mo? Bakit ba gustong-gusto mong mamatay na?"

Hindi ko mapigilang ilagay yung trabaho ko dito. I miss listening to some stranger's feeling and sides. 

Nakita ko kung gaanong nag hesitate si Camille pero huminga siya ng malalim as if mabigat talaga yung sasabihin niya.

"Katulad mo rin ako noon Francine. Masayahin. Parang makulay ang buhay kasi may isang taong nagbibigay-buhay sa akin noon. Ulila ako at pinili niyang samahan ako sa buhay. Nagplano na rin kami niyang kasalan na yan katulad mo. Pero nagdecide siyang mangibang-bansa para makaipon sa future namin. Hanggang sa biglaan na lang kaming nawalan ng komunikasyon. Nawalan ako ng balita sa kanya." 

She started crying. 

"Si Tani lang ang minahal ko ng ganun. Naghintay ako pero hindi talaga siya dumating. Parang gumuho ang mundo ko sa biglaan niyang pagkawala, kaya kahit nabubuhay ako, pakiramdam ko patay na ko pag wala siya, kaya mas minabuti kong tapusin na talaga 'to, baka sakaling makita ko siya sa langit,"

"Do you really think, you can go to heaven by just killing yourself na alam naman nating kasalanan?"

Hindi siya sumagot.

"Did you find him somewhere ngayong nakahiwalay ka sa katawan mo?"

Umiling siya. 

"That means, buhay pa siya Camille. May pag-asa ka pang makita siya!"

"Paano kung hindi na ako ang gusto niyang makasama sa buhay?" 

"But how if he comes back?"

"Tatanggapin ko siya."

"Yun naman pala eh! Camille, Napakalaki ng pag-asa mo!"

Hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay.

"Tutulungan kitang hanapin siya"

Then she smiles with assurance. Sa gabing ito, sila ang kasama kong makipagpalitan ng kwento. Kahit paano'y nakahanap ako ng kaibigan sa labas ng mundo. 

SLICES OF HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon