Chapter 5: She.is.Camille

5 0 0
                                    

"Pwede mo nang buksan yung mga mata mo"

Binuksan ko ang mga mata ko at minasdan ang paligid. Magulo ito. Maraming alikabok. Parang walang nakatira. Hindi nakaayos ang pagkakasalansan ng ilang gamit na bagamat kakaunti ito, nakakalat pa rin.

"Bakit tayo nandito?" usisa ko.

Hindi sumagot si Paul. Lumingon ako sa'king likuran, wala siya. Hinanap ko siya sa buong bahay, wala siya.Ngunit hindi ako nabalot ng anumang takot. Tiningnan ko na lang ang ilang mga gamit doon. Puro mga pambabae. Masasabi kong simple lang manamit ang babaeng ito. T-shirt at pantalon ang karamihang nandito.

"Francine!"

Lumingon ako.Si Paul kasama ng isang babaeng nakayuko at tila nahihiya.

"Sino siya?"

"Siya si Camille."

I stare blankly.

"Gusto mong mabuhay kahit sandali diba?"

Tumango ako. "Anong kinalaman niya sa pagkabuhay ko?"

"Siya si Camille. Siya yung kasama sa aksidenteng pinangyarihan ng pagkamatay mo nang mabunggo yung kotse mo sa isang truck. Siya yung tumawid non"

Natatandaan ko pa! Oo natatandaan ko pa. Siya yung babaeng tumawid noon kaya ko nagawang piliting iliko ang sasakyan ko at aksidenteng nabunggo ng truck. NAAALALA KO NA ANG LAHAT!

"Gusto ko nang tapusin ang buhay ko," Sa unang pagkakatao'y nagsalita siya at inangat ang kanyang ulo. Matamlay ang kanyang mga mata na para bang buong buhay itong umiyak.  "kaya sinubukan kong tumawid eksakto sa rumaragasang trak,"

Nabalot ng galit ang sarili ko. Kung hindi pala dahil sa babaeng ito, hindi ako mawawala sa mundo! Gusto ko siyang sampalin. Pero nang susubukan ko na, pinigilan ako ni Paul. Tumulo ang mga luha ko, ganoon din siya.

"Bakit sarili mo lang ang inisip mo? Bakit kailangan mong mandamay ng tao? Bakit?! Bakit ginusto mong tapusin ang buhay mo, hindi mo ba alam na maraming naghahangad madugtungan ang buhay nila sa bawat araw tapos ikaw, sasayangin mo lang?"

"Dahil hindi ako kasingsaya ng ibang tao. Dahil kahit buhay ako, pakiramdam ko patay na 'ko! Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan sa buong buhay ko, sa lahat ng sinapit ko."

"Hindi mo rin alam lahat ng nawala sa'kin dahil sa'yo! Alam mo ba yon? Hindi mo alam!"

I walked out the door. Hindi ko kayang makipag-usap sa taong walang puso at sarili lang niya ang inisip. Bakit ba may mga ganung tao? Walang humpay ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Matatanggap ko na sana na wala na ko sa mundong 'to eh. Pero nalaman kong dahil lang sa pagkamakasarili niya, nawala lahat ng bagay na pinahahalagahan ko.

"Francine.."

Usually, boses ni Paul ang naririnig ko. Pero this time, iba.. Si Camille.Hindi na 'ko nagtaka kung paano niya nalaman ang pangalan ko.

"Alam kong sa huling sandali ng buhay mo, ako ang tumapos nun. Yung pagiging makasarili ko. Masyado ko kasing sinarili lahat ng mga bagay na wala sa akin. Lahat ng mga bagay na sumira sa akin.. Gusto ko sanang bumawi pero, ito lang ang kaya ko.."

Lumingon ako para hintayin ang susunod niyang sasabihin. Lumuluha rin itong nagsasalita habang katabi siya ni Paul.

"Gamitin mo muna ang katawan ko para bumalik sa mundo."

Tumingin ako kay Paul nang buong pagtataka. Anong sinasabi niya? Katawan?

Ngumiti si Paul nang bahagya and snaps his fingers.

Sa isang iglap ay nasa isang Ospital na kami. Sa loob ng kwartong kinalalagyan ng isang babaeng walang malay at tanging binubuhay ng mga gamit ng teknolohiya.

"Coma lang ang inabot ni Camille sa aksidenteng iyon. Ayan siya." sabi ni Paul.

Nasaktan ako nang malamang siya'y may pag-asa pang mabuhay habang ako... Kinuha agad.

"Hindi pa ako handang bumalik, ayoko na nga sana pero sabi ni Paul kelangan daw. At dahil gusto kong bumawi sa'yo Francine, ikaw muna ang gumamit ng katawan ko,"

Napapalunok na lang ako sa mga nalalaman ko. Nagkaroon ng kaunting liwanag sa isip ko nang malaman kong maaari akong makabalik sa mundo. .. pero hindi bilang ako.

"Buti ka pa, may pag-asang mabuhay pa.. Bakit ako, deretsong nawala agad sa mundo?" tanong ko.

"Dahil baka may mga bagay na dapat pang malaman ni Camille kaya hindi pa siya kinukuha. At kung hindi mo pa talaga oras, hindi pa talaga mangyayaring mawawala ka," paliwanang ni Paul.

Hindi ko pa rin maintindihan. Parang hindi patas. Ang hirap intindihin kasi hindi naman naaayon sa'kin. At saka ko na lang naisip na ang lahat ng inaalala ko ay sarili ko na lang din.

"Ano? Anong desisyon mo?" saad ni Paul.

Nagbuntong-hininga ako at tumango.Kung ito na lang ang tanging pag-asa, bakit hindi?

Humiga na ako sa kanyang katawan at inabsorb lahat ng pagbabagong manggagaling sa ibang katawan.

SLICES OF HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon